PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEPtalk. Aljur Abrenica says he and Kylie Padilla are fighting for their love: "Kahit ano mang relihiyon man yun, pag nagmahal po talaga kayo, e, mahirap talagang pigilan."

Aljur says Robin Padilla is “understanding"; talks about making own name in the industry.
by Cathrina Maulion
Published May 15, 2013
On the rumor that he is being groomed as GMA’s next Richard Gutierrez, Aljur Abrenica says: “Gusto ko pong gumawa ng sarili ko pong pangalan, e. Sa nakikita ko naman, malayong-malayo po ako sa kanya.” Click here to w

Uminit lalo ang usapan sa ikalawang bahagi ng PEPtalk Bodies Special kung saan sinagot ng Kapuso hunk Aljur Abrenica ang mga tanong kaugnay sa lumalalim na relasyon nila ni Kylie Padilla.

Napag-usapan din sa bahaging ito ang patuloy na pagsigla ng career ni Aljur bilang isa sa top leading men sa Kapuso network at ang batikos sa kanya noon na mayroon siyang attitude problem.

Narito ang ikalawang bahagi ng panayam nina PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) associate editor Rommel Llanes at staff writer Abby Mendoza kay Aljur...


Abby: Kumusta na nga pala sila ng father ni Kylie Padilla na si Mr. Robin Padilla? Aljur?

Aljur: “Nagpapasalamat naman po ako dahil... bilang isang ama….”

Rommel: Maayos naman kayo?

Aljur: “Oo. All respect po talaga ako kay Mr. Robin Padilla. 'Tito Robin' na nga po ang tawag ko sa kanya.

“Ano po... nagpapasalamat po ako dahil sobrang understanding [niyang] ama. Alam ko po kasi na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa totoo lang naman kasi, alam ko naman po. Alam ko po talaga. Alam ko po na mali po talaga, lalung-lalo na sa relihiyon nila.”

(Muslim si Kylie samantalang Katoliko naman si Aljur.)

Abby: Pero nung birthday ni Kylie, di ba, nagpunta ka pa sa kanila? Mukhang okay... mukhang comfortable ka na?

Aljur: “Gaya ng sinasabi ko kanina, itutuloy ko... mali naman po talaga sa relihiyon nila.

"Nasabi naman po sa akin, nabanggit naman po. Kahit kanino naman itanong.

“Pero ang pinanggagalingan ko naman kasi, kaya naman nandito pa rin ako ngayon, at nandiyan pa rin kami ni Kylie, ang katuwiran ko lang, pare-parehas lang naman tayong ipinanganak na tao.

“At hindi ko naman po talaga sinasadya. Hindi ko naman sinasadya at hindi naman po sinasadya ni Kylie na mahulog kami sa isa’t isa.

“Talagang nahulog po ako. Talagang nahulog din po siya sa akin. Nagmahalan po talaga kami.

"Yun po yung pinanggagalingan ko, na kahit ano mang relihiyon man yun, pag nagmahal po talaga kayo, e, mahirap talagang pigilan. Di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And si Kylie na rin naman ang nagsabi na sobrang napa-flatter ako at ikinatutuwa ko na ipinaglalaban po niya.

“Ako rin naman po, ipinaglalaban ko po talaga. Lalo ko lang ikinatuwa kasi ipinaglalaban po naming dalawa.”

Rommel: Nakakakilig lang na pareho ninyong ipinaglalaban yung pag-ibig ninyo.

Aljur: “Opo.”

Rommel: Love conquers all na lang yun, di ba?

Aljur: “Opo, parang ganun.”

THE NEXT RICHARD GUTIERREZ? Sunod namang napag-usapan ang tila paggu-groom sa kanya ngayon ng Kapuso network bilang "next Richard Gutierrez."


Abby: Yung susunod na tanong, Aljur, kasi sa [Kapusp] network, tatlo daw kayo ngayong ginu-groom to be the next hottest male actors.

Si Rocco Nacino daw ang susunod na Dennis Trillo, si Alden Richards ang susunod na Dingdong Dantes, at ikaw daw ang susunod na Richard Gutierrez.

Considering na parang dati nagka-issue yata kayo, okay lang ba sa 'yo yun? May reaction ka ba dito?

Rommel: Ikaw daw yung sinasabing the next Richard Gutierrez ng GMA-7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aljur: “Seryoso nga kayo?”

Rommel: Yun kasi ang sinasabi...

Aljur: “A, ganun... salamat, salamat! At least, di ba? Richard Gutierrez po yun, e. Respect.

“Pero ano kasi, nandiyan naman po, hindi makakarating 'yan [Richard] sa kinatatayuan niya kung hindi niya po pinaghirapan.

“Ako, mas pipiliin ko na... [pero] compliment yun sa ‘kin, a. Thank you po. Pero…”

Rommel: Okay pa rin na mas maging Aljur Abrenica kaysa...

Aljur: “Opo. Gusto ko pong gumawa ng sarili ko pong pangalan, e. Sa nakikita ko naman, malayong-malayo po ako sa kanya.”

CRITICS. Tinanong din ang dating StarStruck 4 winner tungkol sa mga bumabatikos sa kanya noong siya ay nagsisimula pa lamang.

Rommel: There was a time na minamaliit ka noon ng mga tao, nung nagsisimula ka pa lang. So ngayon na bumabandera ka na, ano ang masasabi mo doon sa mga nangmamaliit sa ‘yo?

Aljur: “Naalala ko lahat, a. Well, siguro yung may mga nasasabi sa ‘tin nun, malaki po silang factor na kung nasaan man ako ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rommel: Kung bakit ka nagsumikap?

Aljur: “Opo... well, even before naman mas naging…”

Rommel: Driven ka?

Aljur: “Oo, e. Drive ko yun, yung mga sinabi nila sa akin. Siyempre, from them, tine-take ko yun as a challenge. Kasi sa kanila manggagaling yung [criticisms], e. Sa kanila manggagaling lahat ng pagkukulang mo sa industriyang ito.

“Tulad ng sinabi nilang wooden acting ako, na wala akong dating sa pag-arte, mas na-drive ko yung sarili ko na mas pagbutihan pa.

"Lalo na, isa pa yung sa katawan, dahil hinihelera po noon kina Dennis Trillo, Dingdong Dantes... Sinasabi nila na patpatin ako, na payat naman ako. Naging drive ko po yun na magpaganda ng katawan.

“Masasabi ko lang po sa kanila is, thank you, thank you talaga. Kung nasaan po ako ngayon, isa po kayong malaking dahilan. Salamat.”

Rommel: Hindi ka nagtanim ng galit sa kanila or anything?

Aljur: “Medyo. Dahil siyempre bata po, wala pa po akong alam noon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon, sa mundo po pala natin, habang tumatagal ka, marami po akong natutunan, lalo na sa network ng GMA.”

Rommel: Okay na kayo pag nagkikita kayo sa daan?

Aljur: “Nakakausap ko po sila.

"Ako po kasi, diretso po kasi akong tao, e. Di po ako nagpapaliguy-ligoy, e. Tatanungin ko po sila ng, ‘Anong problema mo sa ‘kin?’

“Very ano naman po sila, hindi naman po nila ako sinasabihan. Kumbaga, mababait pa po sila.

"Sasabihin nila sa ‘kin, 'Ito anak ang problema sa ‘yo, ganyan-ganyan, kulang ka sa ganito, kaya ko nasabi yun.' Mababait naman po [sila].”

Rommel: Tine-take mo as positive ano yun, para mag-improve ka pa lalo?

Aljur: “Actually, lahat po ng nagki-critic sa ‘kin, magandang example po si Tito Alfie Lorenzo. Talagang tinitira po nila ako. Pero nung tinanong ko po siya, iba po sila sa personal.”

Rommel: Kapampangan din yun.

Aljur: “Opo, kababayan ko po. Gusto ko lang sabihin na ang mga kritiko, mababait po sila sa personal. Yun ay ano lang naman 'yan, critic nga na sa news lumalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero alam ko naman na sa loob naman ay may kaunting pagmamahal din 'yan, na concerned lang. Yun nga, yung salita, concerned lang."

ATTITUDE PROBLEM. Inusisa rin ng PEP kay Aljur ang batikos sa kanya na nagkaroon siya ng attitude problem noong nagsisimula pa lang siyang sumikat.

Abby: Aljur, siyempre, 'yan, marami ka nang achievements, malayo na ang narating mo. Pero sa tingin mo, sa punto ng career mo, may pagbabago ba sa ‘yo? Kasi parang may nagsasabing yumabang or nagkakaroon ka daw ng attitude problem, or nagkaron ka daw ng attitude problem? Totoo ba ito?

Aljur: “Talaga?”

Abangan ang buong sagot ni Aljur sa susunod na bahagi ng PEPtalk Bodies Special!

Click here to watch the PEPtalk episode!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On the rumor that he is being groomed as GMA’s next Richard Gutierrez, Aljur Abrenica says: “Gusto ko pong gumawa ng sarili ko pong pangalan, e. Sa nakikita ko naman, malayong-malayo po ako sa kanya.” Click here to w
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results