Pinabulaanan ni Susan Roces ang patuloy na espekulasyong si Senator Grace Poe ay anak ng kanyang kapatid na si Rosemarie Sonora kay yumaong Presidente Ferdinand Marcos.
Read: Rumors about Senator Grace Poe being the ’daughter of Marcos’ resurface
Pahayag ni Susan, “Yung sinasabi nilang anak si Grace ng kapatid ko, bakit ko ipagkakaila kung totoo?”
Depensa pa niya sa kanyang kapatid na dating Sampaguita star, “Kasama ko ang kapatid ko, araw at gabi ng mga panahong iyon.
“Hindi ko siya nakitang nagdadalang-tao.
“That was 1968, the year I got married.”
Hindi umano maitatago ni Rosemarie sakaling nabuntis ito, dahil kalakasan ng showbiz career nito noong panahong iyon.
Sabi pa ni Susan, base sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, February 16, “During that time, my sister was very visible [in public].
“Never, never ko siyang nakitang pregnant.”
Nakapanayam ng ilang reporters si Susan sa La Paz market sa Iloilo, kung saan bumisita ang beteranang aktres bilang bahagi ng campaign sortie ni Grace ngayong araw.
Dito ay hindi maiwasang maungkat ang "urband legend" tungkol sa biological parents ni Grace, lalo pa't nakatakdang magtungo ang senadora at adoptive mom nitong si Susan sa Jaro Cathedral ngayong hapon.
Matatandaang ang noo'y sanggol na si Grace ay natagpuang inabandona sa Jaro Cathedral, Iloilo, noong September 3, 1968.
Limang taong gulang si Grace nang siya ay legal na ampunin ng mag-asawang Ronald Allan Poe (Fernando Poe Jr.) at Susan, base na rin sa desisyon ng Municipal Court ng San Juan, Rizal, noong May 13, 1974.

SENATOR MARCOS, SENATOR POE CALL EACH OTHER BRO AND SIS. Samantala, mismong si Senator Bongbong Marcos ay minsan nang pinabulaanan ang “urban legend” na nagsasabing kapatid niya sa ama si Senator Poe.
Gayunman, bukas si Bongbong na naging biruan na nila ni Grace na tawagin ang isa't isa na 'kuya' at 'sis,' dala na rin ng espekulasyong si Senator Poe ay anak diumano ng yumaong President Marcos.
Inihayag din ni Bongbong sa isang panayam noong Nobyembre na handa siyang sumailalim sa DNA test kung ito ay makakatulong sa paghahanap ng senadora sa kanyang hindi pa rin matukoy na biological parents.
Read: Bongbong Marcos to Senator Grace Poe: “Huwag kang panghihinaan ng loob.”