PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liliosa Hilao's death and other true stories of martial-law brutality still fresh, says CARMMA

CARMMA supporter and former Martial Law detainee Violeta Hilao: "Si [Senator Bongbong] Marcos, hinihintay lang mamatay ang henerasyon namin para makuha niya
Published Feb 23, 2016
<p>Marie Hilao related the brutal death of her younger sister Liliosa in the hands of military during Martial Law. Other true stories of Martial Law brutality were shared In the gathering for the Campaign Against The Return of Marcoses (CARMMA), held at B

"#NoMoreMarcos #NeverAgain #NoToBBM"

Ilan lamang ito sa mga hashtags sa social media na naglalarawan ng protesta laban sa kandidatura ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos bilang bise presidente sa 2016 elections.

Galing ang protesta mula sa mga biktima ng martial law at sa human rights activists, na humihingi pa rin ng hustisya sa dinanas nilang pagmamalupit sa ilalim ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos.

Si Presidente Marcos ay ama ni Senador Bongbong.

Tatlumpung taon man ang nakalipas mula nang mapatalsik sa Malacañang si Presidente Marcos, hindi umano mababago ng pamilya Marcos ang katotohanan sa likod ng mga kuwento ng biktima ng martial law.

Una na rito si Marie Hilao, na isa sa resource speakers sa pagtitipon ng Campaign Against The Return of the Marcoses to Malacañang (CARMMA), na ginanap sa Bahay Ng Alumni ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, kahapon, February 22.

LILIOSA HILAO. Ang kapatid ni Marie na si Liliosa Hilao ang unang naitalang student activist na namatay habang nasa kustodiya ng militar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Liliosa ay Communication Arts student sa Pamantasan Ng Lungsod ng Maynila (PLM) at editor ng kanilang school paper, ang Hasik.

Ayon kay Marie, April 1973 nang ikinulong, pinahirapan, at pinatay si Liliosa ng mga sundalong dumakip sa dalaga.

Ang talagang sadya ng mga sundalo ay ang kanilang kapatid na si Wilfredo na inaakusahang subersibo noong mga panahong iyon.

Isa pang kapatid ni Liliosa, si Alice, ang lakas-loob na kumuha ng mga labi ng dalaga sa pamilya nito.

Ikinuwento ni Marie sa kapulungan ng CARMMA na bakas sa walang-buhay na katawan ni Liliosa ang dinaanan nitong paghihirap.

Ginawa umanong ash tray ang bibig ni Liliosa. Kitang-kita raw ng pamilya ang mga paso ng sigarilyo sa bibig nito.

Bagamat hindi na sinabi ni Marie sa pagtitipon, maraming nakakakilala sa pamilya Hilao ang nagsabing pinainom din ng muriatic acid si Liliosa.

MARIE HILAO. Sa pamilya Hilao, maging si Marie ay hindi nakaligtas sa pagmamalupit ng Batas Militar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang taon at siyam na buwang idinitine si Marie sa Ipil Detention Center sa Fort Bonifacio, Taguig City, noong 1974-75.

Kuwento pa ni Marie, nanganak siya sa loob ng kulungan, at pinakawalan lang matapos mag-hunger strike ang mga kapwa detinido bilang protesta sa patuloy na pagkulong sa mga inang may sanggol.

VIOLETA HILAO. Ang isa pang kapatid ni Marie na si Violeta Hilao ay inaresto at idinitena rin ng militar noong 1974.

Base sa karanasan ni Violeta, siya ay sapilitang pinaupo na naka-expose ang likod sa airconditioner, habang may hawak na mga libro sa magkabilang kamay at sa ulo.

Sabi ni Marie, “Si [Senador Bongbong] Marcos, hinihintay lang mamatay ang henerasyon namin para makuha niya ang mga millennials.”

Gayunman, dugtong ni Marie, desidido ang supporters ng CARMMA na iprotesta ang kandidatura ni Senador Bongbong Marcos bilang bise-presidente sa 2016 elections.

Patunay dito ang manifesto ng CARMMA tungkol sa mga kasalanan ni Senator Bongbong, na patuloy na nagsasabing wala siyang dapat ihingi ng tawad sa mga biktima ng martial law.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

READ: CARMMA supporters cite "7 sins" of vice-presidential candidate Bongbong Marcos

Handa rin ang supporters ng CARMMA, tulad ni Marie, na patuloy na ihayag at ikalat ang mga testimoniya ng iba pang biktima ng martial law.

Lalo pa’t laganap umano ang “national amnesia” at ang pag-revise sa kasaysayan ng martial law sa Pilipinas, ngayong hinahayaang kumandidato si Senator Bongbong bilang pangalawang pangulo.

JOSE "PETE" LACABA. Isa pang highlight sa pagtitipon ng CARMMA ang pagbasa ng manunulat na si Pete Lacaba ng kanyang tulang pinamagatang "Prometheus Unbound."

Isinulat noong 1971, ang "Prometheus Unbound" ay nailathala sa Focus magazine, na itinuturing na Marcos publication noong 1972, nang naideklara na ang batas militar.

Huli na nang mapansin ng mga editors nito na ito ay isang acrostic poem, o tulang may ibang pakahulugan kapag binasa ang mga unang letra nito pababa.

Sa kaso ng "Prometheus Unbound," ang mga unang letra ay nagsasabi ng “Marcos Hitler Diktador Tuta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang taon ang makalipas, noong 1974, si Pete ay nakaranas ng pagmamalupit sa kamay ng militar nang siya ay inaresto, ikinulong, at tinortyur ng 5th Constabulary Security Unit (CSU) sa Camp Crame.

Dalawang taong dinetena si Pete na noo’y isang translator, poet, at journalist. Si Pete ay executive editor ng YES! Magazine sa kasalukuyan.

Sabi pa ni Pete bago niya basahin ang Promotheus Unbound, “O, may mga nakikita ako dito [sa audience]. ‘Yan si Lito Ocampo…Boni Ilagan…

“’Yang mga ‘yan, sabay kaming tino-torture pero sa iba’t ibang kuwarto.

“Naririnig namin ang mga ungol namin.”

TRES MARIAS. Nag-perform naman ng kantang “Dakilang Lahi” ang Tres Marias, ang grupo ng mga mang-aawit na sina Cooky Chua, Lolita Carbon, at Bayang Barrios.

Kinanta rin ni Lolita ang orihinal niyang komposisyon, ang “Pagbabalik,” na pinasikat ng dati niyang bandang Asin.

Bago magtapos ang awitin, inanyayahan ni Lolita ang audience na makikanta sa chorus na nagsasabing: “Bayan ko / nahan ka / Ako ngayo'y nag-iisa / Nais kong magbalik / Sa iyo, bayan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos lahat ng nasa audience ay emosyonal na nakikanta.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Marie Hilao related the brutal death of her younger sister Liliosa in the hands of military during Martial Law. Other true stories of Martial Law brutality were shared In the gathering for the Campaign Against The Return of Marcoses (CARMMA), held at B
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results