PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PNoy hits VP candidate Bongbong Marcos in People Power speech

PNoy campaigns for 'not another Marcos in Malacanang' in 30th anniversary of EDSA People Power.
Published | Updated Feb 25, 2016
<p>President Noynoy Aquino on Sen. Bongbong Marcos's bid for vice-presidency: "Ngayon po, kung tama ang ilang mga survey na nagsasabing dumarami ang sumusuporta sa anak ng diktador na hindi kayang makita ang pagkakamali ng nakaraan, ang ibig po bang sabih

Diretsahang binatikos ni President Benigno “Noynoy” Aquino III si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, na kumakandidato bilang bise presidente ngayong 2016 elections.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution, na siyang naging daan upang mapatalsik sa puwesto ang diktador na si Presidente Ferdinand Marcos.

Si Bongbong ay anak ni yumaong Presidente Marcos.

BONGBONG NOT SORRY FOR MARCOS DICTATORSHIP. Sa kanyang speech ngayong Huwebes, February 25, kinondena ni PNoy ang plano ni Bongbong na magbalik sa Malacañang sa kabila ng patuloy nitong pagtanggi sa mga pang-aabuso, panggigipit, at pagmamalupit sa ilalim ng pamahalaang diktadurya ng kanyang ama.

Pahayag ni Pnoy, “Totoo nga naman po ang kasabihan: Ang kasalanan ng ama ay hindi dapat ipataw sa anak.

“Pero ang masakit: Yun pong kadugo ng diktador, sa mahabang panahon ay puwede namang sinabing, 'Nagkamali ang aking ama' o 'Nagkamali kami; bigyan niyo kami ng pagkakataong iwasto ito.'”

Patuloy pa ng Pangulo, “Pero isipin na lang po ninyo, ito ang tahasang naging pagsagot niya [Bongbong]: 'I am ready to say sorry if I knew what I have to be sorry for.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung hindi man lang niya makita ang mali sa ginawa ng kanilang pamilya, paano tayo aasang hindi niya ito uulitin?

“Ang akin nga, thank you na lang, dahil kahit papaano nagpakatotoo ka sa pagpapakitang handa kang tularan ang iyong ama.”

DELAY OF PASSAGE OF BBL. Tinuligsa rin ni Pnoy ang diumano'y pagharang ni Bongbong sa usapin tungkol sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL), na layuning makatulong sa peace process sa Mindanao.

Lalo pa't ang BBL sana ang sagot sa mga pang-aabusong dinaranas ng mga Moro mula pa umano noong kasagsagan ng batas militar, kung kailan talamak ang land-grabbing sa Mindanao.

“At di po ba, ang BBL, naipit sa Senado sa kumite para sa lokal na gobyerno, na pinamumunuan ni Senador Marcos?

“Di ba, nung pinakahuling araw ng sesyon, tuloy pa rin ang pag-interpellate ni Senador Enrile?

“At di po ba, itong dalawang apelyido ding ito ang siyang nagtulak ng military solution para sa mga Moro noong panahon ng diktadurya?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BONGBONG'S BID FOR VICE-PRESIDENCY. Sa kabila ng lahat ng ito, kinuwestiyon ni PNoy ang pagtaas ng ranking ni Bongbong sa nationwide poll para sa preferred vice-presidentiables sa 2016 elections.

Sa Pulse Asia nationwide poll noong January, makikitang pantay na ang ranking nina Bongbong at Senator Francis “Chiz” Escudero pagdating sa preferred vice-presidentiables.

Read: Binay tie with Poe, Duterte in presidential poll

“Ngayon po, kung tama ang ilang mga survey na nagsasabing dumarami ang sumusuporta sa anak ng diktador na hindi kayang makita ang pagkakamali ng nakaraan, ang ibig po bang sabihin ay nalimot na natin ang sinabing 'Tama na, sobra na, palitan na?'

“Ibig po bang sabihin, inihahayag na sa ngayon: Puwede na bang bigyang-posibilidad na mangibabaw muli ang batas militar at maulit ang lahat ng kamalian nito?”

Ayon pa kay PNoy, mismong mga dayuhang nakakasalamuha niya sa ibang bansa ay nagtataka kung paanong ang anak ni yumaong Presidente Marcos ay nakaupo sa mataas na puwesto sa gobyerno hanggang sa kasalukuyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Talaga nga pong napakahirap ipaliwanag ito sa kanila.

“Hanggang ngayon, masakit pa ring isipin na ang isang Pilipino ay nasikmurang apihin ang kapwa Pilipino gaya ng ginawa ni Ginoong Marcos.”

Binanggit din ng Pangulo ang balita tungkol sa grupo ng National Computer Center (NCC) na nag-walk out dahil sa nangyaring dayaan pabor kay Presidente Marcos noong 1986 snap elections.

Saad ni PNoy, “Tama lang din po sigurong ilapit ko sa inyo ang naiulat sa isang diyaryo kahapon: Nangangamba raw ang mga 1986 COMELEC tabulators.

“Kinakabahan daw sila kung makakabalik ang mga Marcos sa poder, dahil sila ang nakakita kung paanong tahasang dinaya ang mga numero ng eleksiyon para mapaburan ang diktador.”

PNOY'S APPEAL TO THE YOUTH VOTERS. Sa huli, hinikayat ni PNoy ang kabataan na balikan ang malagim na kasaysayan ng Martial Law upang maintindihan nila ang kahalagahan ng demokrasyang pinanghahawakan nila ngayon.

Bilang pagtatapos, ibinahagi ni PNoy ang aral na natutunan niya mula sa kanyang ina at yumaong Presidente Corazon Aquino:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The problems we face are our generation’s making.

“It is our generation that has to correct them.

“Your role is to prepare yourselves better to avoid making the same mistakes.”

Read Next
Read More Stories About
#eleksyon2016, Martial Law
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>President Noynoy Aquino on Sen. Bongbong Marcos's bid for vice-presidency: "Ngayon po, kung tama ang ilang mga survey na nagsasabing dumarami ang sumusuporta sa anak ng diktador na hindi kayang makita ang pagkakamali ng nakaraan, ang ibig po bang sabih
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results