Hindi lang magka-love team sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na kilala rin bilang KathNiel. Magkasama rin sila sa pag-endorso ng presidential candidate.
Opisyal nang inanunsiyo ni Korina Sanchez-Roxas, asawa ni Liberal Party (LP) presidential candidate Mar Roxas, ang desisyon ng KathNiel na i-endorse ang kabiyak.
Pinost ni Korina sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Mar kasama sina Kathryn at Daniel. Kinunan ang litrato sa music video shoot ng Liberal Party sa Bonifacio Global City, Taguig.
Ang buong caption ni Korina sa kanyang Instagram post noong November 22 ay: "#KathNiel is for Mar! Teen King and Queen Daniel Padilla and Kathryn Bernardo go for Mar Roxas for President in 2016! #DaangMatuwidPaMore"
A photo posted by Korina Sanchez-Roxas (@thisiskorinasanchezroxas) onNov 21, 2015 at 7:10pm PST
Nagpakuha rin ng litrato sina Tricia, Jill, at Aika, mga anak ng LP vice presidential candidate na si Leni Robredo at ng yumao nitong asawa, ang dating Secretary of Interior and Local Government na si Jesse Robredo.
A photo posted by @deleon_nina onNov 21, 2015 at 8:47pm PST
NETIZENS REACT. Unang inanunsiyo ni Daniel ang suporta kay Mar noong November 6, nang i-post ng aktor sa kanyang Twitter account ang kanyang panayam sa YouTube kasama ng LP standard-bearer.
Read: Daniel Padilla's endorsement of Mar Roxas's presidential bid draws mixed reactions
Gaya ng reaksiyon ng ilang netizens sa desisiyon ni Daniel, sinalubong ng iba't ibang opinyon ang pagsuporta ni Kathryn kay Mar.
Sa Instagram post ni Korina, nagpahayag ng suporta ang ilang KathNiel fans sa desisyon ng Kapamilya Teen Queen.

Pero kinuwestiyon din ng ilang netizens ang pag-endorso ng KathNiel kay Mar.
May mga nagtanong din kung magkano ang natanggap nila Kathryn at Daniel upang ikampanya si Mar.

