Nilinaw ng kampo ni Gloc-9 na walang katotohanan ang espekulasyong iniendorso nito ang kandidatura ni Vice President Jejomar Binay bilang presidente sa 2016 elections.
Kaugnay ito ng kumalat na larawan ni Gloc-9 na kuha mula sa proclamation rally ng anak ni VP Binay na si Abby Binay, na kumakandidato bilang alkalde sa Makati City.
Makikita sa naturang larawan na nakapuwesto sa bandang likuran ni Gloc-9 si VP Binay at ilan pang mga kaalyado nito sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance (UNA).
Narito ang official statement na inilabas ng PPL Entertainment, Inc., ang talent management ni Gloc-9 na pinamamahalaan ni Perry Lansingan, hinggil sa isyu:
“Like many artists, Gloc-9 has been performing in various sorties since February of this year.
“During campaign season, it is normal for artists and celebrities to get gigs that are connected to or have something to do with the coming elections.
“In the past months alone, Gloc-9 has performed in sorties for local candidates regardless of party affiliations in Laguna, Bocaue, and Cavite.
“That it is this Makati gig that has gotten mileage is no surprise, and that has more to do with the media than with Gloc-9.
“To Gloc-9 management this was just a regular sortie gig for a local candidate, no different from the sorties before it, and the sorties that will come after it.”
CAMPAIGN JINGLE. Sa isang banda, sa mga hindi nakakaalam, noong February ng taong ito, ilang linggo pa lamang mula nang i-release ni Gloc-9 ang kanta niyang “Pareho Tayo” ay binili na ang rights nito ni Atty. Rico Quicho, ang spokesperson ni Binay.
Pero noon pa lang, nilinaw na ng PPL Entertainment na ang pagkakabili ng kanta ni Gloc-9 ay hindi nangangahulugang kasama na rin dito ang pag-eendorso ng singer-rapper kay Binay.
Nagkataon lamang umano na naunang nabili ng kampo ni Binay ang kanta ni Gloc-9 na “Pareho Tayo.”
MIXED REACTION. Kung pagbabasehan ang ilan sa mga komento at pagbatikos sa pagpi-perform ni Gloc-9 sa campaign rally ng mga Binay, masasabing hindi nagustuhan ng ilan sa fans ng singer-rapper na makita ito sa partido ng presidential candidate.
Lalo pa’t kilala si Gloc-9 na malapit sa mga masa at iniidolo sa kanyang mga isinusulat na awitin, na halos lahat ay patungkol sa bayan at sa mga mahihirap.
Gayunman, marami ring mga taga-subaybay ang singer-rapper ang naghayag na nirerespeto nila kung sinumang kandidato ang susuportahan nito.
READ: Gloc-9 criticized for performing at Binay proclamation rally