Isa si Bea Alonzo sa trending topics sa Twitter ngayong Linggo, October 3, 2021, kasunod ng guest appearance niya sa Kapuso Sunday musical variety show, All-Out Sundays (AOS).
Naging makulay at entertaining ang segments na tampok si Bea.
Si Bea rin ang naunang nag-perform sa opening production number.
Suot ang matingkad na pink gown na may mahabang trail, kinanta ni Bea ang “I Can See Clearly Now” ni Jimmy Cliff.
“Ang saya-saya ko kasi sa wakas nasa AOS stage na ako,” pagbati ni Bea nang i-welcome siya ng hosts ng weekend show.
“I’m thankful dahil ang dami ko agad nakilalang Kapuso ngayon,” nakangiting pahayag ng aktres.

Sa second feature kay Bea, ipinalabas ang behind-the-scenes na kuha sa aktres nang i-record niya ang kanyang mga kanta para sa production numbers niya sa AOS.
BEA SAYS SHE IS FRIENDS NOW WITH MARIAN
Sa sumunod na production number ni Bea, naka-duet niya ang mga sikat na Kapuso female stars, gaya nina Julie Anne San Jose, Bianca Umali, Gabbi Garcia, Andrea Torres, Max Collins, at Rhian Ramos.
Sa interview portion, may ilang Kapuso stars na nagbato ng tanong kay Bea via pre-recorded videos.
Hindi naitago ni Bea ang tuwa nang ipalabas ang tanong sa kanya ni Marian Rivera.
Tanong ni Marian, ano ang iluluto sa kanya ni Bea kapag nagkita na sila?
Sagot ni Bea, “Hi, Marian, hello.
“Friends na kami dahil nagdi-DM [direct messaging] kami.
“So I’m very, very happy. Thank you for your question, Marian.
“Dahil ipagluluto mo ako ng menudo ng lola mo, siguro ipagluluto naman kita ng kaldereta ng lola ko.
“So, compare tayo ng recipes ng ating mga lola," sabi ni Bea.

Nagkasama sa isang virtual meet-up sina Bea at Marian noong August 2021, kaugnay ng iniendorso nilang beauty brand.
Nagkayayaan ang dalawa na magkita sa bahay ni Marian pagkatapos ng pandemic.
Nag-volunteer si Marian na ipagluluto niya si Bea ng menudo recipe ng lola ng Kapuso Primetime Queen.
Samantala, pinasalamatan ni Bea ang Kapuso network matapos niyang opisyal na mag-transfer dito noong July, 2021.
Mensahe ni Bea, “Sa totoo lang, this is really monumental for me kasi itong mga nakaraang buwan maraming pagbabago sa buhay ko.
“So, I would like to thank GMA-7 for all the opportunities.
“Maraming, maraming salamat po, and I will try my best na ipakita sa inyo ang talento ko, and of course, my soul.
“So maraming, maraming salamat sa lahat ng Kapuso.
“Abangan niyo po ako sa lahat ng shows ng GMA-7,” anang aktres.
Si Bea ay homegrown talent at sumikat sa ABS-CBN.
Nanatili siya bilang Kapamilya bago siya tuluyang pumirma ng kontrata sa GMA-7 noong July 1, 2021.
