PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Art piece worth PHP2.3M, aksidenteng nabasag ng isang ale sa exhibit

Oh no! Magkano ang babayaran niya?
by KC Cordero
Published Feb 21, 2023
The Balloon Dog
Kung titingnan ay parang totoong lobo ang blue Balloon Dog sculpture ni Jeff Koons. Yari ito sa porcelain, at kahit maliit ay napakamahal. (Photos courtesy of Stephen Gamson)

Isang babaeng bumisita sa contemporary Art Wynwood fair last February 17, 2023 sa Miami, Florida ang na-curious at hinipo ang sculpture ng world-renowned artist na si Jeff Koons.

Sa kasamaang palad, nahulog sa pagkaka-display ang art piece, at nagkapira-piraso.

Ang nasabing art piece ay isang maliit na sculpture na kulay blue at tinawag na “Balloon Dog.”

Photo of the Balloon Dog

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala si Jeff Koons sa kanyang sculptures na parang foil balloons at sa pop culture references and depictions ng mga bagay na araw-araw nating nakikita.

Kabilang dito ang giant bowl of eggs na tampok sa 2022 Miami Art Basel.

Hindi biro ang presyo ng kanyang mga obra.

Read also: Nakabibilib na sculptures ng isang artist sa Davao Oriental gawa mula sa patapong niyog at driftwood

Jeff Koons and his creation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang malaking orange version ng kanyang Balloon Dog ay nabenta sa halagang US$58.4 million (PHP3.2 billion) noong 2013.

Ang kanyang sculpture na “Rabbit” na mukhang balloon bunny na may hawak na carrot, ay isa sa “most expensive artworks sold by a living artist.”

The Rabbit art piece

Nabenta ito sa halagang US$91.1 million (PHP5 billion).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit ganito ang hitsura ng kanyang mga likhang sining, hindi sila yari sa foil kundi sa iba’t ibang materials.

Ang nadurog na Balloon Dog ay yari sa porcelain.

Tinatayang ang halaga nito ay nasa US$42,000, o PHP2,317,329 batay sa kasalukuyang exchange rates.

Nasaksihan ng art collector na si Stephen Gamson ang buong pangyayari.

Nag-post siya sa kanyang Instagram account ng kanyang lumang larawan kasama si Jeff Koons (nasa kaliwa), at maging ng photo ng sculpture, at dalawang video na nagpapakita ng pira-pirasong art piece sa sahig.

Read also: Giant golden eagle sa Sinulog Festival 2023, “product of love” ng construction workers

The twitter post of Stephen Gamson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bahagi ng kanyang caption, published as is, “I was at the VIP art opening of Art Wynwood as I was looking the art, I pointed to a Jeff Koons balloon dog sculpture.

“This woman knocked it over. I actually witnessed the whole thing.

“It shattered into a thousand pieces. One of the most crazy things I've ever seen.”

Ang lakas din ng naging sigaw ng mga bisita kasunod ng pagkabasag ng sculpture.

Read also: Painter Elito Circa, sariling dugo ang gamit sa mga obra

Iniulat naman ng Miami Herald na ayon kay Bénédicte Caluch, art advisor ng Bel-Air Fine Art, naka-insure ang Balloon Dog.

Ang babaeng aksidenteng nakabasag dito ay hindi kailangang magbayad. Isa rin itong art collector, at hindi naman sinadya ang nangyari.

Akala raw kasi ng babae ay hindi solid ang sculpture dahil nga parang lobo, kaya medyo napalakas ang pagkakahipo.

Wala ring “if you break it, you buy it” policy sa booth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The shattered Balloon Dog

Kahit nabasag na ang sculpture ni Koons ay may presyo pa rin ito.

Nag-offer din si Stephen na bilhin ang nabasag na sculpture, bagaman at hindi naiulat kung naganap ang bilihan.

Ani Stephen, “I find value in it even when it’s broken.

“To me, it’s the story. It makes the art even more interesting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung titingnan ay parang totoong lobo ang blue Balloon Dog sculpture ni Jeff Koons. Yari ito sa porcelain, at kahit maliit ay napakamahal. (Photos courtesy of Stephen Gamson)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results