Sa maikling panahon ng pamamalagi nila sa Batanes islands, naisakatuparan ng baguhang direktor na si Perci Intalan at ng cast and crew ang layunin sa ginawang location shoot.
Mula March 19 hanggang March 27, 2014, natapos ang lahat ng exterior shots para sa upcoming movie na Dementia.
Maraming eksena ang ganito; nasa tahimik at hindi mataong kalye, daraan sa maliit na lumang tulay ng natuyong ilog at nagkalat na mga tuyong dahon sa paligid; sa matarik na bundok na makipot at madulas ang mabatong daan; sa malawak na plateau, overlooking a beautiful but undeveloped white sand beach, sa bayan ng Chavayan, Sabtang Island.
May eksena ring kinunan atop a cliff, sa Mahatao town, nasa itaas ng Ivana port, sa kabisera ng Basco, Batanes.
Sa unang tatlong araw ng shooting nina Direk Perci and his assistant director, Lorna Sanchez; with cinematographer Mackie Galvez and his camera/lighting assistants, and a few Art Department staff ni Erwin Sanchez, ilang malalaking eksena agad ang natapos.
Involved lagi sa mga eksena ang lead actress, Nora Aunor, and her co-actors, in major roles: Jasmine Curtis Smith and Bing Loyzaga, and Chynna Ortaleza. Actor-politician Yul Servo, finished his few scenes ahead, sa unang dalawang araw, kasabay ng veteran comedian Lou Veloso.
Ang karakter ni Nora ay may sakit na dementia at binabantayan siya ng kanyang pamangkin played by Jasmine.
By the time we arrived on the set, in full swing na ang shoot, sa Mahatao town; nasa itaas ng matarik na bundok sina Chynna at Ate Guy (Nora's monicker) na tila stalker ng misteryosang kapatid, sa ginagawa niyang pagsunod.
Nabanggit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Direk Perci na mas naunang kunan ang major highlight, sa mas malawak na cliff, nang sinundang araw (March 21) dahil mas maraming artista ang involved.
Magiging malaking sorpresa daw sa manonood ang final sequence na 'yon, bilang pag-resolba sa matitinding conflict ng mga tauhang nasuong sa mga kababalaghang nakaugnay sa nakaraan at kasalukuyan nilang buhay.
Bilang psychological horror-drama, Dementia's material is close to home, ayon kay Direk Perci.
"May mga inputs sa kuwento, sa character ni Ate Guy, na based on my own experiences with my mom, who has Alzheimer's; may dementia, pero actually pinagtatakpan niya [ang memory lapses], so nag-aayos, kaya posturado.
"Pag may tinanong ka, hindi niya sasabihing hindi niya naalala. Pero hindi niya talaga naaalala. Gano'n ang explanation sa akin.
"It's close to home, because ang sister ko, psychiatrist; yung brother-in-law ko, psychologist. So, kinunsult ko sa kanila ang magiging takbo ng kuwento at yung lead character na may dementia.
Mahigit dalawang taon ang naging preparation; mula pag-develop ng kuwento at iba pang aspeto ng materyal, hanggang sa actual na pre-production, location hunting, casting, at iba pang logistics ng produksiyon.
Nang finally ay plantsado na ang mga bagay-bagay, para sa simula ng actual shoot, naging smooth daw naman ang takbo ng mga pangyayari. March 19 ang unang araw ng shooting, sa Basco, Batanes.
FINE WEATHER. Good thing, summertime nila sinimulan ang shoot, na maraming exterior scenes at day-effect (habang may araw, o ulap, o bago dumilim).
"Masaya!" saad ni Direk Perci.
Sa isang linggong shooting, minsan lang bahagyang umulan, habang nasa itaas ng plateau ang buong team, kabilang ang buong cast at staff.
Sa kabilang isla yon nangyari, sa Chavayan, Sabtang island, noong umaga ng March 25.
"Ang talagang... sobrang thankful ako, na ipinag-pe-pray ko yung bawat araw... kasi 'pag kailangan ko ng eksenang ma-drama, o nakakatakot, ang ibinibigay sa aking weather, nakakatakot!" sambit ni Perci.
Ito yung tipong humahampas ang malakas at malamig na hangin, habang nasa gitna ng eksena sina Nora, Chynna, at supposed mag-inang Bing Loyzaga at Jasmine Curtis Smith, kasama si Jeric Gonzales na umaalalay din kay Nora.
Iba ang lamig ng hangin sa isla, kaya nangangatog ang lahat kapag na-expose sa open field, o labas ng bahay.
"Nakakatakot na weather yung maulap, maulan, pero kaya pa rin naming mag-shoot.
"Pag may mga eksenang kailangan maulap... ay, maulap siya!
'Pag wala nang kukunan, lalabas na ang araw," natatawang sambit niya.
"'Pag kailangan ko naman ng light moment, tulad ngayon [sa seaside lighthouse, in Bgy. Malakdang], ganyang weather [maaraw at mahangin] ang ibinibigay sa amin.
"Joke nga namin, parang 'on cue' ang mga hangin; 'on cue' ang mga waves... lahat, nagbe-behave sa isang araw!
"It can only be divine providence," paniniwala ni Perci.
"Definitely, answered prayers. Araw-araw, dumaraan ako ng simbahan.
"Suwerte na rin, kasi lahat ng tinitigilan namin, may simbahan. Kahit na ang pull-out namin, 5 am, 6 am, bukas na yung church.
"Dito nga lang [sa Sabtang island, Brgy. Sinakan], wala lang kuryente, pero puwede kang pumasok.
"Ipinagpe-pray ko yung bawat araw [ng shoot]," lahad pa ni Perci.
ZERO CRIME RATE. Malaking tulong din sa production team ang moral support na ibinigay ng alkalde ng Sabtang island, si Mayor Maxilindo Emilio Babalo; at ng Parish priest ng Brgy. Sinakan, Fr. Danny Cruz.
Sa nasabing isla at baranggay mas maraming kinunang eksena; sa sementeryo, sa town hall na gumawa ng market place set ang production designer, Popo Diaz, at Erwin Sanchez, Art director; sa Chavayan, atop a plateau, bangin, at tabing-dagat; sa Brgy. Savidug, na mayroong mga native Ivatan houses, with its unique architecture; sa Ivana port, gamit ang nakahimpil doong motorboats, at sa Malakdang seaside Lighthouse, na totoong picturesque at breathtaking ang view.
Ang tinuluyan ng major cast and staff, at mga kasama, ay mga lodging houses, sa Basco capital, at sa maliit na neighborhood ng baranggays Malakdang at Sinakan; nandito ang Sabtang School of Fisheries (high school) at ang Ministry of Tourism Information Center (MTIC) na ang pinaka-head ay si Mrs. Yvonne Candel.
Katabi nito ang police station, na may ilang naka-destinong pulis, pero ayon sa mga nakausap ng PEP, matagal nang "zero crime rate" sa buong Batanes.
Ayon kay Police Inspector Randy B. Tulinao, officer-in-charge, wala umano silang nahuhuling suspect sa anumang krimen o kahit simpleng paglabag sa batas, sa matagal nang panahon.
Dahil na rin daw sa maliit lang na populasyon ng bawat islang bumubuo sa Batanes province, kabilang ang Batan, Sabtang, Adekey, at Vuhus islands.
Pag-inform naman ni Mayor Maxilindo, na-preserba ng mga katutubong Ivatan at mga kaanak nito, ang kultura at mga tradisyong kinamulatan, na may pagpapahalaga sa pagiging marespeto at God-fearing.
Sa huli niyang termino, ang Alkalde ng isla ay tulad sa karaniwang mamamayan na lider: bumibisita sa lahat ng tanggapan, paaralan, pamilihan, kalye at baranggay halls para alamin ang anumang problema ng nasasakupan.
Wala daw balak tumakbo sa mataas na posisyong pagka-Kongresista o Gobernador si Mayor Maxilindo; sapat na para sa kanya ang pagiging Board member.
Nang mag-request si Ate Guy ng ibang place na matutuluyan, para may sariling comfort room at hindi makaabala sa oras ng iba niyang kasama, sa 3 araw pang shooting, mismong si Mayor Maxilindo ang nakipag-usap sa caretakers ng isang kongkretong bahay sa Calle Cultura, near the Sinakan Town Hall.
CHALLENGED. Kumusta ang naging pakikipag-trabaho ni Direk Perci sa mga artistang bumuo ng Dementia cast?
Kabilang dito sina Nora Aunor, Jasmine Curtis Smith at Bing Loyzaga (bilang mag-ina); Althea Vega, as young Nora; Chynna Ortaleza, as Nora's sibling; child actress Christine Joy (CJ) De Guzman; Yul Servo as Bing's husband; Jeric Gonzalez, as Ivatan teener-friend of Jasmine; Celio Aquino, as Althea's boyfriend; Lou Veloso, old caretaker, and Lui Quiambao Manansala, the village faith healer.
"Alam mo... siyempre, nung una naming sinabi sa kanila itong project, na sa Batanes [na ang shoot], in-explain din namin na Batanes ang setting, pero hindi yung usual na Batanes [as in romantic setting].
"Na-achieve naman namin ang goal namin.
"I'm just happy that all my actors, they try to give out their best, knowing na it's Ate Guy who they're working with.
"They feel challenged, kasi at the same time, meron naman talaga silang husay na ipapakita.
"And they make the most of it," sambit pa ni Direk Perci.
DEDICATED. Bilang first-time director for a mainstream feature film, nananangan si Perci Intalan sa husay at pagkakaisa ng buo niyang production team.
Aniya, "Magaling yung team!
"Hindi lahat, tao ko. Yung iba, naka-trabaho na ni Jun [Lana, Perci's partner; writer-director for TV and film], sa Bwakaw at sa Barber's Tales.
"Yung iba, ni-refer ng mga naka-trabaho na namin.
"First time din nila akong naka-trabaho, as director.
"Ang maganda lang, hindi lang yung... they know what they're doing, but they're so dedicated!
"For example, yung production designer [Popo Diaz], o si Mackie [Galvez, Director of Photography] mismo ang magsasabi, 'Direk, puwede, may suggestion akong ganito?'
"'O, may gusto akong idagdag...' Nagsasabi talaga sila. May malasakit talaga sa project.
"At saka, pinag-usapan namin na, 'O, basta, dapat handa tayo... sabi ko nga, hanggang take 2.'
"Dapat handa tayo, for take 1, hanggang take 2, then lipat na agad tayo. Huwag nating uubusin ang oras natin sa eksena.
"Nagku-cooperate naman lahat nang todo."
Bukod sa mga nabanggit ni Direk Perci, tulad nina Popo Diaz at Mackie Galvez, nasa Dementia team din sina Erwin Sanchez, Art Director; Richard Gonzales, Music; Mike Idioma, Sound; Renee Dimla, Dulang Pampelikula (screenplay); Dimla, Jun Lana, at Perci Intalan, Story.
Among the production staff are Production Assistants (PA's) Yna Villaco, Jamie Lantino, Brendan Belmonte; Executive Producer Tonee Acejo; line producer Ferdie Lapuz; PMs ms. Heart and ms. Fe Anne; talent coordinator Angelito 'Check' Ticsay; make-up artist Leyjohn Perez and asst. Louie Robles, and John Glen Aquino, PA for Ate Guy,
SUPPORT FROM OTHER DIRECTORS. Pag-amin ng former TV5 executive, "Naku, parang naiilang pa ako sa tawag na 'Direk', e!" he said with a smile.
The newbie in filmmaking is flattered by encouragement from other, more established filmmakers.
Ani Direk Perci: "Feeling ko, I'm so blessed!
"Ang daming directors, o sasabihin ko nang kapwa directors, na nag-express sa akin ng support.
"As in, from Joel Lamangan, Joey Reyes, Mac Alejandre...
"Lahat sila.. when I told them that I was leaving [TV5, as Creative/Entertainment Head], tinanong nila kung ano raw ang gagawin ko.
"Sabi ko, magta-try akong magdirek ng pelikula.
"Todo-support at kinakamusta nila ako palagi [regarding the project's development].
"Si Direk Adolf [Alix Jr.], na wala naman kaming project before, we dealt with each other, because nandoon ang suporta.
"Si Direk Brillante Mendoza... he was very supportive also."
Sa kabila ng mga nararanasan ding hirap, mula sa umpisa ng pag-conceptualize at pag-develop ng project, hanggang sa kasalukuyang pagtapos pa rin ng shoot, nananatiling malakas at buo ang loob ng baguhang direktor.
After a week in Batanes, the Dementia team has moved to another out-of-town location, for some additional sequences.
"Nothing like the first time, really," nangingiti sabi ni Direk Perci.