Die Beautiful director is asked to choose: box-office hit or awards?

IMAGE Noel Orsal (Jun Lana)

Jun Lana, director of the 2016 Metro Manila Film Fest entry, Die Beautiful, chooses commercial success rather than awards for his film. 



Mas gusto ni Direk Jun Lana na maging box-office hit ang 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Die Beautiful kesa makakuha ng awards.

“Sa takilya na tayo,” diretsong sagot ng director sa tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa December 21 press conference ng MMFF 2016 entry na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros.

“Madami na tayong award,” dagdag ni Direk Jun na siyang director ng mga award-winning indie movies, kagaya ng Bwakaw (2012) at Barber’s Tale (2013).

“Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, medyo marami na.

“Saka particularly ito ang gusto namin, yung maka-reach out kami sa pinakamaraming audience na possible [at] mapanood siya ng maraming manonood.”

Hindi pa man naipapalabas sa mga sinehan ang Die Beautiful sa Pilipinas, nakakuha na ito ng international awards, kagaya ng Best Actor award (Paolo) at Audience Award sa Tokyo International Film Festival; Special Jury Award for Outstanding Performance (Paolo) sa International Film Festival of Kerala, India; at “Reel Talk” Selection at special screening sa Toronto International Film Festival.

Ang Die Beautiful, at ang pito pang MMFF entries—Ang Babae Sa Septic Tank Part 2: Forever is Not Enough, Vince & Kath & James, Sunday Beauty Queen, Seklusyon, Kabisera, Saving Sally, at Oro—ay magbubukas sa mga sinehan sa Araw ng Pasko, December 25, samantalang gaganapin naman ang Gabi ng Parangal sa December 29, sa Kia Theatre.

ON THE 30-PERCENT TICKET DISCOUNT. Nagbigay rin ng kanyang saloobin si Direk Jun sa bagong ruling ng MMFF Executive Committee (Execom) na bibigyan ng 30-percent discount sa ticket price ang mga estudyante, persons with disabilities (PWDs), at senior citizens.

Inalmahan kasi ng ilang producers, film outfits, at theatre owners ang bagong ruling.

Ang intensiyon ng MMFF Execom sa ginawang rule ay para makahikayat ng mas maraming manonood ng mga entries, subalit magkakaroon naman ito ng epekto sa mga festival stakeholders, kagaya ng mga film producers at theater owners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Star Cinema's Vince & Kath & James to withdraw from MMFF if 30% discount pushes through

“Kami naman kasi sinusundan namin kung ano yung mandate, kung ano yung mga pagbabago ng MMFF, like yung mere fact na nagbago rin ang criteria [for entries] this year,” saad ng director.

“It opened doors for us dahil nagbago yung criteria, parang perfect yung movie namin, sinumbit namin.

“So sumusunod kami sa criteria, sa rules.”

Pero dugtong ni Direk Jun, mahalaga raw na suportahan ng 30-percent discount ruling ng lahat ng parties involved.

“Kung itutuloy nila ang 30 percent at sinabi nila ito yung kailangan nyong gawin susunod kami.

“Pero, of course, ang concern din namin kailangan makuha namin ang support ng lahat.

“Naiintindihan ko din kasi kasi ang 30 percent na yan, napaka-delicate na usapan niyan, e.

“Ibig bang sabihin 30-percent discount, producers lang ang sasagot? “May sharing ba na gagawin yung cinema kasi kinakailangan magtulungan.”

Sa nasabing film festival, ipinatutupad ang patas na hatian na 45 percent para sa producers at 45 percent sa theatre owners sa ticket sale. Ang natitirang 10 percent ay para sa amusement tax.

Dahil sa 30-percent discount rule, inaaalala ngayon kung sino ang sasagot sa discount, lalo pa’t hindi sumang-ayon ang kilalang mall sa discount, kung kaya’t bumabagsak sa producers ng pelikula ang pagsagot sa discount.

Mayroon ding mungkahi si Direk sa isyung ito, dahan-dahanin ang pagpapatupad ng mga bagong MMFF rules.

“Pero kung di magkakasundo, then baka may kailangang ibang gawin.

“Kasi ang dami nang changes na ginawa ngayong taon na ito, e, so baka dapat dahan-dahan, hinay-hinay and then may mga learnings na pwedeng i-apply next year sa susunod na MMFF,” mungkahi ng director.



Stories We Are Tracking

Paolo B relied on packaging tape to hide his private part
Paolo B relied on packaging tape to hide his private part
Paolo Ballesteros on love scene with guy:
Paolo Ballesteros on love scene with guy: "Nag-rejoice ako!"







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN