Did Kim Chiu and Gerald Anderson rekindle their romance while working on their new movie?



"May pinaghuhugutan na totoo ang mga kwentong ito." Ito ang pahayag ni Direk Frasco Mortiz tungkol sa romance anthology film na 24/7 in Love.

Pitong love teams ang tampok sa movie na magsisilbing 20th anniversary presentation ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

"May nagtatahi sa pitong kwento ng pelikulang ito," sabi pa ni Direk Frasco sa presscon na ginanap ngayong gabi, November 8, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ang mga bida sa pelikula ay sina Kim Chiu at Gerald Anderson; Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz; Zanjoe Marudo at Bea Alonzo; Diether Ocampo and Maja Salvador; and Pokwang and Sam Milby; Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; pati sina Zaijan Jaranilla at Xyriel Manabat, with Piolo Pascual.

Tanging si John Lloyd ang hindi nakarating sa grand presscon. Ayon kay Angelica, may taping ang kanyang boyfriend sa Batangas kaya hindi nakadalo sa event.

Sa interview ni Angelica sa November 3 episode ng Showbiz Inside Report, kinuwento ni Angelica ang basic premise ng naturang pelikula.

Aniya, “Tungkol siya sa end of the world. May isang question: paano kung bukas end of the world na? Anong gagawin mo? Sino ang gusto mong makasama? Ipapakita dun ang mga tao, paano nila gagawin. Iba-iba, may last chance, may second chance, may pwede ka pang baguhin.”

(CLICK HERE to read related article)


Ito ang unang beses na nagkapareha sa isang movie sina Angelica and John Lloyd, na nagsimulang maging malapit sa isa't isa nang i-shoot nila ang movie sa Vietnam noong April.

Ang karakter ni Piolo ay may mental capacity na kasing-edad ng mga bata tulad nina Xyriel at Zaijian.

Ayon kay Piolo, "Nagustuhan ko yung character, nagustuhan ko yung nobility ng puso niya. It was once-in-a-lifetime."

Nang tanungin naman si Pokwang na i-describe ang love scene niya with Sam Milby, sinabi ng komedyante na "juicy."

Ang karakter ni Pokwang ay isang 40-year-old virgin samantalang si Sam ay isang Fil-Am model.

Sa presscon, hinawakan ni Sam ang kamay ni Pokwang habang sinabi niya: "Virgin talaga si Marietta [Pokwang‘s real name] sa kissing scene so ako ang first niya."

Nakita ni Pokwang na nag-react si Zanjoe kaya sinabi ng komedyante, "Zanjoe wag ka muna mag-react. Yung [kissing scene natin sa] Cinco, ginawa mong lollipop ang mukha ko saka horror yun!"

Nilapit naman ni Pokwang ang mukha niya kay Sam upang kunwari ay hahalik sila sa isa't isa.


Biro ni Pokwang, isa lang ang request niya: "Sabi ko walang dila ha."

Nang si Sam ang tanungin tungkol sa kanyang leading lady, sinabi niya: "Maganda naman si Marietta, love ko ‘to. Six years na kaming nagtu-tour. Love ko talaga si Marietta."


Sa pelikula, isang gay character ang ginampanan ni Zanjoe Marudo. Ayon sa boyfriend ni Bea Alonzo, "Nung unang araw ng shooting, hindi ko talaga alam kung paano gampanan ang role ko.

"Inobserbahan ko ang mga kasama sa set, nagpapatulong ako sa mga beki na katrabaho namin.

"Nakakailang sa umpisa, pero nung nagtagal, nag-enjoy na ako."


KIMERALD REUNION. Makikita sa trailer ng 24/7 in Love na ang karakter ni Kim ay gustong humingi ng second chance sa dati niyang kasintahan bago matapos ang mundo.

Ang kanyang leading man sa movie ay ang dating boyfriend na si Gerald Anderson.

Kamusta ang experience na nagkatrabaho uli silang dalawa para sa pelikula na ito?

"Refreshing kasi parang bumalik kami kunsaan kami nagsimula," sabi ni Gerald. "Sobra kaming kumportable sa isa't isa."

Inamin naman ni Kim na medyo kabado siya nang gawin nila ni Gerald ang project na nagsilbing reunion para sa kanilang Kimerald tandem.

Ani Kim, "Una kinabahan ako kasi ilang years na hindi kami masyadong nagchichikahan...Parang naalaala ko yung Love Spell [weekly show dati ng ABS-CBN] at parang balik kami sa 16 years old.

"Parang bumalik ulit yung ginagawa namin dati."


Tinanong rin si Gerald kung sarado na ang puso niya para kay Kim at ang sagot ng binata ay: "Yung puso ko lagi namang open."

Tinanong ng diretso si Kim: sinara mo na ba ang puso mo kay Gerald?

"Siyempre matagal na," sagot ni Kim.

"Kami ni Gerald naging magkaibigan...hindi kami magkaaway."


Pinatong ni Kim ang kamay niya sa tuhod ni Gerald (na katabi niya) bago siya nagpatuloy: "Two years hindi kami nagkausap at hindi kami nagkita...masaya ako na ganito kami ngayon."


Sa November 21 nakatakdang ipalabas ang 24/7 in Love ni idinirehe nina John-D Lazatin, Mae Cruz, Frasco Mortiz, at Dado Lomibao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN