Ruffa Gutierrez works anew with ex-boyfriend John Lloyd Cruz

Ruffa Gutierrez (in photo) appears as a guest in the John Lloyd Cruz-Toni Gonzaga sitcom Home Sweetie Home.


Makakasama si Ruffa Gutierrez sa upcoming light drama movie na pagbibidahan nina Coco Martin at Sarah Geronimo.

Ginanap ang story conference ng still-untitled movie sa Star Cinema office noong February 6 at nagkaroon ng pagkakataon ang press na makapanayam si Ruffa.

Ano ang magiging role mo sa pelikulang ito?

Ruffa: “Ako bale yung magiging mentor ni Sarah, I own a P.R. [public relations] firm at siya yung susunod sa yapak ko. Yun lang muna, through Sarah, makikilala ko si Coco.”

Ano yung pakiramdam mo na makakasama sina Coco at Sarah?

Ruffa: “Actually, excited na excited ako. First time ko sila na parehong makaka trabaho. Actually, first time kong makita si Coco sa buong buhay ko, magalang siya! Excited ako, si Sarah, matagal ko nang kakilala, love na love ko si Sarah. I really appreciate her talent kasi isa siya sa mahuhusay nating artista ngayon at performer. So, I am able to work with her kaya excited ako. Dati pinapanuod ko lang siya at nakakausap. Ngayon, makakasama ko na siya sa isang pelikula.”

Ano ang expectations mo while working with Coco?

Ruffa: “Alam kong isa si Coco sa mahusay na artista at professional siya. Kumbaga, right away, alam ko na agad yun, about you [sabay tingin kay Coco], kasi di ba Best Actor ka. I’m expecting na that this gonna be a really good film. It’s a light drama directed by Direk Jerry Sineneng na makakasama ko sana sa I Love Betty La Fea, kasi hindi siya natuloy. Saka alam ko pag Star Cinema, mahusay na pelikula. So, I’m very honored na I’ll be part of this film.”

First time n’yo palang makita si Coco in person, anong masasabi n’yo tungkol sa kanya?

Ruffa: “Cute nga siya! Mabait naman, magalang. Siya nga pala, gusto ko lang ikuwento na nakasama na siya ng Daddy ko [Eddie Gutierrez] sa Walang Hanggan. Pag-uwi ni Daddy minsan, sinabi niya na, ‘Alam mo, na meet ko si Coco, napakabait, mabait na bata.’

“Yung ibang mga artista daw na mga baguhan, nakakalimutan na i-respect yung mga datihan nang mga artista, mga veteran stars natin. Pero si Coco daw ay umiikot sa set para mangamusta at sabihin, ‘Kamusta na kayo? Kumain na po ba kayo?’ Sinabi ng Daddy ko yun na magalang daw siya. Na-appreciate ko yun na hindi sya mayabang at mabait pala talaga siya.”



WORKING AGAIN WITH JOHN LLOYD. Mula 2008-2009, nagkatrabaho sina Ruffa at John Lloyd Cruz sa local version ng I Love Betty La Fea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang interview niya noon, sinabi ni Ruffa na nagkaroon sila ng relasyon ni John Lloyd simula March 2009 hanggang February 2010.

Si Angelica Panganiban ang kasalukuyang girlfriend ni John Lloyd.



Nabalitaan namin na magiging guest kayo sa Home Sweetie Home kasama sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Kamusta po after a long time, makakasama mo ulit si John Lloyd?

Ruffa: “After five years, that’s the first time na makatrabaho ko siya uli. Maayos naman, masaya naman siya kasama. I mean, si JL naman nakakasama ko na siya sa The Buzz before as friends, we talked to each other na walang mga cameras . For us to be working together again dun sa Home Sweetie Home, natuwa ako kasi okay lang pala sa ABS-CBN na magkasama kami sa isang proyekto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN