PART 1. Ruffa Gutierrez explains why her relationship with John Lloyd Cruz ended

Ayon sa tell-all interview ni Ruffa Gutierrez (left) sa Paparazzi Showbiz Exposed sa TV5, nag-umpisa ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz (right) nuong March 2009. Naghiwalay ang dalawa nuong February 2010.


Tatlong bahagi ang naging exclusive tell-all interview ni Ruffa Gutierrez na lumabas sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 kaninang 1:30 p.m., November 6, 2011.

Hinimay ng programa ang mga detalye at kung paano nabuo ang love affair ni Ruffa at ni John Lloyd Cruz.

HOW IT STARTED. Ayon pa sa unang bahagi ng panayam sa detalyadong VTR (Video Tape Recording) na may titulong "Kabit-kabit na Kontrobersiya," taong 2008 nang magkakilala sina Ruffa at John Lloyd.

Ito ay sa set ng I Love Betty La Fea.

Coming from diverse backgrounds, the two started out as friends.

They were in a serious relationship by March 2009.

Pero ito ay patuloy na inilihim ng dalawa.

Dumating na sa puntong pati ang ina ng Miss World 2nd Princess, si Annabelle Rama, ay nagpahayag ng kanyang pagtutol sa diumano’y nabubuong relasyon sa pagitan ng kanyang anak at ni Lloydie.

June 24, 2009, naging special guest ni Ruffa si John Lloyd sa kanyang exclusive birthday party na ibinigay ng kanyang kaibigang si Noel Oñate.

Dito na siguro malayang ipinaramdam ng magsing-irog ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

At nung June 30, 2009, halos nakumpirma na nang karamihan ang kanilang "itinatagong relasyon" nang lumabas sa isang tabloid ang litrato nilang dalawa na pumasok sa SLS Hotel sa Beverly Hills, sa California.

Sabay na lumabas ang litrato sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero hindi pa rin ito naging hudyat upang tuluyan nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.

Tinanong ni Mo Twister ang kanyang co-host, kung paano nagsimula ang kanilang relasyon at bakit nila pinanatiling lihim ito hanggang sa maghiwalay na sila.

Sagot ni Ruffa, "Unang-una hindi naman talaga ako mahilig mag-broadcast ng aking personal life, especially back then.

"You know, I just came out of a big relationship and masyadong maraming kailangang isipin.

"Yung mga anak ko, yung career niya, yung career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And sa lahat ng aspeto naman siyempre, hindi kami ni John Lloyd bagay.

"You know, let’s face reality, it was something we were happy just keeping it to ourselves, and tama na yun para sa amin."

Dagdag pa ni Ruffa, tinanggap niya ang pagkatao ni John Lloyd at naging maayos naman daw ang kanilang relasyon.

May mga problema daw sila paminsan-minsan na hindi naman maiiwasan sa isang relasyon.

Dagdag pa niya, isang pag-amin mula kay Lloydie ang maaaring isang dahilan sa hindi nila pagkakaintindihan.

HOW IT ENDED. Tanong pa ni Mo, paano nga ba nagwakas ang kanilang relasyon?

Sagot ni Ruffa, "Alam mo yung pagiging babaero niya, siguro second na lang yun, e.

"Pero let’s first go to the problem na sinabi niya sa akin na ayun, ’Hindi mo magugustuhan pag nakilala mo na ako,’ and I said ano yun?’

"Then sinabi nga niya sa akin na ’I drink a lot, hapon pa lang minsan umiinom na ako.’

"And of course coming from a relationship so volatile [and] abusive, ang sagot ko sa kanya, ’You can drink all you want till you turn blue, I don’t care.’

"Pero naging problema yun, kasi there were times na we would go out, bigla na lang siya nakakatulog.

"Binubuhat siya palabas ng club, siyempre nahihiya naman ako.

"So that was our main problem.

"Kasi para sa akin, if there’s another girl, okay, I don’t even wanna be with you anymore.

"I don’t wanna force anyone who doesn’t wanna be with me."

February 2010, tuluyan na raw hiniwalayan ni Ruffa si John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN