Sarah Geronimo to be paired with Coco Martin in light drama movie


Noong 2010, nagkasama na sina Coco Martin at Sarah Geronimo sa musical comedy-drama series ng ABS-CBN titled IDOL. Ngayon, magkakasama silang muli para sa still-untitled light drama movie na idederehe ni Jerry Sineneng.


Sa February 6 story conference na ginanap sa Star Cinema office, nagkuwento si Sarah tungkol sa reunion project nila ni Coco.

Anong pakiramdam na kasama mo si Coco sa proyektong ito?

“I’m happy syempre kasi may maganda na naman tayong proyektong gagawin sa Star Cinema at may mga bago po akong artistang makakasama. Excited po ako na may bago ring director akong makakasama, si Direk Jerry Sineneng. Of course, makakasama ko uli si Coco after nung IDOL na musical teleserye namin dito sa ABS-CBN. Second project na pagsasamahan po namin, this time sa big screen na, mas malaki ang chance na magkakasama kami uling dalawa. At the same time marami akong matutunan sa proyektong ito with Coco at kasama ko pa po si Ms. Ruffa [Gutierrez].”


Sa hiwalay na panayam kay Ruffa, siya ang magiging mentor ng karakter ni Sarah na nagtatrabaho sa isang public relations firm.

(Read: Ruffa Gutierrez works anew with ex-boyfriend John Lloyd Cruz)

Anong pakiramdam mo ngayon na makakasama mo si Coco sa big screen, may pressure ba on your part?

“Nacha-challenge ako, kasi hindi ito yung genre na ginagawa ko before na medyo may pagka romantic comedy. This time with Coco, light drama po ito, pero siyempre, love story pa rin. Mas drama po itong kasama.”


May pressure ba on your part, kasi naging blockbuster ang mga pelikula mo sa Star Cinema?

“Wow naman! Ako po kasi, iniisip ko, at this point of my career as an actress, yung ganda na ng istorya ang tinitingnan ko, hind na ako doon sa kung magiging blockbuster, pero siyempre hoping pa rin tayo na kumita at ma-appreciate na mga tao, pero mas gusto kong ma appreciate yung pelikula dahil sa ganda ng istorya.”


Noong 2008, pinili siya ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation bilang Box-Office Queen para sa pelikula ni John Lloyd Cruz titled A Very Special Love. Naging Box-Office Queen ulit siya noong 2009 para sa follow-up movie nila ni John Lloyd titled You Changed My Life. Ang pelikula naman ng Popstar Princess with Gerald Anderson titled Catch Me, I'm in Love ang nagpanalo sa kanya ng titulo na Princess of Philippine Movies.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit mas pinili mong gumawa ng light drama samantalang very effective ka sa mga romantic comedies?

“Siyempre nagkaka-edad na rin po ako, siguro hindi na rin mate-take ng audience na isa lang yung role na ginagampanan ko.

“Nacha-challenge ako ngayon kasi, kumbaga yung mga projects na dumarating sa ‘kin, parte na ng pag-grow ko, hindi lang bilang parte nang industriyang ito, kundi bilang tao na 25 years old na, importante rin yung believability ko…na believable ako sa character na ipo-portray ko.”


Tuwing gumagawa ka ng pelikula laging inaabangan ng mga fans mo kung gagawa ka ng kissing scene or love scene. Dito ba sa pelikula n’yo ni Coco ay may kissing scene na magaganap?

“Abangan! As much as possible ayaw naman naming i-sentro sa kissing scene na issue yung pagkakaroon ng mature na istorya at pagkakaroon ng mature na role. Sana wag naman iikot doon, di ba?


Pero, ikaw personally, kung maganda naman yung istorya at kinakailangan talaga sa istorya yung kissing scene, okay lang ba sa ‘yo na gawin yung bagay na yun?

“Wow! Titingnan po natin, siyempre, andiyan ang pamilya ko, andiyan ang parents ko, mahirap naman pong magsalita na hindi ko iniintindi yung desisyon nila.”


Sa movie na It Takes A Man and A Woman, medyo may mga sexy scenes ka na ipinakita like tinanggal mo yung blazer mo and you seduced John Lloyd sa pelikula. May makikita rin bang mga ganun sa movie n’yo ni Coco?

“Siguro kung ano lang po yung aangkop sa karakter ko talaga, yung characteristics nung role ko, ano yung qualities niya, kung hihingin ng istorya, baka pwede namang i-approach na kaya lang ng limitations ko.”


Alam naman nating nakilala ka sa character mo bilang Laida Magtalas sa mga pelikula mo kasama si John Lloyd Cruz. Paano mo maihihiwalay yung character mong yun sa ibang karakter na gagampanan mo lalo na sa gagawin mong pelikulang ito with Coco na isang light drama movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, yun po yung challenge ko, kasi, parang ang lakas talaga nang impact naiwan ko sa mga tao as Laida Magtalas. Yun yung challenge sa akin na magkaroon ako ng ibang atake sa acting, bilang iba yung role na ginagampanan ko. I want to be mature talaga as an actress.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN