Sarah Geronimo describes leading man Coco Martin as a “thinking actor”

Sarah Geronimo will have Coco Martin as her leading man in an upcoming light drama movie. The Popstar Princess says about her leading man: “Siyempre, si Coco yung actor na thinking actor na hindi lang basta puppet na susundin sinasabi ng director kundi nag-iisip siya ng mga bagay para mas mapaganda yung eksena.”


Sa unang pagkakataon ay magkakasama sa isang Star Cinema movie sina Sarah Geronimo at Coco Martin. Sa story conference nila kamakailan, sinabi na makakasama nila si Ruffa Gutierrez sa still-untitled light drama movie na idederehe ni Jerry Sineneng.

Sa hiwalay na panayam kay Ruffa, inamin niya na siya ang magiging mentor ng karakter ni Sarah na nagtatrabaho sa isang public relations firm.

(Read: Ruffa Gutierrez works anew with ex-boyfriend John Lloyd Cruz)


Ayon naman kay Sarah, gusto niyang makilala bilang isang mature actress sa light drama movie na ito.

(Read: Will Sarah Geronimo shoot kissing scenes with Coco Martin?)




Napag-usapan n’yo na ba ni Sarah kung ano yung atakeng gagawin n'yo sa characters na gagampanan nyo sa movie n’yo na ito?

Coco: “Hindi pa naman, pero nagkaroon na kami ng look test, tapos medyo may mga eksena na. Nakakatuwa kasi after Idol, eto na yung muli naming pagsasama namin ni Sarah.”


Ang Idol ang musical comedy-drama series ng ABS-CBN na pinalabas noong 2010.

Na-miss mo bang makatrabaho si Sarah Geronimo?

Coco: “Oo naman, masarap kasi siyang ka-trabaho. Lahat naman siguro ng leading man, pinapangarap siyang maka trabaho.”

Naiisip n’yo bang magkakasama muli kayo sa isang proyekto, lalo na sa isang malaking pelikula?

Coco: “Ako, honestly, pinangarap ko na bawat pelikulang ginagawa ko, marami akong gustong makatrabaho na different leading lady, na hindi lang sa soap na makakasama ko. Ito nga yung isa sa mga hiling ko na magkasama uli kami ni Sarah.”

Noong nalaman mo na makakasama mo si Sarah sa Star Cinema movie na ito, ano yung naging reaksyon mo?

Coco: “Natatakot! Siyempre, pag sinabi mong Sarah Geronimo, mataas ang expectations ng tao, e. Ako naman kasi ay sanay sa mga indie films kaya eto yung nakasanayan kong mundo. Tapos papasok ako sa mundo ng mainstream at si Sarah Geronimo pa yung makakasama ko. Honestly, napakalaking pressure para sa ‘kin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman sa iyo, Sarah, ano ang reaksyon mo nape-pressure si Coco sa iyo sa pelikulang ito?

Sarah: “Yung sa aspetong iyon ay nape-pressure din ako, siyempre dahil magaling talaga na actor si Coco sa generation na ito. Kung ano man yung pinagtrabahuhan namin sa Idol before, may pressure na rin sa akin nung time na yun, e, kasi ang galing-galing niya talaga, e. Dapat talaga sa pagkakataong ito, makahabol talaga ako sa kanya. Siyempre alam naman ng mga tao yung experience ko as an actress, at yung experiences niya as an actor, ang layo, di ba, po? Sana, mapagtrabahuhan ko talaga nang husto.”

Anong suporta ang ibibigay mo kay Sarah, pagdating sa aspeto ng pagiging dramatic actor sa mga eksena n’yo?

Coco: “Actually, nagkasama na kami nga sa Idol, di ba? Sa Idol pa lang, tinitingnan ko as team, yung proyekto, kung ano ang maitutulong ko para mapaganda yung project. Minsan nga ang daldal ko na masyado na hindi ko napipigilan na mag-suggest, magbigay ng idea sa project kasi, yun yung collaboration para mas maging maganda lalo yung proyekto.”

So, nagbibigay ka ng advice kay Sarah pagdating sa eksena ninyong dalawa sa movie na ito?

Coco: “Oo, dati pa sa Idol, actually niloloko na nga niya ako before, Direk na nga ang tawag niya sa akin.”

Sarah: “Nakakatuwa! Siyempre, si Coco yung actor na thinking actor na hindi lang basta puppet na susundin sinasabi ng director kundi nag-iisip siya ng mga bagay para mas mapaganda yung eksena.”

Sa palagay n’yo magiging malaking edge yung pagiging hands-on actor mo Coco sa success ng unang pelikula n’yo si Sarah?

Coco: “Siguro naman, sabi ko nga importante yung tulungan. Sabi ko nga, iba yung mundo ni Sarah, iba rin yung mundo ko. Tulad ng sabi ko, ang laki-laki ng pressure sa ‘kin. Hindi ko nga alam kung kaya ko, kung magagawa ko kung ano man yung collaboration. Saka nakatrabaho ko naman na si Sarah, kaya medyo alam ko na kung paano siya magtrabaho. Nag lu-look forward ako na magiging maganda yung pelikula namin na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN