Carla Abellana-Tom Rodriguez movie invited to Soho International Film Festival in New York

So It's You, starring Carla Abellana and Tom Rodriguez, has been invited to the Soho International Film Festival in New York City. This film fest is slated to take place in Manhattan from May 15-22, 2014.



Ang next movie project ni Carla Abellana ay ang Somebody To Love sa ilalim ng direksiyon ni Joey Reyes.

Marami raw silang mga artista sa project na ito na inaasahang lalabas sa susunod na tatlong buwan lalo’t patapos na rin ang shooting nito.

Ayon kay Carla, silang dalawa lang ni Isabelle Daza ang GMA-7 artists at karamihan na ay puro mga artista na nang ABS-CBN ang kasama nila dito. Ang Regal Films ang producer ng Somebody To Love.

Ibinalita naman ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may gagawin siyang teleserye sa Kapuso network na sisimulan bago matapos ang buwan ng Mayo.

Ayon kay Carla, si Kuh Ledesma na nakasama niya sa My Husband’s Lover ang nabalitaan niyang makakasama sa bagong teleserye.

Exclusive na nakapanayam ng PEP si Carla nitong nakaraang Linggo, May 11, sa dressing room nito sa Sunday All Stars saGMA-7 studio.


MOVIE IN NEW YORK. Maliban sa mga nabanggit, isa pa rin sa nakakapagpa-excite kay Carla ay ang pagsali ng So It’s You sa Soho International Film Festival na ginaganap sa New York from May 15-22.

Ang romantic comedy na So It’s You, directed by Jun Lana, ay Graded A ng Cinema Evaluation Board.

(READ: Carla Abellana-Tom Rodriguez starrer, So It’s You, graded A by Cinema Evaluation Board)


Pagbibigay detalye ng aktres tungkol dito, “Kasi naimbitahan ang movie sa New York. I think for a week.

Ipapalabas siya roon. So, ano pa lang yan, first day of showing pa lang ng So It’s You nag-inquiere na agad ang mga organizers doon.

“So, tinatanong ko si Ms. Roselle [Monteverde, producer from Regal Entertainment], sinasabihan ko na ang daming fans kasi from the States na naghahanap ng screening ng So It’s You, sa Chicago, San Diego. Kahit Canada.

“Sabi ko kay Ms. Roselle, we’ve been getting invitations. Ang hirap lang talagang makipag-kumpetensya sa mga pelikula sa Hollywood. Ang hirap kumuha ng sinehan doon para sa So It’s You doon. Pero marami naman raw invitations from another countries.”

Ipinapalagay ni Carla na may mga Filipino na kasapi sa New York Film Festival kaya nagkaroon sila ng imbitasyon na i-exhibit ang movie nila doon.

“Siguro naman meron (Pinoy) kasi what are the chances naman na Americans ang makakapansin sa So It’s You? I’m sure isa sa mga organizers or part ng event or iilan sa kanila Pinoy pa rin.

“Hindi ko alam ang details kasi si Direk Jun ang nagbalita sa amin non e, saka kay Ms. Roselle.

“So, sana hindi lang hindi lang doon [ipalabas ang movie]. Sana sa ibang state din o ibang country ipalabas din. Kasi ang daming..sa instagram pa lang, sa Twitter all over the state, ang dami sa kanilang nangungulit na dito naman ipalabas ang movie namin.

“Ayaw naman nilang maghintay ng DVD kasi matagal pa raw. So, sana ma-accept yung invitation nila at magawan ng paraang maipalabas sa States.”

Ano ang masasabi mo na parang ang nasabing movie ninyo ni Tom ang nag-break nong sunud-sunod na flop umano sa box-office ng mga naunang pelikula ng Regal?

“Mahirap. I wouldn’t say... Actually, in general na basta Filipino yun ang nakakalungkot, di ba? Kasi imagine magpalabas ka lang ng Spiderman talo na tayo. Siyempre, looking forward ang mga tao sa mga Hollywood movies, e.

“So, mahirap talagang makipag-kumpetensya. I wouldn’t say na Regal lang ang nagkaka-problema. But I’m sure all other producers problemado.

“Nakakalungkot kasi it really tough pero masaya si Mother Lily sa turn out ng soap. Sana may part two kahit mahirap.”


FOCUS ON ROMANTIC COMEDIES? Masaya si Carla sa naging outcome at feedback ng mga manonood sa pelikula nila ni Tom Rodriguez, ang So It’s You na idinirek ni Jun Lana para sa Regal Entertainment.

Sabi ni Carla, “Actually, matagal na akong excited na mapanood nila kasi may tiwala ako sa movie na ang gaan-gaan niya.

“Kapag napanood mo siya, masaya ka talaga.

“So, matagal na akong excited na mapanood nila at confident ako na hindi sila magsisisi kapag napanood nila.

“And I’m glad the word is out… word of mouth pa lang, effective na.”

Proud ding sinasabi ni Carla na malayo ang pelikula sa seryeng pinagsamahan nila ni Tom ang My Husband’s Lover.

“Ay malayo talaga. Though sabihin mong rom-com [romantic-comedy] siya, mas nahirapan pa nga ako dito kung tutuusin. Kasi first rom-com ko tapos kasi iba yung atake.

“Subukan mong magpatawa at magpaiyak at the same time. Napakahirap. I would say na mas mahirap magpatawa kaysa magpaiyak.

“Pero kahit mahirap gagawin ko pa rin. Tinanong nila ako kung ano yung gusto kong next project. Sabi ko, pwedeng rom-com ulit? Though, napakahirap parang gusto ko pa siyang i-explore at gusto ko pang matuto. Saka happy-happy lang. Sana tuluy-tuloy lang.”

Tinanong namin ang aktres: nakatanggap na ba siya ng bonus mula kay Mother Lily Monteverde of Regal Films?

“Walang bonus-bonus. Mapanood lang nila yun na ang bonus ko. Okey na yun yung umaabot sa amin ang magagandang reviews, mula sa mga loved ones ko, sa mga fans na pinapanood nila nang paulit-ulit. Yun pa lang bonus na.”

Ngayong lang ba nadiskubre na puwede pala siya sa rom-com?

“Hindi ko nga alam, e. Basta, ginawa ko lang yung best ko. Nakinig lang ako kay Direk Jun tapos pinush ko yung sarili ko ng sobra. Kasi perfectionist siya. So, I wouldn’t say na aba, puwede naman pala ako sa rom-com.

“Marami naman ang natuwa so, sana ma-explore ko pa siya.”

Si Carla na ba ang bagong box-office baby ng Regal?

“Wow! I’m not the box-office baby of Regal. Parang hakot lang. Kasi pangalawa, pangatlong movie pa lang ito ng Regal for 2014, kasama na ako at tuluy-tuloy pa. So, parang lahat ng movie ng Regal kasama ako. So, nakakatuwa naman na tuluy-tuloy yung pagkuha nila sa akin sa movie.

“Ngayong wala pang TV puro movies yung ginagawa ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN