Fernando Poe Jr., Lino Brocka, Ishmael Bernal and other National Artist Awardees from entertainment industry

Ayon sa official website ng NCCA, ang National Artist award ay iginagawad sa Filipino citizens na mayroong malaking ambag sa kanilang field of expertise, na naglalarawan ng kanilang talento at pagtangkilik sa kulturang Pinoy. Sa kasalukuyan, ang mga sikat na personalidad mula sa showbiz na tumanggap ng naturang parangal ay sina Fernando Poe Jr. (main photo), Lino Brocka (upper right frame) at Ishmael Bernal (lower right frame).



Sa gitna ng kontrobersiyal na pagkakatanggal kay Nora Aunor sa mga nominado bilang National Artists ngayong taon, nabuhay ang interes ng publiko kung sinong mga personalidad sa larangan ng pelikula, teatro, at sayaw ang nabigyan ng ganitong parangal.

READ: Nora Aunor dropped from National Artist nominations

Ang National Artist Award ay pinamumunuan ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) at Cultural Center of The Philippines (CCP).

Ayon sa official website ng NCCA, ang joint recommendations ng nabanggit na organisasyon ay isinusumite sa Office of The President para sa final approval.

Layunin nito na bigyang karangalan ang ‘di matawarang talento at kontribusyon ng Pinoy artists sa larangan ng sining at kultura.

LINO BROCKA. Para sa larangan ng pelikula, una na rito ang pinakapipitagang direktor na si Lino Brocka na nagdirehe ng 66 na pelikula.

Karamihan sa mga ito ay naglalarawan ng tunay na mukha ng kahirapan, karahasan, pang-aabuso ng gobyerno, at iba pang problema sa lipunan.

Ilan sa mga ito ay ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974) Maynila Sa Kuko Ng Liwanag (1975), Insiang (1976), Bayan Ko (1984), at Orapronobis (Fight For Us, 1989).

Ang kanyang pelikulang Insiang ang kauna-unahang Filipino movie na ipinalabas sa Cannes Film Festival. Ang Bona naman ay naging entry sa Director's Fortnight section ng Cannes. Samantala, ang Jaguar at ang Bayan Ko: Kapit Sa Patalim ay parehong nominado para sa Palme D’Or.

ISHMAEL BERNAL. Ang director na si Ishmael Bernal ay dalubhasa sa paggawa ng mga pelikulang may makabuluhang tema at paggamit ng makabagong technique pagdating sa aesthetic aspect nito.

Malawak ang pagkilala niya sa paggawa ng pelikula base na rin sa kanyang body of work katulad ng Nunal Sa Tubig (1976), Himala (1982), Broken Marriage (1983), Working Girls (1984), at City After Dark (1980).


Ang Himala ang hinirang ng CNN bilang best film of all time sa Asia-Pacific region.

GERARDO DE LEON. Si Gerardo de Leon ay itinuturing na most-awarded film director dahil sa pitong awards na natanggap niya mula sa Filipino Academy of Movie and Arts (FAMAS).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang dito ang mga sumusunod: Sawa sa Lumang Simboryo (1952), Hanggang sa Dulo ng Daigdig (1958), Huwag Mo Akong Limutin (1960), Noli Me Tangere (1961, adaptation of the novel Noli Me Tangere ), El Filibusterismo (1962), Daigdig ng mga Api (1965), Lilet (1971).

Kasama sa mga nominado para sa Best Director ng FAMAS noong 1971 sina Bernal (Pagdating sa Dulo) at Brocka (Stardoom).



FERNANDO POE JR. Si Fernando Poe Jr. ang tinaguriang Action King of Philippine Movies o Da King dahil sa galing niya sa pag-arte sa action movies at dami ng box office hits mula 1950s hanggang 2003.

Ilan sa pinakasikat niyang pelikula ay ang Kamay Ni Cain (1957), The Ravagers (1965), Totoy Bato (1977), Ang Panday (1978), Kapag Puno Na Ang Salop (1987), Isang Bala Ka Lang (1983, 1992), Isusumbong Kita Sa Tatay Ko (1999), at Pakners (2003).


EDDIE ROMERO. Si Eddie Romero ay kilalang director, witer, at producer ng pelikula mula 1940s hanggang 1980s.

Isa sa mga pinakasikat niyang pelikula ay ang Ganito Kami Noon, Paano Kaya Ngayon (1976) na pinagbidahan nina Christopher De Leon at Gloria Diaz.

Siya rin ang direktor ng 13-part telemovie adaptation ng Noli Me Tangere, na nagbigay daan upang mas maintindihan ng makabagong henerasyon ang nobelang isinulat ni Jose Rizal.

Ayon sa website ng NCCA, nakatala sa citation ng National Artist Award ni Romero ang pagkilala sa kanyang “minimalist,” “calculated” at unpredictable na estilo sa pagdirehe ng pelikula.


HONORATA “ATANG” DELA RAMA. Pinagbidahan ni Honorata “Atang” Dela Rama—isang sikat na singer at bodabil performer—ang kauna-unahang Filipino film, ang Dalagang Bukid (1919).

Siya rin ang gumanap na lead actress para sa sarzuela version ng naturang pelikula.

Noong panahon ng pananakop ng U.S. sa Pilipinas, itinaguyod ni Dela Rama ang pagtangkilik sa kundiman o tradisyonal na Filipino love songs, sa pamamagitan ng pag-perform mga sikat na teatro sa Maynila at maging sa open plaza sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.


DAISY AVELLANA. Si Daisy Avellana ay isang aktres, direktor, at manunulat sa teatro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagbidahan niya ang stage play na Candida at film adaptation ng Portrait of The Artist as Filipino na isinulat ni Nick Joaquin.

ROLANDO TINIO. Si Rolando Tinio ay kilala para sa kanyang poetry collections, at translated plays.

Naging aktibo rin siya bilang direktor at aktor sa Ateneo Experimental Theater at Teatro Pilipino.

Ang kanyang poetry collectiona na may pinamagatang Sitsit Sa Kuliglig (1972) ay naglalarawan ng pamumuhay ng isang laking-Tondo na nakatamasa ng marangyang buhay.


SALVADOR BERNAL. Si Salvador Bernal ay isang sikat na theater designer na naging bahagi ng 300 na produksiyon sa teatro.

Kilala siya sa paggamit ng native materials tulad ng bamboo, abaca, rattan, at cacha para sa kanyang mga disenyo.


LAMBERTO AVELLANA. Si Lamberto Avellana ay kilalang director sa teatro at maging sa pelikula.

Ayon sa NCCA website, siya ang unang Filipino director na gumamit ng point-of-view (POV) shot, na nakakatulong sa pag-establish ng kuwento ng isang pelikula.

Ang kanyang pelikulang Kandelerong Pilak (1954) ang kauna-unahang Filipino movie na ipinalabas sa Cannes Film Festival.


WILFREDO GUERRERO. Si Wilfredo Guerrero ay isang professor at theater artist na itinuturing na mentor ng mga kilalang personalidad sa larangan ng sining tulad nina Behn Cervantes, Celia Diaz-Laurel, at Joy Virata, Joonee Gamboa.

Pinamunuan niya ang UP Drama Club mula 1947 hanggang 1996. Sa loob ng panahong ito ay inilunsad niya ang UP Mobile Theater, kung saan nagsagawa siya ng campus stage plays sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ilan sa mga isinulat niyang dula ay ipinalabas sa ibang bansa tulad ng Three Rats; Condemned; One, Two, Three; Wanted: A Chaperon, at Conflict.


SEVERINO MONTANO. Isa sa mga itinuturing na haligi sa larangan ng teatro, si Severino Montano ay nagsilbing Dean of Instruction sa Philippine Normal College.

Naglunsad siya ng isang graduate program upang mag-train ng professional artists sa teatro, kabilang na sina Rolando Tinio, Emmanuel Borlaza, Joonee Gamboa, at Behn Cervantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FRANCISCA REYES AQUINO. Ayon sa NCCA website, si Francisca Reyes Aquino ang tinaguriang pioneer ng folk dance sa bansa.

Ang kanyang thesis noong 1926—ang Philippine Folk Dances and Games—ay naglalaman ng kanyang comprehensive research tungkol sa iba’t ibang lokal na sayaw, ritwal, pagdiriwang, at sports.

Ilan pa sa mga isinulat niyang libro ay ang Philippine National Dances (1946), Gymnastics for Girls (1947), Fundamental Dance Steps and Music (1948), Foreign Folk Dances (1949), Dances for all Occasion (1950), Playground Demonstration (1951), at Philippine Folk Dances, Volumes I to VI.


LEONOR OROSA-GOQUINGCO. Si Leonor Orosa-Goquingco ay isang ballet choreographer na kinilala para sa kanyang mga orihinal na folk dance.

Ayon sa NCCA website, itinagala si Goquingco bilang honorary chair ng Association of Ballet Academies of the Philippines at founding member ng Philippine Ballet Theater.

Ayon naman sa www.orosa.org, 1934 nang magsimula si Leonor na mag-choreograph ng sarili niyang sayaw sa edad na 17 taong gulang.

Ilan sa mga inulunsad niyang ballet performances ay ang Festival in Maguindanao na naglalarawan ng isang Muslim royal wedding, Eons Ago: The Creation, at Filipinescas: Philippine Life, Legend, and Lore.


RAMON OBUSAN. Kinilalang National Artist si Ramon Obusan dahil sa kontribusyon niya bilang dancer, choreographer, stage designer at artistic director.

Noong 1972, itinayo niya ang Ramon Obusan Folkloric Group (ROFG) na nagpro-produce ng shows, na tumatangkilik sa Filipino folk dance, sa loob at labas ng bansa.


LUCRECIA REYES URTULA. Si Lucrecia Reyes Urtula ay isa ring Philippine folk dance choreographer at founding director ng Bayanihan Philippine Dance Company.

Ilan sa mga katutubong sayaw na pinasikat ng naturang dance group at pinamunuan ni Urtula ay ang singkil, vinta, tagabili, at pagdiwata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN