Balikan ang mundo ng Engkantasya at mga tagalupa sa "Enteng Kabisote 4"


Vic Sotto talks about the fourth installment of Enteng Kabisote, wherein he plays the title role. Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend) opens on December 25.



Sa nakaraang tatlong Disyembre ay maraming Pilipino angnakapanood at naaliw sa pelikulang tungkol sa mahiwagang mundo ng mga tagalupaat ang mundo ng Engkantasya. Idinerehe ni Tony Reyes ang ika-apat nainstallment ng pelikulang Enteng Kabisote na magkukuwento ng buhay ni Faye (KristineHermosa) bago pa siya umibig sa mortal na si Enteng (Vic Sotto).

Matatandaan na ang Enteng Kabisote: Okay Ka Fairy KoThe Legend (2004), Enteng Kabisote 2: The Legend Goes On (2005) at EntengKabisote 3: The Legend Goes On & On & On (2006) ay pawang nagingtop grosser sa bantog na Metro Manila Film Festival. At ngayon nga'ymuling ibinabalik ng OctoArts Films at M-Zet Productions ang pelikulangminamahal ng mga Pinoy tuwing Kapaskuhan sa ika-apat nitong bahagi: ang EntengKabisote 4: Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend).

Maramiang humuhulang magiging top grosser na naman ito kagaya ng tatlong nauna.

Ani ni VicSotto, ang bida ng pelikula, "Salamatnaman kung ganoon ang pakiramdam nila. Kami naman na bumubuo ng proyekto aymasaya nang tinatangkilik ng marami ang aming pinagpaguran. Para sa kanilatalaga ito. Pinaganda namin para sa kanilang kasiyahan."

Sinasabingito na nga ang pinakabonggang Enteng Kabisote pagdating saistorya, casting, special effects, budget at pangkalahatang production value.

"Totoo'yon! Kung mapapansin ninyo, taon-taon ay sinisigurado naming mas maganda angsequel, na meron pa ring bagong makikita ang mga tapat naming manonood,"paniniguro ni "Bossing" Vic.

"Masginagawa naming exciting ang twists ng story. Gaya ngayon, babalikan namin angnakaraan ni Faye sa Engkantasya bago siya naging asawa ni Eneteng. Maramingmari-reveal na sikreto tungkol sa kanyang nakaraan.

"Specialeffects-wise, high-tech ang mapapanood ng mga tao ay tiyak na maiibigan ng mgabata. Mas hihigitan nito ang special effects ng tatlong nauna lalo na ang fightscenes. Marami ring nadagdag na mga artista rito maliban sa amin nina Kristine Hermosa,Oyo Sotto, Aiza Seguerra, G Tongi, Ruby Rodriguez, at Jose Manalo.

"Nariyanrin sina Ian Veneracion [Taong Paniki], Francine Prieto [Babaeng Dragon],Carlos Agassi [Narding Yakitiyak] at Tita Swarding Aswang bilang pangunahingmakakalaban ni Enteng. May mahalagang papel din sina Ian de Leon, ArthurSolinap, Elisa Pineda, Mikylla Ramirez, Jomari Yllana, Peque Gallaga at,siyempre, si Joey de Leon sa isang special guest appearance bilangKarimarimarimar," kuwento pa ng TV host-comedian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Star-studdedang pelikula at mayroong mga elemento ng drama, action, fantasy at comedy. Magbubukasang Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend)sa mga sinehan simula sa araw ng Pasko, Disyembre 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN