Christian Bables proud of his “baklang kanal” character in The Panti Sisters

by Arniel C. Serato
Aug 24, 2019
Christian Bables does not mind being typecast in gay roles: "Kagaya nga ng sinasabi ko, hangga’t humihinga, may puso, may kaluluwa yung character na ipu-portray ko, gagampanan ko yan.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Kahit straight na lalaki siya, sinabi ni Christian Bables na ini-enjoy na niya ang mga gay roles na napupunta sa kanya.

Una na nga rito ang sa Die Beautiful at ngayon ay sa The Panti Sisters.

Wala daw problema na ma-typecast na siya sa mga ganitong role.

Sabi pa niya, “Hindi. Kagaya nga ng sinasabi ko, hangga’t humihinga, may puso, may kaluluwa yung character na ipu-portray ko, gagampanan ko yan.”

Ngayon nga ay naturingan na “baklang kanal” ang kanyang bagong karakter.

Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Nakangiting sagot ni Christian, “Ito yung walang patumanggang magsalita, walang pakialam sa mga tao, kung may hurtful word siyang masabi.”

May inspirasyon ba siya sa kanyang “baklang kanal” na karakter?

Tugon niya, “Wala naman akong na-meet personally.

“Ginawa ko siya kung papaano... kung ako yung baklang kanal.

“So, this is my version.”

Ang The Panti Sisters ay entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 at mapapanood na sa mga sinehan sa darating na September 13.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bables does not mind being typecast in gay roles: "Kagaya nga ng sinasabi ko, hangga’t humihinga, may puso, may kaluluwa yung character na ipu-portray ko, gagampanan ko yan.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results