Jane de Leon excited to meet Darna co-stars

by Nikko Tuazon
5 days ago
ABS-CBN actress Jane de Leon reveals her preparations for her starring role in the upcoming Star Cinema remake of Darna. Apart from rigorous physical training, "Nag-oobserve ako ng sa movies. K-dramas din. Ang reason kung bakit ako natuto umarte, e, sa panonood ko ng K-drama. Nagtatanong din ako sa veteran actors," she says.
PHOTO/S: @imjanedeleon on Instagram

Excited na ang ABS-CBN actress na si Jane de Leon na makilala ang kanyang co-stars sa upcoming Star Cinema remake ng Darna.

Si Jane ang napiling gumanap sa title role kapalit ni Liza Soberano at Angel Locsin.

Nitong nakaraang Martes, November 26, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jane sa #NewPhaseNewFace event ng Belo Medical Clinic sa Bonifacio Global City, Taguig.

Pahayag ni Jane tungkol sa pelikula, "Excited na rin akong ma-meet yung ibang cast kasi mag-start na kaming mag-script reading soon."

Isa sa mga young stars na napipisil ng mga fans na gumanap bilang Valentina ay si Andrea Brillantes. Sa panayam ng PEP.ph kay Andrea, sinabi nitong handa siyang tanggapin ang role kung sakaling ibigay sa kanya ito.

Ngunit ayon kay Andrea, masyado pa siyang bata para gumanap dito.

Paliwanag niya, “Kung dadating po yung blessing, siyempre hindi ko po tatanggihan, pero I don’t think... Okay pa po, kasi kaka-sixteen ko pa lang noong March."

Continue reading below ↓

Kung sakali, gusto rin ni Jane makatrabaho si Andrea.

Aniya, "Why not? Di ba? Ako naman, kahit sino basta bagay sa role and then yung magugustuhan siya... pero importante yung magugustuhan talaga ng mga tao."

JANE'S TRAINING FOR DARNA

Sa ngayon, nagsisimula nang mag-training si Jane bilang paghahanda sa kanyang pagganap sa Filipina superheroine.

Bahagi nito, "Yung preparation, everything is okay naman sa ngayon. Nagte-training na ako, stunts training nung recently nag-start kami."

Bukod sa kanyang stunts at physical training, paunti-unti na ring sinisimulan ni Jane ang kanyang acting preparations para sa pelikula.

"Nag-oobserve ako ng sa movies. Siyempre, hindi naman ako perfect na aktres. Kailangan din na may nadi-discover akong bagong techniques, ganyan.

"Kaya nag-oobserve din ako ng sa Hollywood. Ino-observe ko ang pagkakaiba ng local sa Hollywood..."

Malaki rin daw ang impluwensya ng K-dramas sa acting style ni Jane.

Aniya, "Especially K-dramas din. Ang reason kung bakit ako natuto umarte, e, sa panonood ko ng K-drama. Yung emotions nila, paano nila binigay yun sa character nila."

Continue reading below ↓

Bukod dito, humihingi rin siya ng tips sa ibang mga aktor gaya ni Jericho Rosales na nakasama nito sa primetime series na Halik.

"Nagtatanong din ako sa veteran actors, even kay Kuya Echo before sa Halik. I always ask him sa mga acting tips."

Samantala, tinanong din ng PEP.ph si Jane kung paano nito tinatanggap ang mga negative criticisms at comments simula nang i-anunsiyo siya bilang bagong Darna.

Aniya, "Hindi naman mawawala yung mga bashers kahit saan, e. Kailangan lang talaga open-minded ka.

"Embrace mo lang din yun kasi nakakatulong din yun for you to grow as a person. And then, nandiyan din naman yung mga fans ko para suportahan ako."

May mensahe na iniwan si Jane para sa kanyang mga bashers.

Aniya, "Sa mga bashers, mahal ko kayo."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN actress Jane de Leon reveals her preparations for her starring role in the upcoming Star Cinema remake of Darna. Apart from rigorous physical training, "Nag-oobserve ako ng sa movies. K-dramas din. Ang reason kung bakit ako natuto umarte, e, sa panonood ko ng K-drama. Nagtatanong din ako sa veteran actors," she says.
PHOTO/S: @imjanedeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results