Hindi inaasahan ni Andrea Brillantes na si Jane de Leon ang final choice para gumanap na Darna.
Pero masaya si Andrea sa magandang kapalarang dumating sa buhay ni Andrea na kasamahan niya sa ABS-CBN.
“Hindi ko in-expect.
“Actually, feeling ko po, lahat tayo hindi in-expect yun.
"Pero natuwa ako kasi parang ang sarap sa mata na fresh, bago yung nakita natin, so wala pa tayong expectations.
“Super excited lang ako kasi lumaki akong fan ni Darna, nung bata pa ako, nung kay Ate Angel,” sabi ni Andrea.
Hindi pa raw handa si Andrea na gumanap na Valentina, ang kontrabida sa Darna movie ng Star Cinema.
“Kung dadating po yung blessing, siyempre hindi ko po tatanggihan, pero I don’t think...
“Okey pa po, kasi kaka-sixteen ko pa lang noong March,” paliwanag ni Andrea, na napakabata pa para gumanap bilang Valentina.
Nang tanungin tungkol sa kanyang mga basher, nagsalita si Andrea na hindi siya nagbabasa ng mga negative comment.
“Actually, wala akong paki.
“Yun nga po, minsan ang mahirap kasi, wala lang talaga akong care, kasi gusto ko yung ginagawa ko 'tapos ipaglalaban ko.
“Alam ko naman na hindi ko mapi-please ang lahat ng tao.
“Alam ko na may kanya-kanya silang opinion, pero noong una, nakikinig ako sa kanila, kasi minsan may point sila.
“Minsan, hindi sila basher. Minsan, nangre-real talk lang and open naman ako doon.
“Pero yung 'Ang panget mo,' 'Ang liit mo,' 'Ang taba mo,' wala na akong…” pahayag ng young actress na may 1.7 million subscribers sa YouTube at 5.8 million followers sa Instagram.
Postscript: Opisyal na ipinakilala si Andrea bilang first celebrity endorser ng Brilliant Skin Essentials sa BrilliantCon 2019 na ginanap nitong July 21 sa SMX Convention Center.
Ayon kay Brilliant Skin Essentials CEO Glenda Victorio, pinili niya si Andrea na celebrity ambassador dahil pinakinggan niya ang gusto ng mga franchisee ng kanyang mga beauty product.
“Naglatag ako sa mga franchisee ko ng mga mukha.
“Hindi sila nagdalawang-isip.
“Si Blythe [Andrea’s nickname] ang gusto nila dahil iba ang aura niya.
“Kumbaga, yung mukha niya, hindi pangkaraniwan.
“Yung kapag nakita mo siya, parang mapapa-wow ka, 'Ito pala siya sa personal.'
“Siya yung napili namin and coincidence nga kasi Brillantes for Brilliant.
“Masaya kami na nakuha namin si Blythe.”
Hindi lamang si Andrea ang main attraction sa BrilliantCon 2019 dahil sinuportahan ito ng kanyang Kadenang Ginto co-star na si Dimples Romana at ng Rated K host na si Korina Sanchez-Roxas.