PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon gives all, bares all in "boldest film" Abe Nida

“Wala naman akong arte. Aarte ka pa ba ngayon, di ba?"
by Glenn Regondola
Published Mar 11, 2021
Allen Dizon, 43, says Abe Nida is his "boldest film" so far. On his maturbation scene, he says, "Ginagawa ng tao iyan, di ba?”
PHOTO/S: Glenn Regondola

Kumportable pa rin si Allen Dizon sa paggawa ng mga daring scenes.

Sa katunayan, kahit siya ay 43 years old na ay mas kaya pa rin daw niyang higitan ang mga naipakita na niya sa nakaraang bold at sexy movies niya noong siya ay nasa kanyang early 20s.

Pahayag ni Allen nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng pelikulang Abe Nida, “Ako kasi, pagdating sa daring scenes, wala akong kiyeme, e.

“Siyempre, babae iyong ka-partner natin at si Direk Louie [Ignacio] kung paano ang execution, paano kung ano ang gusto niyang mangyari. Siya ang director, at sa kanya ako magdi-depend."

Matagal na rin ang career ni Allen bilang isang sexy actor. Marami na ring international at local award-giving bodies ang kinilala ang kanyang husay sa pag-arte.

Sa katunayan, ang Best Actor-Feature trophy na natanggap niya mula sa 10th International Film Festival Manhattan noong 2020, para sa pagganap niya sa pelikulang Latay ay ang pang-sampu niyang international award.

ALLEN DIZON'S DARING SCENE WITH KATRINA HALILI

Inaasahan na marami siyang maiinit na eksena kasama ang kanyang leading lady na si Katrina Halili.

“At oo, kailangang mag-usap kami [ni Katrina] kasi baka meron siyang limitations.

“Meron siyang dos at don’ts, ba, mahirap.”

Sa mga ganitong eksena, prayoridad raw ni Allen na hindi mabastos o ma-violate ang babaeng kaeksena.

Aniya, “Kung ano iyong kaya kong takpan sa kanya o kung paano dadayain.

“Siyempre, di ba, babae. Ako, okey lang ako, wala naman iyon sa akin.

“Hindi pa niya alam ang extent kasi, I’m sure nabasa na niya iyong script, pero kapag nasa shooting ka, iba iyong nasa set ka na, e.

“Ang daming nababago. Minsan nga walang dialogue, pero pagdating sa set, may dialogue ka na.

“At saka dapat talaga, may chemistry.

“Walang halong acting, kailangan natural.”

Meron nga raw siyang gagawin na “masturbation scene” sa pelikula.

Hindi ba siya naiilang dito?

Saad ng sexy dramatic actor, “Pagdating naman diyan…bata pa ako, ginagawa ko na iyan.

“So depende na rin kay Direk kung paano, di ba?

“Pero wala, okey ako dun.

“Before parang nakakailang. Oo, nakakailang gumawa ng ganung mga pelikula. Pero ngayon, ano, forty plus iyong awards mo, ‘tapos, mag-iinarte ka pa, di ba?

“Wala, e. It’s a natural thing, e. Ginagawa ng tao iyan, di ba?”

Ang Abe Nida ang masasabing pinaka-challenging na movie niya. Dito rin daw niya ginawa ang pinaka-daring na eksena sa buong karera niya bilang sexy actor.

Pagsang-ayon ng award-winning actor, “Yeah. Feeling ko, yeah.

“Boldest film kong gagawin.

“Noon, wala, puwet-puwet lang iyon. Pakyut-kyut lang iyon.

“Wala naman dapat akong i-prove siguro. Ibinigay ko naman ang lahat.

“Wala naman akong arte. Aarte ka pa ba ngayon, di ba? Di na siguro. At least, sa age ko, may maipapakita pa ako, di ba?" saka ito tumawa.

Malaking bagay na nag-iba na rin ang treatment sa mga sexy films sa ngayon.

“Bumabalik iyong panahon.

“E, forty-three na. After twenty years, magpapa-sexy ulit.

“Pero iba iyong genre nun, e.

“Dati parang ang pagiging sexy lang ang makikita sa iyo. Iyong pagnanasahan ka lang.

“Ito iba, ito e. Ito, may halong acting talaga.

“Secondary na lang iyong sexy-sexy. Primary pa rin iyong acting.

“Excited ako, kasi noon, nagpapakilala ka pa. Sexy-sexy ka.

“Ngayon, iba na, e.”

Ginanap ang nasabing press launch ng Abe Nida kahapon, March 10, 2021, sa Marco Polo Hotel, Ortigas.

Dinaluhan ito nina Direk Louie Ignacio, Katrina Halili, Leandro Baldemor, Pola Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre, at BG Productions International lady producer, Ms. Baby Go.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon, 43, says Abe Nida is his "boldest film" so far. On his maturbation scene, he says, "Ginagawa ng tao iyan, di ba?”
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results