Maria Isabel Lopez recalls transition from beauty queen to sexy actress

by Jerry Olea
Dec 16, 2021
maria isabel lopez
Maria Isabel Lopez on being pressured during her reign as Bb. Pilipinas-Universe 1982: “They would tell me, huwag daw akong magsuot ng plunging neckline. E, my God! Yung mga yun ang gustung-gusto kong suutin! Di ba? Mga eskandalosa! Pagbabawalan ka?! Gusto nila, naka-closed neck ka."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Panauhin si Maria Isabel Lopez sa online launch ng aklat ni Boy Villasanta na SekSinema: Gender Images in Philippine Sex Cinema Enfolding Pandemia nitong Disyembre 15, Miyerkules ng hapon, via Zoom.

“Bagets pa kami nitong si Boy nung nagkikita kami niyan sa mga events ng Viva Films, ng show business,” pagbabalik-tanaw ni Maria Isabel.

“I’m talking about dekada ‘80. Ang tagal na nun, apat na dekada na! And my goodness, I have been witness to the process of this book.

“Nakita ko yung from black and white, nakita ko yung evolution ng SekSinema like from the bomba days to the wet look days noong ako ay hindi pa artista, na napapanood ko pa lang sina Elizabeth Oropesa at Gloria Diaz sa mga wet look era.

“Hanggang sa dumating yung time ko na dekada ‘80, na nabansagan ako na ECP Queen.”

Ang ibig sabihin ng "ECP" ay Experimental Cinema of the Philippines.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Maria Isabel, “So, lahat yun, naging part ako ng SekSinema ni Kuya Boy. Hanggang sa nakita ko na itong second edition, na international version, I mean, I just felt so proud dahil kasama pa rin ako.

“Nandun na ako sa era na poverty porn naman. Yung mga indie films natin, and the likes of award-winning filmmakers natin like Brillante Mendoza. I was so privileged to work with him sa Kinatay

“Kumbaga, SekSinema brings me back sa memory lane. Nakakatuwa na nung panahon na yun, e, seksi na kung tawagin si Vilma Santos as Darna. Nakakatuwa noon.

“And then, nagkaroon din ng generation ng mga bold stars… but what’s so funny with this book is, pag tiningnan mo yung ‘Where Are They Now,’ para bang walang katapusan.

“Kasi, ang mga artista, may kani-kanyang journey 'yan. Some of them, they get married, they move to the States.

“After a while, hahanap-hanapin nila ang hatak ng industriya, babalik. Kaya kumbaga, iyang ‘Where Are They Now,’ hindi puwedeng matapos sa where are they now.

Continue reading below ↓

“Except when they rest in peace.”

BOLD FILMS THEN AND NOW

Ano ang kaibahan ng paggawa ng bold films noong 1980s na kapanahunan niya kumpara sa mga kaganapan ngayon?

“Noong panahon namin, you have to understand, 35 mm ang gamit namin na negatibo. Wala pa naman kasing digital noon, e,” salaysay ni Isabel.

“So, magastos ang paggawa ng pelikula noon. And kung halimbawa, ikaw, palpak na aktres… ahh, magkakaroon ka ng maraming takes. So, kumbaga, it’s very hard on the pockets of the producer.

“Noon, ang paggawa ng pelikula, we really talk about millions na agad. Hindi gaya ngayon na puwede ka nang magtipid dahil sa digital. Mag-take 10 man yung artista mo, hindi magastos, hindi masakit sa bulsa.

“Plus of course, I’ll give you an example, nung dekada ‘80, I’m the first woman to ever do frontal nudity sa Philippine cinema.

“At meron akong underwater shot in the Celso Ad. Castillo film Isla. Ang gamit namin nung panahon na iyon para kunan iyong underwater shot ko, it’s a 35 mm camera na naka-in case sa parang aquarium na acrylic, pang-underwater.

Continue reading below ↓

“Si Prusing, I don’t know if he’s still alive, taga-Premiere Productions, ang may bitbit nun. Ang bigat-bigat talaga nun underwater."

isla poster

Patuloy niya, “But nowadays, my daughter [Mara Lopez] does it while surfing, naka-GoPro, nakasabit sa kamay. So, laging naka-GoPro, it’s kinda like easier when she’s surfing, when you go underwater, you know.

Continue reading below ↓

“Everybody can have underwater cameras na maliliit. But in my time, the aquarium is so huge and remember, the reel of negative is so big, yeah.

“So, that is just one of the differences sa paggawa ng pelikula noon.”

FROM BEAUTY QUEEN TO SEXY ACTRESS

Kinoronahan si Maria Isabel na Bb. Pilipinas-Universe 1982. Big deal noon na ang isang beauty queen na kagaya niya, walang keber sa hubaran sa pelikula.

Ngayong 2021 na panahon ng pandemya, rumatsada sa mga mapangahas na pelikula ang beauty queens na sina Kylie Verzosa, Cindy Miranda, at Ariella Arida. At okey lang iyon sa mga manonood.

“Hindi mo kailangang maging beauty queen para maghubad,” matamang pahayag ni Maria Isabel.

“Remember na noong dekada ‘80, ang daming guardians of morals. Yun ang panahon na nag-model si Tetchie Agbayani sa Playboy.

“Yun yung time na nanalo ako ng Binibining Pilipinas na gusto akong tanggalan ng korona dahil ang origin ko is being a sexy model.

Continue reading below ↓

“So, ngayon, I think ang mga tao ay moving forward. I wouldn’t say na less ang guardians of morals ngayon, but I would say like, ahh, ang women now are adapting to change.

“They’re more independent at hindi sila masyadong nagsa-succumb sa pressure. Hindi katulad nung panahon ko as Binibining Pilipinas, sobrang daming pressure!

“They would tell me, huwag daw akong magsuot ng plunging neckline. E, my God! Yung mga yun ang gustung-gusto kong suutin!

“Di ba? Mga eskandalosa! Pagbabawalan ka?! Gusto nila, naka-closed neck ka.

“Pero at least ngayon, women are standing up for their beliefs. So, the more, the merrier.

"Sex cinema is here to stay!"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maria Isabel Lopez on being pressured during her reign as Bb. Pilipinas-Universe 1982: “They would tell me, huwag daw akong magsuot ng plunging neckline. E, my God! Yung mga yun ang gustung-gusto kong suutin! Di ba? Mga eskandalosa! Pagbabawalan ka?! Gusto nila, naka-closed neck ka."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results