Maxine Medina, ayaw sundan ang yapak ng kapwa beauty queens na sina Cindy Miranda at Kylie Verzosa na nagpapaseksi sa pelikula

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2021
maxine medina sexy
Maxine Medina says no to sexy films: "Siguro kinalakihan ko na rin po talaga yung very conservative [family]. Respect na rin po sa dad ko, kasi siyempre, ayoko naman pong mapanood ako ng dad ko sa mga ganoon."
PHOTO/S: @claudevillahrmsa / @maxine_medina on Instagram

Hindi sinasadyang natuklasan ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina ang pagiging komedyante niya sa "Karinderya Queens," ang episode ng Regal Studio Presents ng GMA-7 na mapapanood sa Linggo, November 7.

Kasama ni Maxine sa episode na ito si Derrick Monasterio at si Miss World Philippines 2019 Second Princess Casie Banks.

Ang nadiskubre ni Maxine na talento niya sa pagpapatawa ang dahilan kaya umaasa siyang mabibigyan pa ng mga proyektong masasaya at magpapakilig sa kanya.

Dahil sa sinabi ni Maxine, tinanong siya ng Cabinet Files kung magagawa ba niyang sundan ang mga yapak ng kanyang kapwa Binibining Pilipinas beauties na sina Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda at Miss International 2016 Kylie Versoza.

Matapang na nagpaseksi si Cindy sa mga pelikulang Adan, Nerisa, at House Tour; at si Kylie sa The Housemaid at My Husband, My Lover.

Ang mga magulang niyang konserbatibo ang ibinigay na rason ni Maxine kaya hinding-hindi siya tatanggap ng mga proyektong kailangang magpakita siya ng katawan.

Continue reading below ↓

Saad niya, “By the way, my parents… pinalaki kasi ako ng magulang ko na it should be like this, it should be like that. May respeto ka pa rin with the family and all.

“Siguro kinalakihan ko na rin po talaga yung very conservative [family].

“Respect na rin po sa dad ko, kasi siyempre, ayoko naman pong mapanood ako ng dad ko sa mga ganoon.

“Well, tinanong ko na rin po sila before na if their open, but na-explain naman po nila and I understand their side.

"For me, hindi talaga ako ready sa ganoon."

Patuloy ni Maxine, “Saka I’m a Catholic din po, and siguro, for them [Cindy and Kylie], it’s art.

“Pero sa akin po talaga, no-no po talaga, kasi ang mom and dad ko po, talagang watching over me.

"Di ba, parang ang hirap naman po?”

Para hindi masaktan sina Cindy at Kylie sa kanyang pahayag, idinagdag ni Maxine na magkaiba sila ng mga tinatahak na landas at sa opinyon niya, art o sining ang pagpapaseksi ng dalawa.

Continue reading below ↓

“Pero that’s my opinion. I think, yung ginagawa naman nila is art.

“It’s their world, it’s their showbiz world, and they enjoy it naman siguro.

"It’s different naman yung path namin. Yung sa akin kasi, medyo gusto ko lang happy, light, tapos nakaka-work ko pa different kinds of people,” paliwanag ni Maxine.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maxine Medina says no to sexy films: "Siguro kinalakihan ko na rin po talaga yung very conservative [family]. Respect na rin po sa dad ko, kasi siyempre, ayoko naman pong mapanood ako ng dad ko sa mga ganoon."
PHOTO/S: @claudevillahrmsa / @maxine_medina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results