Nagtalop ang half-Pakistani na si Rash Flores sa pelikulang Pornstar 2: Pangalawang Putok, na nag-streaming noong Disyembre 3, 2021 sa Vivamax.
Pwetmalu roon si Rash, maging ang tatlo pang kapwa hubadero na sina Jet Delgado, Abed Green, at Prince Salvador. Wala halos silang dialogue.
Ang mga bida roon ay ang mga beteranang sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor, at ang mga baguhang sina Cara Gonzales, Ayanna Misola, Stephanie Raz, at Sab Aggabao.
Disyembre 10, 2021 naman nag-streaming sa Vivamax ang pelikulang Palitan, kung saan isa si Rash sa apat na bida. Co-stars niya rito sina Cara Gonzales, Jela Cuenca at Luis Hontiveros, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.
Walang keber si Rash sa hubaran at harutan sa Palitan, kaya natuwa sa kanya si Direk Brillante. OK lang kay Rash kahit hindi siya mag-plaster, at mag-hello ang kanyang kadakilaan.
“Sa akin, kahit wala, kahit merong plaster, OK lang,” sambit ni Rash sa virtual tsikahan nitong Marso 17, 2022, Huwebes.
“Minsan kasi, may nakakatambal ka na babae na gusto nila, nakaplaster ka. So, magpa-plaster ako para wala na lang ano, wala nang problema, maging maayos ang trabaho namin.
“Actually, minsan kasi, may direktor din kasi na gusto nila, nakaplaster ka. Depende rin siguro sa direktor at yung makakaeksena ko.
“Siyempre, mas gusto ko talagang walang plaster! Para wala na akong tatanggalin, hindi na ako masasaktan.”
ON DOING DARING SCENES
Bahagya nang maaninag ang private part ni Rash sa eksenang pinagsaluhan nila nina Luis at Marco Novenario ang babae sa stag party.
Himutok ni Direk Brillante, nahirapan si Rash na tigasan sa nasabing eksena, kaya inangguluhan na madilim yung kanyang harapan. Nahiya ba siya?
Natawa si Rash, “Siguro, yes, nahiya siguro yung ari ko. Pero yung sa mukha ko, wala naman. Kasi, hindi ko alam, e.
“Pag nasa set na talaga, nagsu-shoot na kami, hindi talaga tumigas. Kasi, first time ko rin na makipag-sex scene na ganun ka-daring.
“Kasi, yung first movie ko, hindi naman siya sobrang daring, like yung hubad-hubad talaga, yung Pornstar 2. Dito sa Palitan, yun ang kauna-unahang ginawa ko na sobrang daring.
“So, nahiya siguro yung private part ko. Pero willing naman talaga ako noong time na yun na magpakita talaga.
“Then, sabi ni Direk, ‘Huwag na nating ipakita. Kasi, hindi naman matigas. Makikita sa pelikula na hindi ka naman nalilibugan ganun-ganun. So, hindi natural.’ So, hindi na lang po ipinakita.”
FOURSOME
Sa foursome nina Jela, Rash, Cara, at Luis sa may falls ay nakaplaster si Luis, pero natanggal iyon. Ang ending, si Luis pa ang mas mapangahas sa Palitan.
“Opo, natanggal po sa tubig, e,” pakli ni Rash.
Mas mabangis actually yung flashback scene na pinapaligaya ni Rash ang sarili habang ini-imagine ang love scene nina Jela at Cara. Kaya lang, in-edit out iyon dahil hindi kailangan sa takbo ng istorya.
Napatango si Rash, “Ha! Ha! Ha! Ha! Totoo po 'yan! Totoong-totoo po 'yan. Actually, inaabangan ko rin po yun nung special screening, yung nagma-masturbate ako habang pinagpapantasyahan ko si Cara.
“Nandun ako sa isang tabi habang sina Jela at Cara, naghaharutan sa dagat. Nandun ako, nakatago ako sa isang bato, tapos nagma-masturbate ako.
“So, ang ganda! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Nasaan na kaya yung video clip na yun? Puwede pa kayang i-recycle iyon?
Mapanukso ang ngiti ni Rash, “Huwag po kayong mag-alala, kasi may gagawin ulit ako kay Direk Brillante. Baka meron din po ulit na ganoon. Baka ilabas na. Ha! Ha! Ha! Ha!”
MAMASAPANO MOVIE
Masaya si Rash na nakasama sa action thriller na Mamasapano: Now It Can Be Told, kung saan bida sina Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, at Edu Manzano.
“Kasi, panibagong genre na naman yung ginawa ko. Lalung-lalo na, pangarap ko talagang maging action star!” bulalas ni Rash.
“Saka yung project po na yun ay napakagandang proyekto, kasi pagbibigay-galang ito sa ating mga mahal na bayani, yung SAF 44. Napakasaya!”
Hindi siya kailangang magbuyangyang ng katawang lupa o makipagromansahan sa Mamasapano.
Wala pang petsa kung saan at kailan ipapalabas ang pelikulang ito.
SCOLDED BY DIREK JOEL
Mag-i-streaming na sa Abril 1 sa Vivamax ang pelikulang Island of Desire, na idinirek ni Joel Lamangan.
Kasama rito si Rash, ganun din sina Christine Bermas, Jela Cuenca, Sean de Guzman, Massimo Scofield, Sheree Bautista, AJ Oteyza, at Jim Pebanco.
Ano ang pinaka-challenging na ginawa niya sa Island of Desire?
“Sa akin siguro, lahat naman challenging sa akin. Kasi, talagang kinakabahan ako nung unang pagsalang ko dito,” matamang salaysay ni Rash.
“Alam naman natin, Direk Joel Lamangan, matapang ganun. Nasigawan po ako. Hindi naman puwedeng hindi ka masigawan kay Direk Joel. Kasi, dun ka na rin matututo talaga.
“Kasi, gusto niya talaga, mag-grow ka as an artist. Kailangan, bago ka pumunta sa set, naka-character ka na.”
Ano ang aabangan sa kanya rito pagdating sa makakatas o nakakadarang na eksena?
“Madami kayong aabangan sa movie na ito. Kasi talagang kakaiba ang kuwento ng Island of Desire.
“Si Christine Bermas ang pinaka-lead dito. Naaksidente po kami, then yung kaluluwa niya, naglakbay po hanggang napunta siya sa isang isla.
“Dun po niya nakilala yung ibang characters, dun sa imagination niya, naglalakbay po ang kaluluwa niya. Ako yung asawa ni Christine.
“Masasabi ko na sa lahat ng ginawa ko na movie, ito yung pinaka-daring na ginawa ko.”
TAMER VIVAMAX MOVIES
Sabi-sabi, nagkakahigpitan na sa Vivamax. Binabawasan na raw ang hubaran ng mga artista? Totoo ba na kung kailan handang-handang mag-frontal si Rash, saka naman dini-discourage iyon?
“Ah, wala naman kasi akong masyadong bed scene dito sa Island of Desire. Hindi ko alam kung tinanggal ni Direk yung bed scene ko dito,” tugon ni Rash.
“Twice lang ako nag-bed scene dito, e. Hindi katulad sa Palitan na marami. Dito, dalawa lang… pero yung isang bed scene ko is sobrang daring niya.”
Marami at malaki ang natutunanan ni Rash sa pakikipagtrabaho sa mga premyadong direktor na sina Brillante Mendoza at Joel Lamangan.
Pahayag ni Rash, “Siyempre number one, yung pakikisama. Pagiging professional sa trabaho. Kailangan, kahit napakaliit na role iyan, kailangan na huwag kang mag-inarte. Kailangan, i-push mo 'yan…
“Tapos, kailangan makisama ka sa mga katrabaho mo. Kahit sinasabing artista ka, yun nga, yung mga mabababa, mga staff, huwag kang maging ano.
“Huwag kang maging mayabang. Huwag kang mapagmataas sa sarili. Kailangan low key ka lang.
“Tapos, yung akting, pagbutihin mo. Naramdaman ko naman kahit sa sarili ko na na-improve ko yung acting ko.
“Kay Direk Brillante Mendoza, wala siyang script. First time kong ginawa yun. Nung una, sabi ko, ‘Kaya ko ba ‘to? Walang script.’ Kasi, nakikita ko, may binabasang script yung mga artista.
“So, try ko. Pagdating ko dun, tinulungan naman ako ni Direk Brillante para maitawid ko ang mga mabibigat na eksena.
“Tapos, nung gumawa ako uli ng pelikula kay Direk Joel Lamangan, sabi ko, mas OK pa yata yung walang script. Kasi, wala kang iniintindi, wala kang mine-memorize.
“So, panibago na naman, yun nga. Naranasan ko yung walang script, merong script. So, para sa akin is balanced, yun ang natutunan ko.
“Tapos dati, parang nahihiya pa ako, maraming tao pag umaakting ka. Ngayon, nawala na po yun. Siguro nga dahil gusto ko itong pag-arte na ito. Andami ko pong natutunan sa kanilang dalawa.”
