JERRY OLEA
Trese anyos ang baguhang aktor na si Rash Flores nang makipagrelasyon sa bading.
Inamin niya ito sa presscon ng LGBT film na Palitan nitong Disyembre 7, Martes ng gabi, sa Wingzone restaurant, Araneta City, Cubao, Quezon City.
Nang usisain ang 23-anyos na newcomer kung gaano siya ka-palaban sa movie, ang tugon niya, “Sobrang palaban ng pelikulang ito about sa hubad, kasi yun ang kailangan sa movie.
“Kailangan siya ng story. Kailangan ko talagang maging palaban, so para sa akin, sobrang palaban ang Palitan.
“Ginawa ko lahat. Dahil ako’y baguhang artista, ginabayan ako ni Direk [Brillante Mendoza] para makuha ko ang eksena na dapat sa story.”
Ano ang pananaw niya sa partner swapping?
“Sa pagpapalit-palit, natural lang sa atin yun, e. Kumbaga, sa pelikulang ito, ipinapakita na nagpapalit-palit kami ng partner,” salaysay ni Rash.
“Pero in real life, nangyayari siya talaga. So, hindi mo siya talaga maikakaila. So, ang pelikulang ito ay reflection talaga ng totoong buhay.”
In real life, OK lang sa kanyang makipagpalit ng partner? Makipag-rigodon de amor, 'ika nga?
Napakunot-noo si Rash, “Para sa akin, hindi rin, e. Hindi siya OK. Hindi ko rin gustong makipagpalit ng partner.
“Kasi, parang pag nakipagpalit ka ng partner, ang pangit tingnan, para sa akin. Pag sinabi mong palit, parang bagay lang iyan, e.
“Hindi naman bagay yung pinagpapalit mo, siyempre. Tao rin 'yan. Para sa akin, ang pag-ibig is sagrado. Para na rin siyang kasal, para sa akin. Kaya hindi.”
LGBT-movie ang Palitan, na aniya ay nagpapakita ng mga totoong kaganapan sa buhay.
Open ba siyang makipagrelasyon sa kapwa lalaki, o sa bading?
“Para sa akin, oo naman, open ako,” sabi ni Rash, na Pakistani ang tatay, at Bikolana ang nanay.
“Kasi nga, laking kalye rin ako. Marami akong friends na gay. May nakarelasyon din ako, once lang.
“Pero bata pa ako nun, e. Parang hindi pa ako mulat sa ano. Siguro, mga thirteen ako nun.”
First time ba niyang inamin na nakipagrelasyon siya sa bading sa edad na trese?
“First time? Actually, hindi ko first time umamin. Inamin ko na yun before sa press,” sambit ni Rash.
“Actually, wala kaming sex, e. Thirteen years old pa lang kami. Then, nakarelasyon ko lang siya. One month lang kami nun.
“Actually, nahuli pa nga ako ng nanay ko, naglalakad ako sa daan. ‘O, saan ka galing? Galing ka sa bakla, ‘no?’ sabi niya,” napapangiting kuwento ni Rash, na lumaki sa Sta. Ana, Pampanga.
Disinuwebe anyos siya nang lumuwas pa-Maynila upang subukan ang kapalaran niya.
First movie niya ang Pornstar 2: Pangalawang Putok, kung saan may butt exposure siya pero walang dialogue.
Second movie niya itong Palitan na mag-i-streaming na sa Disyembre 10, Biyernes, sa Vivamax.
Marami siyang dialogue sa Palitan, at nag-frontal siya sa eksenang nag-foursome sila nina Cara Gonzales, Luis Hontiveros, at Jela Cuenca.
GORGY RULA
Okay na yung inamin minsan ni Rash na dyowa siya ng bading noong totoy pa siya, pero hindi na kailangang pag-usapan pa ulit. Hindi naman nakakatulong sa sinisimulan niyang showbiz career.
Pero sa totoo lang, may mga pamilya talagang keber kung bading o tomboy ang dyowa ng anak nila. Ang ibang nanay nga, proud pa sa anak nilang naging dyowa ng kilalang bading.
Kagaya nitong si gay celebrity na sikat ang kanyang YouTube channel. May nakaraan sila ng isang guwapong binatilyo.
Minsan ay napanood ni binatilyo sa TV itong si gay celebrity, buong ningning niyang ikinuwento sa nanay niya na natikman siya nung bading na yun. Namangha ang nanay, at ikinuwento nito sa ilang kapitbahay na natikman ng kilalang gay celebrity ang anak niya.
Itong kay Rash, mukhang keber naman sa nanay niya kung may experience ba siya sa bading.
Batid ng nanay na habulin at hahanap-hanapin ng mga babae’t bading ang dakilang anak niya. Bakit ba?!
NOEL FERRER
Badge of honor ba kay Rash ang maging karelasyon ng bading? Pero ang tanong: bakit hindi nagtagal?
Oh well, tingnan natin kung saan aabot ang interes ng mga tao sa kuwentong ito.
Kasi, pagkatapos ng kanyang feeling shocking na istoryang pakikipagrelasyon sa bading, ang aabangan ay kung may ibubuga ba sa pag arte itong si Rash para tumagal sa industriyang ito—with or without a karelasyong bading.
