Watch Now

Newbie sexy actor Massimo Scofield on full-frontal nude scenes: "Hindi naman siya mali para sa akin."

by Jerry Olea
Apr 2, 2022
massimo scofield
Massimo Scofield on maintaining professionalism while doing daring love scenes: “Kahit kailangang mong maging character talaga, tsaka nakakahiya po naman… nakaka-off po sa kapartner mo kung magkakarun ka ng alam mo yun, magkakarun ka ng libog sa kanya, ganun. Masisira po yung eksena, e... So, kailangan mo pong maging professional para hindi umabot sa pagtigas, ganun.”

Nabulabog ang mga manonood sa pasilip ni Massimo Scofield sa pelikulang Silip Sa Apoy, na nag-streaming noong Enero 28, 2022 sa Vivamax.

Takaw-pansin ang harutan nila ni Jela Cuenca sa pelikulang pinagbidahan nina Angela Khang, Sid Lucero, at Paolo Gumabao, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Read: Pasabog na eksena ni Paolo Gumabao sa Silip Sa Apoy, pinag-uusapan; newbie sexy actor Massimo Scofield, nagpasilip

“Sobrang saya po, sobrang nakakataba ng puso na makatrabaho po ang isang Mac Alejandre,” sabi ni Massimo sa virtual tsikahan nitong Marso 31, 2022, Huwebes ng hapon.

“Sa ikling oras naming pagsasama, may matututunan ka po na maa-apply mo sa ibang bagay.

“Katulad ngayon, itong eksena na ito, sobrang laki ng factor niya na nakasama ko siya. Kasi dito, magagamit mo po, e, yung mga tinuro niya sa 'yo, yung mga binilin niya sa 'yo bilang aktor, ganun.”

Ano ang feeling niya na nataranta ang mga manonood, partikular na ang gay community, sa naturang payanig niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaya po ako… kasi minsan siyempre hindi mo maiiwasan na may magsabi sa 'yo ng kung anu-ano, ganun, na hindi okey, pero masaya pa rin po.

“Kasi, bilang aktor, di ba, nagawa mo yung hinihingi ng istorya. Nagawa mo yung dapat mong gawin,” sambit ng baguhang hunk actor.

Halaw ang screen name ni Massimo sa karakter na ginampanan ni Michele Morrone sa Polish film na 365 Days (2020).

Sinadya ba niyang mag-hello ang kanyang private part sa naturang eksena?

“Kasi po, yung movie na yun, hindi po kasi ako nag-plaster nun. Tsaka part talaga siya ng palabas, ganun,” pag-amin ni Massimo.

“So, kumbaga, handa naman ako, ready ako sa magiging resulta nun. ‘Ah, OK na ‘to, tanggap ko ‘to.’ Kasi, hindi naman siya mali para sa akin.”

Nagpasilip muli si Massimo ng private part niya sa pagganap bilang taong-grasa sa pelikulang Island of Desire na idinirek ni Joel Lamangan, at nag-umpisang mag-streaming sa Vivamax nitong Abril 1, Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagawa ko po yun, kasi sobrang laki po ng tiwala ko, e. Malaki po ang tiwala ko kay Direk Joel, saka sa buong team niya!” pagdadaop ni Massimo ng mga palad sabay yuko.

“Kumbaga, walang pangamba. Hindi ka mag-iisip ng kahit na anong, ‘Uy, hindi OK!’ Kasi, kailangan yun sa takbo ng istorya.”

FIRST LEAD ROLE

Katatapos lang mag-shooting ni Massimo ng pelikulang Putaje kung saan bida sila ni Ayanna Misola, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

massimo scofield

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang okey po, nakakatuwa. Nakakataba ng puso, ganun. Kasi, ipinagkatiwala sa akin yung project na yun,” lahad ni Massimo.

“Sobrang saya, kasi lahat ng nakasama ko, sobrang aalalayan ka — mula sa direktor, sa cast, production. Sobrang saya po.”

Mas mapangahas ba ang ipinakita niya sa Putaje? Mas mapusok?

“Sobrang OK po si Direk Roman, sobrang aalalayan ka, lahat. Tutulungan ka kung paano ka umatake,” salaysay ni Massimo.

“Siya po yung kauna-unahan kong direktor dito sa Vivamax. Nagsimula po ako sa House Tour… Nagpapasalamat po ako sa kanya dahil siya ang nagbigay sa akin ng ganitong oportunidad para ipakita ko po kung ano yung kaya ko bilang aktor. Sobrang thank you po, Direk Roman!”

Kumusta ang pakikipag-love scene kay Ayanna sa Putaje?

“Okey po. Talagang sobrang okey. Pangalawang pagsasama na po namin ito. Una po sa seryeng Iskandalo kay Direk Roman din,” saad ni Massimo.

“Sobrang okey kami, kasi sobrang compatible kami sa isa’t isa. Safe kami sa isa’t isa, so wala kaming dapat ipangamba, ganun. Kumbaga, parehas kami, nag-iingatan. Nagsusuportahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

massimo scofield, ayanna misola

Ayanna Misola and Massimo Scofield in Putaje

ON shooting love scenes

Nag-plaster si Massimo sa love scenes nila ni Ayanna sa Putaje. Kailangan daw iyon.

Natakot ba si Ayanna na matuklaw ng “ahas” niya kaya nag-plaster siya?

Natawa muna si Massimo bago nagturan, “Sobrang bait po ni Ayanna, sobrang galing ng batang yun. Ang galing umarte, sobrang OK.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nadadarang ba siya sa mga love scene?

“Ay! Hindi po, e. Kasi, bago po kami magkarun ng intimate na eksena, kumbaga… talagang hindi po, e!” pag-iling-iling ni Massimo.

“Kahit kailangang mong maging character talaga, tsaka nakakahiya po naman… nakaka-off po sa kapartner mo kung magkakarun ka ng alam mo yun, magkakarun ka ng libog sa kanya, ganun.

“Masisira po yung eksena, e. Masisira po, ganun, paulit-ulit. So, kailangan mo pong maging professional para hindi umabot sa pagtigas, ganun.”

Ano ang ginagawa niya para hindi siya tablan sa mga eksena lalo pa’t maalindog ang ka-love scene niya?

Napakunot-noo si Massimo, “Hindi po talaga, e! Isipin mo na lang na trabaho yun. Saka bilang pagrespeto na rin sa partner mo.”

Mag-i-streaming ang una sa sampung episodes ng Iskandalo sa Abril 10, Palm Sunday, sa Vivamax.

Maliban kina Massimo at Ayanna, nasa cast ng Iskandalo sina Cindy Miranda, AJ Raval, Sean de Guzman, Jay Manalo, Jamilla Obispo, Angela Morena, Francis Magundayao, Arvic Tan, Julio Diaz, Rocky Salumbides, Arnold Reyes, Carlene Aguilar, Evangeline Pascual, at Joonee Gamboa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON VIDEO SCANDALS AND INDECENT PROPOSALS

Tawa nang tawa si Massimo nang uriratin namin kung totoo na siya ang pinaka-gifted sa hunk actors na kasalukuyang alaga ng manager niyang si Jojo Veloso.

Tubong-Olongapo si Massimo, at natawa siya lalo nang biruin namin kung nasa lahi ba talaga nila ang pagiging gifted. Kumusta ang buhay niya noon sa Olongapo?

“Madami rin po akong ginagawa noon, e. Kasi, lahat po ng puwedeng pagkakitaan noon, pinapasok ko, e, para lang po kumita ako,” matamang pahayag ni Massimo.

“Naging family driver po ako hanggang sa may nagturo sa akin kung paano magbenta ng mga sasakyan, ganyan. So, dun ako nagsimula. Nag-buy and sell po ako.

“Nagsimula ako sa mga motor, hanggang umabot po sa mga kotse, ganun. Kahit po noong magpandemya, nakakabenta ako.”

massimo scofield

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasubukan na ba niyang makipag-cybersex?

“Ay! Wala pa po! Never pa po akong nagkaroon ng ganyang pagkakataon,” mabilis na sagot ni Massimo.

“Takot po ako sa mga ganyan. Siyempre, kasi hindi mo masabi, lalo na ngayon, di ba? Nakakatakot po.”

So, walang lalabas na video scandal kung saan nagsasariling-sikap siya, o merong bading na nagpapasasa sa kanyang katawang-lupa?

“Ay! Wala po! Malinis po! Malinis po!” bulalas ni Massimo.

Dahil mas nakikilala na siya bilang sexy actor, dumagsa ba ang indecent proposal sa kanya ng mga bading, matrona o ano man?

“Hindi naman po mawawala yun. Pero ayun, ikaw din po ang magdadala, e, kung paano mo dadalhin yung mga ganung sitwasyon,” wika ni Massimo.

“Ang ginagawa ko po, hangga’t maaari, kung kayang iwasan, iwasan na din lang po para walang masyadong problema, ganun.

“Kasi minsan, kilala mo yung tao, ganun. Siyempre, dahil kilala mo yung tao, gusto mo na lang i-keep yung pagkakakilala ninyo sa isa’t isa. Kasi, ayaw mo ring masira dahil sa mga ganung proposal na hindi naman matutuloy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang pangarap niya sa buhay, lalo na bilang artista? Ano ang gusto niyang marating?

“Bilang artista po, siyempre pangarap ko na magkaroon ng pangalan, hindi tayo makalimutan ng tao,” sagot ni Massimo.

“Tapos, magkarun ng maayos na pamilya. Maging masaya, healthy lang palagi, ganun.”

Sinong artista ang idolo niya, hinahangaan niya at gusto niyang sundan ang mga yapak?

“Ang hinahangaan ko po talagang artista, e, si Robin Padilla. Mahilig po talaga ako sa action, e. Siya po talaga yung kinamulatan ko magsimula po nung bata ako.”

Peg ng manager niya na siya ang maging bagong Carlos Morales ng local showbiz. Kilala ba niya si Carlos?

“Opo, kilala ko po. Magaling po siya, magaling po siyang aktor. Sana, ma-meet ko siya soon.”

massimo scofield

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE LOVER BOY

Paano siya magmahal ng babae? Gaano kalalim?

“Malalim po. Walang sukat, e. Kumbaga, ang hangganan na lang nito siguro, yung matatanggap mo ba yung puwedeng mangyari,” seryosong sabi ni Massimo.

“Maging kayo man o hindi, yun.”

Sa lalim niyang magmahal, puwede bang umabot yun sa bugbugan? Kaya ba niyang gawing punching bag ang mahal niya kapag nagalit siya?

“Ay! Hindi po, e! Kumbaga, hindi ko nakikita yung sarili ko na makakapanakit ako ng babae. Kasi, para sa akin, mali yun, e.

“Gaano man kamali o hindi tama yung nagawa sa ‘yo ng partner mo, kahit na sino man, wala kang karapatang manakit ng tao. Wala kang karapatang pagbuhatan ng kamay ang sino man, di ba?

“Sobrang mali po yung ganung bagay. Hindi ko po nakikita ang sarili ko na ganun. Maigi po sigurong lumayo na lang ako kesa magkaroon ng mga ganung ganapan.”

Wala raw love life ngayon si Massimo. Ipinagbabawal daw iyon ng manager niyang si Jojo Veloso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Massimo Scofield on maintaining professionalism while doing daring love scenes: “Kahit kailangang mong maging character talaga, tsaka nakakahiya po naman… nakaka-off po sa kapartner mo kung magkakarun ka ng alam mo yun, magkakarun ka ng libog sa kanya, ganun. Masisira po yung eksena, e... So, kailangan mo pong maging professional para hindi umabot sa pagtigas, ganun.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results