Pasabog na eksena ni Paolo Gumabao sa Silip Sa Apoy, pinag-uusapan; newbie sexy actor Massimo Scofield, nagpasilip

by PEP Troika
Jan 31, 2022
paolo gumabao massimo scofield
Paolo Gumabao (kaliwa) at Massimo Scofield, parehong may daring scenes sa Vivamax movie na Silip Sa Apoy.
PHOTO/S: Vivamax / Instagram

JERRY OLEA

Certified No. 1 sa Vivamax ang pelikulang Silip sa Apoy na pinagbibidahan ni Angeli Khang, kasama sina Sid Lucero, Paolo Gumabao, Jela Cuenca, at Massimo Scofield.

Ayon mismo iyan sa Facebook at Twitter account ng Vivamax nitong Enero 30, 2022, Linggo ng hapon.

Ang Silip sa Apoy ay idinirek ni Mac Alejandre, mula sa panulat ni Ricky Lee.

Kasabay nitong nag-streaming sa Vivamax noong Enero 28, Biyernes, ang pelikulang Deception nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

“Sina AJ Raval at Angeli Khang ang pinakamalakas ang hatak sa Vivamax,” sabi ng talent manager na si Jojo Veloso nang makausap namin noong Enero 29, Sabado.

Wagas ang Hugas ni AJ, nagliliyab ang Silip sa Apoy ni Angeli!

Usap-usapan ng mga bading ang pasabog na eksena ni Paolo kung saan nagbatibot ito habang sinisilipan sina Sid at Angeli.

Maituturing ba natin na si Paolo ang "Pandemic Batibot King"?

Sa launching movie niyang Lockdown ay nagsariling-sikap si Paolo, at maging sa BL movie na Sisid na nag-premiere noong Enero 18 sa Vivamax Plus ay may eksenang pinapaligaya ni Paolo ang sarili habang nagsa-shower.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumukaw rin sa pansin ng mga bading ang kapangahasan ni Massimo sa Silip sa Apoy. May pasilip si kuya!

Kuwento pa ni Jojo Veloso, “Dakila si Massimo at wala siyang kiyeme sa pagpo-frontal, gaya ng isa ko pang alaga na si Rash Flores.

“Leading man ni Ayanna Misola si Massimo sa pelikulang Putahe. Kasama sina Rash, Massimo, at AJ Oteyza sa Island of Desire na ididirek ni Joel Lamangan.

“Susundan nina Rash, Massimo, at AJ ang mga yapak ng mga dati kong alaga na sina Allen Dizon at Carlos Morales.”

Ang Vivamax ay tinagurian ng beteranong manunulat na si Mario Bautista bilang "Tahanan ng mga Makasalanang Pelikula."

Kabilang sa mga pelikulang mag-i-stream sa Vivamax sa buwan ng mga puso ang Kinsenas, Katapusan (Pebrero 4), The Wife (Pebrero 11), Boy Bastos (Pebrero 18), at Bahay na Pula (Pebrero 25).

NOEL FERRER

Dahil ba pent up ang emotions ng mga Pinoy at hindi natin mailabas ang ating saloobin—kasama pa ang kawalan o kakulangan ng intimacy ngayong panahon ng pandemya—kaya people turn to medyo edgy-daring-adult materials sa streaming sites like Vivamax?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pilit ko kasing iniintindi kung bakit ito ang mga pumapatok ngayon, at kung hahainan ba natin ng ibang panoorin, e, tatangkilikin kaya ito ng mga kababayan nating hikahos at abala rin sa paghanap ng pagkakakitaan.

Movies are reflection of our times really.

Ngayong may dalawang pelikula tayong nanalo sa Sundance, sa tingin ninyo, kapag nag-streaming ito sa atin, papatok din ang mga ito? Sana.

GORGY RULA

Ito na talaga ang labanan ngayon sa mga pelikulang napapanood natin sa Vivamax.

Sabi nga ni Direk Brillante Mendoza, mga lalaki raw ang karamihang viewers ng naturang streaming app, kaya walang patumanggang boobey ng mga bidang babae.

Pero may sangkabadingan ding nanonood, kaya nandiyan ang mga mapangahas ding aktor kagaya nina Paolo, Massimo, at Rash.

Magaling naman maghanap ang Viva ng mga magagandang artista.

Ang ganda ni Angeli Khang na parang ang bata pa ng dating, mala-Amy Austria at Joyce Jimenez ang dating.

Mas nakikeri ko pa ang acting niya kumpara sa ibang artistang inilunsad ng Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas matikas di hamak sina Paolo at Massimo kesa sa ibang napiling leading men ng Viva. Dagdag pa si Sid Lucero na bumagay sa kanya ang role sa Silip sa Apoy at minani-mani lang niya ang mga eksena.

Hindi ako inantok sa pelikulang ito ni Direk Mac Alejandre na parang pinaghalong Scorpio Nights at Dahas.

Bago mag-ending, humirit pa ng eksenang mala-Ikaw ay Akin nina Nora Aunor at Vilma Santos na mata lang ang nag-usap kina Angeli at Jela Cuenca.

Malamang, may mga kasunod pang mas matapang na pelikulang mapapanood sa Vivamax tampok ang mga mapangahas na artista ng Viva.

Bukod kina Direk Darryl Yap at Roman Perez, Jr., nandiyan na sina Direk Brillante Mendoza, Direk Mac Alejandre, at Direk Joel Lamangan.

Sino pa kaya sa mga magagaling nating direktor ang susunod sa bandwagon na sinimulan ng Vivamax?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao (kaliwa) at Massimo Scofield, parehong may daring scenes sa Vivamax movie na Silip Sa Apoy.
PHOTO/S: Vivamax / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results