Watch Now

Juan Carlos Galano plays an asshole character in Cheat Day

by Jerry Olea
Apr 8, 2022
juan carlos galano
Juan Carlos Galano in his role in Cheat Day: “Sobrang cocky niya. And ako, hindi yun yung natural ko talaga, medyo low key lang ako as a person. Pero andun din lang yung kulo. Ha! Ha! Ha! Ha! Ito kasi, bulgaran. As in yung kulo niya, talagang inilalabas niya sa public. Saka ganun ka-asshole yung karakter niya.”
PHOTO/S: Marr Medel

Super-fun para kay Juan Carlos Galano ang shooting ng pelikulang Cheat Day, kung saan bida sina Alexa Miro at Derrick Monasterio, sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

“Sobrang masaya lang po ng shooting namin!” bulalas ng baguhang aktor nang makatsikahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa AQ Prime office noong Abril 6, 2022, Miyerkules, sa Roces Avenue, Quezon City.

“Sexy-naughty film siya pero comedy at the same time. Light lang yung work load namin dun.

“Yung mga pag-arte, mostly binigyan kami ng creative freedom ni Direk Joey para ilabas namin kung ano yung pagka-comedic ng character.

“Tapos mostly conversational, siyempre hindi iniaarte… Ako kasi yung guy ni Alexa sa cheat day!

“So, apparently, nung nagsu-shoot kami, hindi kami nag-stick to the script. Mostly naging conversational talaga siya, tapos, puro ad lib.

“Bilang ako, ma-ad lib ako talaga, nagkatugma kami ng ano ni Alexa. And I think maganda yung mga eksena na maipapakita namin. I’m very funny, for sure!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itong Cheat Day ang second movie ni Juan Carlos. Ang una ay ang Nelia na pinagbidahan ni Winwyn Marquez, at official entry ng A&Q Films sa Metro Manila Film Festival 2021.

ON WORKING WITH DIREK JOEY, DERRICK, AND ALEXA

Kumustang katrabaho si Direk Joey sa Cheat Day?

“Sobrang saya, sobrang nakakatuwa! Kasi very maalaga, at saka alam mo yun, hindi naman ako naging uncomfortable sa set,” lahad ng Bench Body model.

“Tapos, siyempre kapag kinakailangan ko pa ng push when it comes to my acting — kasi yung character ko dito, he’s so full of himself.

“Sobrang cocky niya. And ako, hindi yun yung natural ko talaga, medyo low key lang ako as a person. Pero andun din lang yung kulo. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Ito kasi, bulgaran. As in yung kulo niya, talagang inilalabas niya sa public. Saka ganun ka-asshole yung karakter niya.”

Kapana-panabik ang eksena ni Juan Carlos na naka-Bench underwear! Merong eksena rin si Juan Carlos kasama ang kapwa Bench Body model na si Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As a friend, sobrang good friends kasi kami ni Derrick off-cam,” pakli ni Juan Carlos.

Matagal na ring magkatropa sina Derrick at Alexa. Nailang nga raw si Alexa na harutin si Derrick.

“Oo, matagal na rin silang magkaibigan actually. Pero yun nga, nagkatrabaho lang,” sabi ni Juan Carlos.

“Sobrang naging light lang nung project na yun bilang naging comfortable kami sa isa’t isa talaga.

“And si Derrick, may familiarity na kami. Si Alexa, very supportive siya as an actor also.

“So, kahit hindi ko siya kaeksena, or may mga lines ako na para lang sa akin, and siya, hindi naman siya kasama dun sa scene… nagbabatuhan pa rin kami ng lines.

“And that’s what I appreciate about her.”

Dito lang sa set ng Cheat Day nagkakilala at nagkalapit sina Alexa at Juan Carlos. Napanood ba ni Juan Carlos ang pelikulang A Girl + A Guy kung saan walang keber mag-frontal ang baguhang aktres?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko siya napanood nang full movie but I’ve watched some snippets in TikTok or Facebook,” sambit ni Juan Carlos.

“Well, I would say she is very brave for that… Siyempre, as an actor, ginawa lang naman din niya yung kinakailangan sa istorya, di ba?

“Ina-admire ko yung bravery niya. Dito naman sa Cheat Day, hindi na siya ganun ka-daring.

“I mean, it’s sexy, yes, it’s naughty… pero hindi siya ganun ka-daring as compared to A Girl + A Guy.

“It’s still funny na may hint of sexiness, na siyempre, natural na lang din sa mga actors ang ganun.”

RAYA SIRENA

Mataas ang ratings ng "Raya Sirena" episode ng Regal Studio Presents noong Setyembre 18, 2021 kaya ginawa itong seven-episode mini-series sa GMA-7.

Excited si Juan Carlos na mapasama sa taping nito sa Bataan matapos ang Semana Santa.

“Originally, ang role ko dapat dun, merman. Pero nung audition kasi, naghubad na, pinakita yung katawan at nakita nila kung gaano ako ka-fit, parang mas bagay daw ako sa role ni Bulan,” kuwento ni Juan Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Bulan is the god of the moon. He’s responsible in making the mermaids, lahat ng mga sea creatures. Yung role na merman, napunta kay Saviour Ramos.

“Experimental pa itong mini-series na ito. If ever it does work, hopefully, ma-extend pa nang mas matagal.

“Kumbaga, maging regular show siya eventually, di ba? Kasi, nanggaling yung story from Regal Studio Presents.

And I think the fans of Sofia Pablo and Allen Ansay, sumuporta talaga. Maganda ang rating ng episode na yun.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juan Carlos Galano in his role in Cheat Day: “Sobrang cocky niya. And ako, hindi yun yung natural ko talaga, medyo low key lang ako as a person. Pero andun din lang yung kulo. Ha! Ha! Ha! Ha! Ito kasi, bulgaran. As in yung kulo niya, talagang inilalabas niya sa public. Saka ganun ka-asshole yung karakter niya.”
PHOTO/S: Marr Medel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results