Nabulabog ang Instagram followers ni Juan Carlos Galano sa ipinost niyang 41-second video noong Setyembre 17.
Habang nakikipagharutan kasi ang 24-anyos na Bench Body model sa alagang labrador retriever, split second na naibaba ng aso ang kanyang short at nag-hello ang kanyang pubes. Tila kilig na kilig ang ilang masusugid niyang tagahanga sa nasilip nila.
“Ay, oo nga, e! Nakakatawa lang!” sambit ni Juan Carlos sa launch ng Manila K-town Cha-Cha-Cha Fest 2021 nitong Nobyembre 19, Biyernes ng gabi, sa Remedios Circle, Malate, Manila.
“Sabi ko, ‘Ambibilis ng mga mata ninyo!’ Honestly, wala namang nakita, e, kung tutuusin.
“Sabi, makapal daw? Ha! Ha! Ha! Well, I digress. I do trimming also. Talagang naggu-grooming tayo, siyempre, OK. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Medyo nawindang din ako, kasi hindi ko rin in-expect. Hindi ko napansin when I posted it. So, akala ko, wholesome post…
“Wholesome din naman kasi siya, kasi I was playing with my dog siyempre. Kumbaga, medyo roughhousing lang kami ng aso ko nun.
“Tapos, yun pala, hindi ko napansin sa video na medyo napababa pala yung shorts ko noon.”
UNDERWEAR MODEL
Mahilig si Juan Carlos sa water sports, partikular sa paglangoy at surfing, kaya morenong-moreno siya. Panay-panay ang IG posts niya sa dalampasigan ng Siargao.
Naglalagi ba siya roon?
“Hindi naman lagi. Originally, I was just supposed to stay there for four days. But I was with my friends. Kumbaga, joiner lang po talaga ako nun,” lahad ni Juan Carlos.
“And then, after four days, nag-decide kaming mag-extend nung mga friends ko. Ang kasama ko noon, sina Derrick Monasterio, tapos yung iba pa naming non-showbiz friends.
“Pang-content post yung mga ginawa ko, kaya nagdala na rin ako ng Bench apparel.”
Mayo 2021 pumirma ng kontrata si Juan Carlos para maging modelo ng Bench Body. Nitong Agosto siya nag-photo shoot.
In fairness, mukhang napaka-photogenic niya, huh?!
“I think, personally, na mas telegenic ako kaysa sa photogenic. Kasi, parang… with photo shoots, I’m awkward,” pagtatapat ni Juan Carlos.
“Kumbaga, hindi ako masyadong sanay pa sa mga pagpo-pose-pose at pag-model talaga as compared to acting, or kumbaga moving, yung video. Moving ang picture, di ba?”

Siyanga pala, nagpu-football din si Juan Carlos.
Dagdag niya, “I play basketball pero hindi ako yung super-galing na parang mga jock talaga nung high school.”
Kabilang sa commercials na ginawa niya ay Jollibee (“Pecha de Peligro”) at Ginebra.
HOW FAR CAN HE GO FOR A ROLE?
First full-length film ni Juan Carlos ang MMFF 2021 official entry na Nelia. Gumanap siya rito bilang nars.
Maliit lang ang role niya sa Nelia kung saan title role si Winwyn Marquez, at tampok din sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, at Shido Roxas. Wala siyang love scene sa movie.
Sa photo shoot para sa publicity photos, biniro siya ng co-stars na mag-topless.
“Minor role man siya, it’s still a role and it’s my first full-length film na professional talaga, pumasok pa sa MMFF, so sobrang thankful talaga ako,” saad ni Juan Carlos.
Sakaling magpapa-sexy siya sa pelikula, hanggang saan ang kaya niyang gawin o ipakita?
“Siyempre, I have to take into account yung… syempre baka malimitahan ako sa work, lalo na sa commercials,” tugon ni Juan Carlos.
“Especially yung market nila is conservative, and yung mga clients, mostly on the conservative side talaga.
“Pero I would do sexy scenes, for sure. Kumbaga, in the long run, kung mamarapatin at kung kakailanganin ng ng role talaga. Kumbaga, basta tasteful yung eksena.”
So, may limitations?
“Honestly, wala naman. Open ako to do anything na sexy. Kumbaga, mature roles na tayo kahit papaano. Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Juan Carlos.
“Open ako and game naman ako sa sexy scenes. Butt exposure, OK lang. Nagpasabog na nga ako sa Instagram ng butt exposure ko nun.
“Apparently, magkakarun ako sa next project ko ng butt exposure. So, parang teaser ko na yun sa followers.
“Yung frontal nudity… we’ll see.”
Comfortable siya sa paghuhubad?
“I’m comfortable with my own skin, for sure. Lalo na sa mga post ko sa Instagram, karamihan…” mapanuksong ngiti ni Juan Carlos.
“Swimmer naman ako. And I guess, kaya puro topless pics ako sa Siargao, napakainit po talaga sa dagat, sa coastline.
“Pag mainit, mainit talaga. At kung malamig… malamig sa malamig! Pero yun nga, nung nandun ako sa isla, mas gusto ko na naka-topless, kasi for sure, pag nagsuot ako ng sando or anything na may ano, magta-tan line ako. Malala, e!
“So, kung magpapasunog man, at least, buong body ko, pantay naman ang kulay.” Nasubukan na ba niyang mag-beach nang walang saplot?
“Full nude? No, I haven’t tried. But I’m willing to try, lalo na sa mga nude beaches sa Australia or sa ibang bansa,” sambit ni Juan Carlos.

JUAN CARLOS'S HEARTBREAK
Nag-aral si Juan Carlos sa UST, bago lumipat sa Emilio Aguinaldo College para tapusin ang kursong BS Occupational Therapy.
“I had this pattern, kumbaga, noong college na after a relationship, I would jump on to the next. Parang walang vacancy talaga,” pagbabalik-tanaw ni Juan Carlos.
Nagseryoso siya sa isang babae, at iyon ang unang babaeng isinama niya sa bahay para ipakilala sa kanyang mga magulang. Iyon din ang babaeng dumurog sa puso niya.
Nagkahiwalay siya kaalinsabay ng paglaganap ng pandemya — noong Marso 16, 2020, sa pagkakatanda niya.
Sinabihan siya ng kanyang ina na “pahinga” muna siya. Kaya single ang status niya ngayon.
“Iyon ang naging driving force ko para magseryoso talaga sa pagwo-workout. I concentrated with myself. I took that time to rest, basically,” salaysay ni Juan Carlos.
“Kaya noong pandemic talaga, I took my time to focus on myself. Be self-aware, kumbaga, i-monitor mo ang sarili mo.
“Ang hirap nun, e. Honestly, iyon ang skill na ang hirap, lacking sa mga tao, yung self-monitoring.
“So, now that I’m more self-aware, I could try dating siguro once in a while. Kumbaga, dating pero… be committed in a relationship, hindi pa talaga.”
Wala na silang komunikasyon ng ex-girlfriend niya. Alam kaya nito na Bench Body model na siya?
“Siguro naman. Well, honestly, kung nasaan man siya… I hope the best for her. Pero I heard she’s engaged,” pakli pa ni Juan Carlos.
