Vince Rillon on first best actor award: "Parang ang aga… maagang dumating sa ‘kin."

by Jerry Olea
Apr 29, 2022
vince rillon best actor
Vince Rillon prefers doing daring films than wholesome movies: “Ine-enjoy ko pa itong kabataan namin. Kasi, mapupusok kami, di ba? Mga BL, like that. Kahit may partner ka, kailangan ng sex scene dun, e. Kasi, iyon ang inaabangan ngayon ng mga tao sa Vivamax. So, ibibigay namin hanggang kaya naming ibigay yung mga gusto nila.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

Nag-soup lang si Vince Rillon sa pa-dinner ng Vivamax nitong Abril 27, 2022, Miyerkules, sa Wing Zone-Araneta Coliseum matapos ang special screening ng pelikula nila ni AJ Raval na Kaliwaan.

Nagpapapayat si Vince matapos tumaba nang dumalo sila ni Direk Brillante Mendoza sa 19th Asian Film Festival (Abril 7-13, 2022) sa Rome, Italy.

Aniya, masasarap ang kinain nila sa Rome kaya ginanahan siyang kumain.

Nagtabla sina Vince (Resbak) at Christian Bables (Big Night) bilang best actor sa nasabing filmfest, kung saan pinagkalooban naman si Direk Brillante ng Lifetime Achievement Award.

Ito ang kauna-unahang best actor award ni Vince mula nang mag-artista siya sa pelikulang Captive (2012) na pinagbidahan ng French actress na si Isabelle Huppert, sa direksiyon ng mentor niyang si Brillante Mendoza.

Read: Vince Rillon, hindi makapaniwalang nanalong best actor sa 19th Asian Film Festival sa Rome

“Parang napaka-blessed ko po dahil nakatanggap ako ng award, na pinapangarap ko rin naman po!” bulalas ni Vince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero parang ang aga… maagang dumating sa ‘kin. So, yun po, masaya po ako at nararamdaman ko pa rin ngayon yung kasayahan sa pagkilala bilang best actor.

“Kasi po, nung tinanggap ko yun, hindi ko po talaga maramdaman noon yung nararamdaman kong saya ngayon.

“Nung nandun po ako sa Italy, hindi ko po talaga ini-expect na mananalo ako dun. Kasi, blessed na ako dahil nakapasok yung Resbak sa filmfest.

“Dun pa lang, OK na po ako dun, e. Thanks na thanks na ako kay Direk. Nagsimba na ako sa Vatican.

“And then, dumoble pa nang manalo ako dun.”

UNEXPECTED WIN

Nagulat ba siya nang manalo para sa Resbak?

“Opo, nagulat po talaga ako. Unexpected po talaga. Speechless. Hindi ko alam ang pakiramdam,” salaysay ni Vince.

“Hanggang pag-uwi ko. Yung pag-uwi ko siguro, sinalubong ako, pag-uwi sa bahay namin, pinaghanda ako ng mama ko, dun ko naramdaman yun.

“Na kasama ko ang mama ko sa bahay, mga kapatid ko. Kasi, natuwa sila. Dun na! Para akong nanalamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, natutuwa yung mga magulang ko, dun ko naramdaman ang saya. Ahh, OK. Ito na pala yun.”

Kanino niya idine-dedicate ang una niyang best actor trophy?

“Sa mama ko po, sa mga kapatid ko po. Sa kanila po yun. Gift ko po sa kanila yun. Kasi, yung work, gift ko na sa sarili yun.

“Yung mga makukuha kong award, sa kanila yun. Para sa kanila po yun.”

vince rillon in rome

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FORTHCOMING FILMS

Hindi pa alam ni Vince kung kailan ipalalabas ng Cignal ang pelikulang Resbak, na election-related ang istorya.

Co-stars ni Vince sa Resbak sina Albie Casiño, Khalil Ramos, Nash Aguas, Jay Manalo, at Bibeth Orteza, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

May dalawa pang forthcoming films si Vince with Coco Martin na idinirek din ni Brillante, yung The Policeman at Apag.

Ikinakasa na rin ng Vivamax ang streaming ng pelikulang Pusoy, kung saan co-stars ni Vince sina Angeli Khang, Baron Geisler, at Janelle Tee, sa direksiyon ni Philip Giordano.

“Ang papel ko sa Pusoy, bodyguard ni Baron Geisler. And then, nangangailangan ako ng pera,” pagbuntong-hininga ni Vince.

“Kasi yung magulang ko dun, maysakit sa kidney.”

Andiyan din ang pelikulang Virgin Forest nila nina Sid Lucero, Angeli Khang, Kat Dovey, Rob Guinto, Markki Stroem, at Micaella Raz, sa direksiyon ni Brillante.

Poster pa lang nito, payanig na.

Yung pelikula nila ni AJ Raval na Kaliwaan ay streaming umpisa Abril 29, Biyernes, sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumanap bilang ina ni Vince sa Kaliwaan si Irma Adlawan, na siya ring pumapel na ina niya sa BL movie nila ni Paolo Gumabao na Sisid.

“Sa Sisid, nangibabaw yung sex scenes namin ni Paolo. Dito sa Kaliwaan, kuwento!” pagdidiin ni Vince.

“Kasi, hindi mo titingnan yung sex scene namin dito ni AJ, kung tutuusin. Susundan mo talaga yung kuwento.”

Tampok din sa Kaliwaan sina Denise Esteban, Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, at Juami Guitierrez.

kaliwaan poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SOFT PORN MOVIES?

Naghimutok si Baron Geisler sa Facebook nitong Abril 27, Miyerkules ng 8:50 a.m., na sana’y gumawa rin ang Vivamax ng mga pelikulang nagpo-promote ng good family values, at hindi soft porn content lang.

Sang-ayon ba si Vince na soft porn ang Vivamax projects niya this year, yung Siklo, Sisid, at L series, pati na itong Kaliwaan, Pusoy, at Virgin Forest?

“Hindi naman po soft porn yun. May kuwento naman po yun, e, kung bakit mo ipinapakita ang mga ganung bagay, sexy,” katuwiran ni Vince.

“May pinanggalingan po.”

Sa ngayon ba, gusto na rin niyang gumawa ng wholesome movies? Yung walang hubaran at harutan.

“Parang ngayon, hindi na muna! Ine-enjoy ko pa itong kabataan namin. Kasi, mapupusok kami, di ba?” sabi ng 23-anyos na si Vince.

“Mga BL, like that. Kahit may partner ka, kailangan ng sex scene dun, e. Kasi, iyon ang inaabangan ngayon ng mga tao sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ibibigay namin hanggang kaya naming ibigay yung mga gusto nila.”

Siyanga pala, tinanggal na ni Baron ang nasabing post niya sa Facebook.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vince Rillon prefers doing daring films than wholesome movies: “Ine-enjoy ko pa itong kabataan namin. Kasi, mapupusok kami, di ba? Mga BL, like that. Kahit may partner ka, kailangan ng sex scene dun, e. Kasi, iyon ang inaabangan ngayon ng mga tao sa Vivamax. So, ibibigay namin hanggang kaya naming ibigay yung mga gusto nila.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results