Watch Now

Vince Rillon, hindi makapaniwalang nanalong best actor sa 19th Asian Film Festival sa Rome

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2022
vince rillon in rome, italy
19th Asian Film Festival best actor winner Vince Rillon: "Speechless po kasi ako nung araw na yun. Hindi ako makapaniwala. Parang hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko na saya. Ngayon ko lang po napi-feel na napaka-blessed ko po."
PHOTO/S: @vince_rillon on Instagram

Hindi makapaniwala si Vince Rillon na mananalo siyang best actor sa 19th Asian Film Festival para sa kanyang pagganap sa Resbak kaya hindi niya malilimutan ang biyahe nila ng direktor na si Brillante Mendoza sa Rome, Italy.

Ang mga karanasan niya sa international film festival na dinaluhan ang ikinuwento ni Vince sa media conference ng Kaliwaan, ang suspense-sexy-action movie na pinagbibidahan nila ni AJ Raval.

Ayon kay Vince, naramdaman lamang niya ang kanyang tagumpay sa 19th Asian Film Festival nang makabalik na siya sa Pilipinas.

Lahad niya, “Nung nasa Rome ako, hindi ko ma-feel. Nang umuwi po ako sa Pilipinas, dun ko na naramdaman na ang sarap po pala

"Speechless po kasi ako nung araw na yun. Hindi ako makapaniwala.

"Parang hindi ko ma-explain yung nararamdaman kong saya. Ngayon ko lang po napi-feel na napaka-blessed ko po.

“Yung opening po ng festival, siyempre naka-coat, formal, and tuwang-tuwa ako dahil blessing na po sa akin na nakapasok yung pelikula ko at nag-compete sa festival."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Vince, “Nagpunta kami ni Direk sa Vatican. Nag-pray na ako, nagpasalamat na ako kay Lord dahil, unang-una, nakapunta ako sa Vatican. Pangarap ko po talaga na makapasok sa loob ng simbahan na yun.

“And two days before the awards night, sabi ko kay Direk, 'Puwede ba huwag na tayong mag-formal?' Sabi niya, ‘Itanong natin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, puwede raw, huwag na kaming magsuot ng coat or formal.”

Ginanap ang pamamahagi ng parangal ng 19th Asian Film Festival sa Cinema Farnese, Campo De Fiori, Rome, noong April 12.

Sa pagkakaalam ni Vince, tatanggap lang si Direk Brillante ng Lifetime Achievement Award kaya nabigla siya nang tawagin ang kanyang pangalan bilang best actor winner.

“Ang alam ko si Direk Brillante ang bibigyan ng Lifetime Achievement Award. Maya-maya, tinawag yung pangalan ko.

“Hindi ako prepared. Hindi ko talaga inaasahan yun. Lalo akong natuwa nung tawagin yung pangalan ko.

“Nagulat din si Direk nang biglang tawagin yung pangalan ko.

“Sabi ko, 'Direk, ako ba yung tinatawag?' Hindi pa ako tumatayo hanggang yung emcee, tinawag ako, 'Vince Rillon, Vince Rillon, come…come.'

“Nagulat po ako, tumayo ako. Nahiya rin po ako sa suot ko dahil hindi po ako nakaayos. Nakapantalon lang ako at simpleng damit lang din,” ani Vince, na hindi handa kaya halos hindi makapagsalita nang tanggapin niya ang kanyang best actor trophy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, “Speechless ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Nagpasalamat na lang po ako kay Lord and then sa harap ng aking manager na si Direk Brillante. Yung team ng Resbak...

“Hindi ko po alam ang sasabihin ko. Para akong nabigla.Na-shock po talaga ako…”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
19th Asian Film Festival best actor winner Vince Rillon: "Speechless po kasi ako nung araw na yun. Hindi ako makapaniwala. Parang hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko na saya. Ngayon ko lang po napi-feel na napaka-blessed ko po."
PHOTO/S: @vince_rillon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results