Juan Calma lets it all hang out in his first two movies: "Laban lang!"

by Jerry Olea
Jun 10, 2022
juan calma
PHOTO/S: Jerry Olea / AQ Prime Facebook

Kagaya ng kapwa AQ Prime actors na sina Kurt Kendrick, Seon Quintos, Drei Arias, Conan King, at Lloyd Aaron Agustin, walang kiyeme sa pagpo-frontal nudity ang baguhang si Juan Calma.

Pero hindi sa AQ unang nagpasilip ng private part si Juan kundi sa pelikulang Ang Bangkay ng Philstagers Films.

Isinulat, idinirek, at pinagbidahan ni Vince Tañada ang Ang Bangkay, na halaw sa obra niyang nagkamit ng unang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards.

Nagpasinaya ang nasabing pelikula noong Mayo 14, 2022 Sabado, sa Shangri-La Plaza, Shaw Blvd. cor. EDSA, Mandaluyong City.

“Sa Ang Bangkay po ang aking first exposure,” saad ni Juan sa grand launch ng AQ Prime Stream noong Hunyo 4, 2022, Sabado, sa Conrad Hotel, Pasay City.

Ano ang feeling niya nang mapanood ang sarili sa big screen?

“Noong una po, nahihiya ako. Pero at the same time, natutuwa. Kasi, may mga taong bumilib na nagawa mo yun, ganun,” pagngiti ni Juan.

“Lalo na yung mga taong nakausap ko at nagtanong kung pang-ilang film ko na yun. Nagugulat sila pag sinabi kong first time pa lang.

“Buti raw, kinaya ko. Ayun po.”

Nasa cast din ng Ang Bangkay sina Mercedes Cabral, Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, Sarah Javier, JP Lopez, at OJ Arci.

“Parang family lang po kami dun sa shooting. As in wala pong pressure na nangyari. Si Direk Vince po yung tipong babalik-balikan niyo,” kuwento ni Juan.

Na gusto ninyong maging direktor. Na hihilingin ninyo, sana, makatrabaho muli siya.”

LA TRAIDORA

Sa AQ ang pangalawa niyang pelikula kung saan nag-frontal din siya, ang La Traidora sa direksiyon ni Alejandro “Bong” Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

juan calma la traidora

“Ang papel ko po sa La Traidora ay isang dating macho dancer, na naimbitahan ng isang direktor para gumawa ng pelikula,” salaysay ni Juan.

“Ang twist po sa karakter ko, naging artist siya, naging totoong buhay po siya. May trayduran po na naganap.”

Nahirapan pa ba siya sa paghuhubad? O kalma lang siya?

“Sa una po, may inhibition pa po ako during the time. Dun po yun sa Ang Bangkay. Kasi, first exposure ko po yun,” malumanay na lahad ni Juan.

Dito po sa La Traidora, hindi na po ako nahirapan. Nakaramdam pa rin naman po ako ng hiya. Usual naman po na nangyayari yun.

“Pero prepared na po ako. Ayun po, laban lang!”

Sabi pa ng 24-anyos na si Juan, matutuwa ang mga makakapanood sa kanya sa La Traidora.

“Na-boost po ang confidence ko dahil sa La Traidora, kaya nagpapasalamat po ako sa pagtitiwala ni Direk Bong,” pahayag ni Juan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sobrang gagaling ng mga artista rito, at ginabayan nila ang isang katulad ko na baguhan po sa industriya.

“Kagaya ni Direk Vince, parang family rin po pag nag-shoot kay Direk Bong. Hindi namin naramdaman, natapos na pala ang shooting.”

Co-stars ni Juan sa La Traidora sina Brylle Mondejar, OJ Arci, Ricardo Cepeda, Joni McNab, at Mia Aquino.

“Si Sir Brylle Mondejar, sobrang galing niya po. Sobrang professional niya po. Andami po niyang advice sa akin.

“Pati po si OJ Arci, thank you po sa kanila. Na-build up po nila, na-boost nila yung confidence ko,” wika ni Juan, na Virgo ang zodiac sign.

Ang La Traidora ay isang film within a film, sexy drama na may pagka-comedy.

ACTING WORKSHOP

Pagkatapos ng back-to-back na pagpo-frontal sa pulitika, pagtutuunan muna ni Juan ang acting workshop.

“Pagbubutihin ko pa po ang acting ko, kaya nag-a-attend-attend po ako ng workshop,” saad ni Juan.

“Gusto ko po na may matutunan pa, at ma-enhance ang acting skills ko.”

Isa rin si Juan sa dalawampu’t apat (24) na finalists ng Ikatlong edisyon ng Man of the Philippines ng Star Realms Entertainment Production. Kinatawan si Juan ng City of Manila.

juan calma man of the philippines

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang koronasyon ng timpalak ay sa Hunyo 26, Linggo ng 6:00 p.m., sa KCC Convention Center, KCC Mall ng General Santos City, South Cotabato.

Ang nagdisenyo ng kanyang National Costume ay si Khandie Segovia ng Candy Kostyum. Ang HMUA/stylist sa kanyang photo shoot ay si Khiendra Salamanque.

Ang manager ni Juan ay si Teddy Olavario.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / AQ Prime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results