Rob Guinto engages in daring scenes with eight men in Virgin Forest

by Jerry Olea
Jun 24, 2022
rob guinto sexy
Rob Guinto on handling bashers: “Ako, hindi ko po kasi sinasagot, e. Pinapabayaan ko sila, e, para mas lalo silang mainis. Kasi, the more na hindi mo pinapansin, lalo silang nangungulit… Ang katuwiran ko naman po kasi, hangga’t hindi mo ako pinapakain, wala kang pakialam sa buhay ko."
PHOTO/S: @rblyngnt on Instagram

Nakakabaliw ang kapangahasan ni Rob Guinto sa pelikulang Virgin Forest.

Walang binatbat ang mga paandar niya sa previous Vivamax movies niyang Siklo, X-Deal, Boy Bastos, at Adarna Gang, maging sa seryeng High (School) On Sex.

Ibinihadhad ni Rob sa Virgin Forest ang kanyang ‘gubat,’ at ang karakter niyang si Gina ay ginahasa ng mangangahoy (Chad Solano).

Sabay-sabay na nagpasasa sa kanyang katawang lupa sina John (Markki Stroem), Eric (Ivan Padilla), at Greg (Greg Hawkins).

May tatlo pang lalaki na pumila sa kanyang alindog, at nakipagniig din sa kanya si Roger (Vince Rillon).

Si Rob ang most daring sa sexy stars ng Virgin Forest, na idinirek ni Brillante Mendoza.

“Opo! Ha! Ha! Ha! Ha! Inamin ko na! Inaangkin ko na! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Rob nang mainterbyu namin noong Hunyo 22, 2022, Miyerkules ng gabi, sa Wing Zone restaurant, Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

“Ito po ang most daring role ko so far. Parang ako po ang sumalo ng lahat ng kay Angeli [Khang]! Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit o paano siya nahikayat na mag-frontal nudity, at makatalik ang walong lalaki sa isang pelikula?

“Bago ko naman po in-accept yung project na ito, ipinaliwanag naman po. At saka nagkaroon naman po kami ng storycon,” wika ni Rob.

“Then yung mga gagawin ko. And nung nasa set na rin naman po kami, sinabi rin naman ni Direk kung ano yung role ko rin dito, kung paano yung mga magiging eksena.

“Nung una, syempre po, kinabahan po nang konti. Konti! Kinabahan nang konti!

“Pero hindi naman din po kasi kami pinabayaan ng mga staff, ng production, ni Direk Brillante, and especially po yung mga co-actors ko.”

Read: Rob Guinto, pabirong nagprotesta sa Sandro Marcos-Alexa Miro rumored romance

rob guinto virgin forest

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FOURSOME

Ni-require ba niyang mag-plaster sina Markki, Ivan, at Greg sa kanilang foursome kung saan pawang wala silang saplot?

“Actually, hindi ko rin napansin, e. Pero siyempre po, hanggang maaari, mag-plaster sana,” pagkunot-noo ni Rob.

“Pero kung hindi rin, OK lang naman din. Basta heads up-an ako, para makapag-prepare din naman ako.

“Mabilis naman po naming na-shoot yung scene na yun. Mabilis lang. Itinuro ni Direk Brillante kung ano yung step by step na gagawin.

“Wala na po kaming rehearsal. One take lang po yun. Ayaw din naman ni Direk na masyadong pinatatagal yung mga ganung maseselang eksena.”

Paano siya nag-prepare sa eksenang kinakain-kain ni Markki ang kanyang paa? Nakiliti ba siya?

Natawa si Rob, “Ha! Ha! Ha! Ha! Actually, hindi ko na rin po naramdaman yun. Kasi siyempre, pag umaarte ka na po sa scene, andun na, go with the flow na lang po talaga.

“Actually, after that scene, nagso-sorry sila. Sabi ko, ‘Wala! Wala yun! Trabaho lang tayo! Walang kaso yun!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-worry silang tatlo sa akin pero sabi ko, OK lang ako.

“Gusto ko lang po na maging komportable kami sa isa’t isa para yung kalalabasan ng movie, maging normal.”

Naka-bonding ba niya sina Markki, Ivan, at Greg?

“Opo, nagkausap-usap naman po kami off cam. OK naman po silang ka-bonding. Hindi nauubusan ng kuwento.”

ON WORKING WITH SID LUCERO

Na-excite si Rob na makaeksena si Sid Lucero sa Virgin Forest, bagamat hindi sila naglampungan.

“Privilege na makasama ang isang Sid Lucero!” bulalas ni Rob habang namimilog ang mga mata.

“Siyempre, ano po 'yan, batikang aktor. Kaya natuwa po ako na naging katrabaho ko si Timmy [palayaw ni Sid].”

Kumusta ang pakikipag-bonding kay Sid off camera?

“Masaya! Talagang… as in talagang tropa! Pag may mga problema kami sa mga scenes, tinutulungan niya,” mabilis na tugon ni Rob.

“Tina-try niyang ituro sa amin yung mga hindi namin alam. Nagtutulungan po kami sa set. And masaya, masaya po yung set.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat din ba siya sa kapangahasan ni Sid?

Yes po! Ha! Ha! Ha! Ha! Opo! Kasi siyempre, wala naman po kami nung time na yun habang tine-take yun,” pagtatapat ni Rob.

“Hindi rin po talaga namin akalain na ganun kaganda yung flow ng movie. Kaya lahat kami, talagang na-shock.”

MOST DIFFICULT SCENE

Ang pinakamahirap na eksena para kay Rob ay yung nagbaliw-baliwan siya, dahil first time niya iyon bilang artista.

“Yung mga nagawa ko pong ibang films, hindi naman po ganun. Ang hirap din, kasi, hindi mo alam kung saan mo huhugutin yun,” saad ni Rob.

“Actually, nalokah rin talaga ako sa role ko na ito! Pero natutuwa ako, kasi, dito ko parang naipakita yung iba pang mga kaya kong gawin.”

Ano ang feeling niya nang mapanood ang sarili sa special screening ng Virgin Forest sa isang mall sa Quezon City?

“Siyempre po, sobrang happy po ako. Kasi, ahhmm… iba kasi talaga pag big screen, e! Kitang-kita! Sobrang laki!” sambit ni Rob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kitang-kita yung mga galaw. And nakakatuwa, ang sarap sa feeling na mapanood mo yung sarili mo sa big screen.”

Maipagmamalaki ni Rob sa kanyang pamilya ang Virgin Forest. Hindi kaya magulat ang mga kapamilya niya sa kapangahasan niya sa movie?

“Hindi naman po. Kasi, sina Mama naman po, sobrang supportive naman sa akin pagdating sa mga ganitong linya ng trabaho,” matamang lahad ni Rob.

“Lalo na nung nalaman nila na pinasok ko ang showbiz. Talagang yung support, nandun. Walang humpay.

“Kaya yung napalabas nang ibang movies ko, ayun, lagi silang naka-support.”

vince rillon rob guinto virgin forest

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Vince Rillon and Rob Guinto

WHO IS ROB GUINTO?

Robilyn Guinto ang totoong pangalan ni Rob Guinto.

Ipinanganak siya sa Pandacan, Manila. Pangalawa siya sa limang magkakapatid.

Nag-aaral siya ng Tourism and Travel Management sa Lyceum of the Philippines University Cavite.

Taga-San Quintin, Pangasinan ang kanyang ama, samantalang taga-Biri, Northern Samar ang kanyang ina.

“Ang mom ko po, may small business sa Taguig at sa Bulacan. Computer shop po at sari-sari store,” kuwento ni Rob.

“And then yung father ko po, nagwo-work sa government.”

Breadwinner ng kanilang pamilya si Rob. Kaya ba siya nagpa-sexy sa pelikula ay dahil sa paglaganap ng pandemya?

“Hindi po. Kasi, ginusto rin naman po siya, na pumasok talaga sa pagpapa-sexy,” walang gatol na sagot ni Rob.

Pangarap ba niya talagang mag-artista?

Natigilan sandali si Rob bago nagturan, “Ahhhm, noong bata po ako, siyempre, kahit sino naman po talaga, pangarap maging artista.

“Pero hindi ko lang din po nakita yung sarili ko na darating ako sa punto na ganito, na talagang papasok ako ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, ang akin lang naman po, basta… Ako po kasi, nag-start po ako talaga sa modeling. Lumabas po ako sa iba’t ibang klaseng magasin.

“So para sa akin, makilala lang ako — Rob Guinto sa social media — sa akin po, OK na po yun.

“Pero grabe yung blessing na binigay sa akin ni Lord na mas doble pa, na hindi ko inaasahan. Unexpected po talaga.”

ON BASHERS AND HATERS

Patay-malisya si Rob sa mga nagmamaliit sa kanya porke nagpapaseksi siya sa pelikula. Hindi na siya nasasaktan.

“Kasi, talagang lumaki na rin ako sa social media. Kasi nga po, naging streamer po ako,” pahayag ng dalaga.

“Nag-start po ako bago mag-pandemic, 2019. Nagba-vlog, saka Mobile Legend.

“Hindi na po ako naha-hurt masyado sa bashers and haters. Kaya ko na po silang i-handle.”

Na-expose ba siya sa kung anu-anong proposal ng mga lalaki na naakit sa pagpapa-sexy niya?

“Siyempre po, hindi naman po siguro maiiwasan yun. Meron talaga pero hindi na lang namin pinapansin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano pag may nambabastos sa kanya online?

“Ako, hindi ko po kasi sinasagot, e. Pinapabayaan ko sila, e, para mas lalo silang mainis,” sambit ni Rob.

“Kasi, the more na hindi mo pinapansin, lalo silang nangungulit… Ang katuwiran ko naman po kasi, hangga’t hindi mo ako pinapakain, wala kang pakialam sa buhay ko.

“Basta ako, ahhm, ginagawa ko kung ano yung trabaho ko at wala akong inaapakang tao. Wala akong ginagawang masama sa ibang tao.”

Ang next na gagawin ni Rob ay ang sexy thriller na Laundromat sa direksyon ni Bobby Bonifacio. Co-stars niya rito sina Ayanna Misola, Gab Lagman, at Massimo Scofield.

Ang Virgin Forest ay streaming umpisa Hunyo 24, Biyernes, sa Vivamax. Nasa cast din nito sina Alma Moreno, Julio Diaz, Jao Mapa, Alan Paule, Erlinda Villalobos, Kat Dovey, at Micaella Raz.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Guinto on handling bashers: “Ako, hindi ko po kasi sinasagot, e. Pinapabayaan ko sila, e, para mas lalo silang mainis. Kasi, the more na hindi mo pinapansin, lalo silang nangungulit… Ang katuwiran ko naman po kasi, hangga’t hindi mo ako pinapakain, wala kang pakialam sa buhay ko."
PHOTO/S: @rblyngnt on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results