PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Davao reveals "pinaka-award" as director

He has won awards as an actor, so his next goal is the Best Director award.
by Rommel Gonzales
Published Jul 22, 2022
Ricky Davao
Ricky Davao's next goal as an artist is the Best Director trophy. He says, “Wala pa kasi akong nagiging parangal bilang direktor...As actor, iyon medyo suwerte ako dun."
PHOTO/S: @rickyad on Instagram

Tatanggap ng pagkilala si Ricky Davao ng Natatanging Gintong Parangal Bilang Pinakamahusay na Aktor at Direktor sa Industriya ng Pelikulang Filipino mula sa gaganaping Gintong Parangal 2022.

Ang tanong kay Ricky, saan siya mas natutuwa; kapag pinararangalan siya bilang artista o bilang direktor?

Aniya, “Wala pa kasi akong nagiging parangal bilang direktor.

“Although may nagawa ako before na nanalo sa Golden Dove na Best Drama, iyon lang, ako ang director nun, pero hindi naman sinabing Best Director [kundi] Best Drama.

“Naano na rin ako nun dahil ako ang director nun. As director wala pa.

“As actor, iyon medyo suwerte ako dun.

“Sa directing kasi, mostly TV ang ginagawa ko, isang pelikula pa lang ang nagagawa ko, one third of a film pa lang.

"Yung Gawad Kalinga film, Paraiso, one third nung kuwento nun, ako ang gumawa.

“So ayan, iaano ko na rin, sana somebody will ano, I dunno how, e, ngayon, kasi almost all writers become directors, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, I don’t know how to write, sinasabi ko nga kahit love letter hindi ako marunong.”

Nakausap si Ricky ng press kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Gintong Parangal 2022 nitong July 16, 2022, sa LAFPS Diner sa Judge Jimenez St. corner E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.

WINNING MOMENTS AS A DIRECTOR

Pero very rewarding pa rin para sa kanya ang maging direktor.

May mga instances kasi during taping or shooting na masasabi ni Ricky na winning moments niya.

Kuwento niya, “Ang pinaka-award ko na mataas na masasabi sa pagiging direktor, e, everytime na I shout 'cut,' and then sobra akong affected dun sa actor.

“Iyon, para sa akin, isang award na yun. Na, ‘Wow, napaarte ko siya! At ang galing!’

“And ilang beses nang nangyari sa akin yun, iyon, so iyon yung parang pinaka-award ko.

“At saka siyempre pag nagre-rate! Well let’s face it it’s still the ratings game that we follow, so iyon, pag nagre-rate yung show ko, wow, thank you, thank you, Lord!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ACTING OR DIRECTING?

May panawagan si Ricky kaugnay ng pangarap niyang makapag-direct ng pelikula.

Aniya, “So yun ang dream ko makapag-direct ng film, sana if we find a good material, paging writers!

"Gusto kong makapag-direct din ng pelikula hanggang kaya ko pa.

“Iyon. Well, we’ll see, pagka may magawang ano."

Kung halimbawang may dalawang offer na sabay ialok sa kanya, ang isa ay bilang artista siya at ang isa naman ay bilang direktor siya, ano ang tatanggapin ni Ricky?

“Depende sa material siguro, depende sa…" at tumawa ang aktor, "kung sobrang guwapo ko naman dito sa role na ito bakit hindi, di ba.”

Pero, seriously, “Kung as director naman, e, kung napakaganda nung material, minsan kasi ano rin, e.

"But first and foremost I’m an actor.

“Actor pa rin ako kahit papano, palagi kong sinasabi pag katrabaho ko yung mga veteran actors, e, sila Michael de Mesa, sila Joel Torre.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pag tinatawag sila at wala pa, ako ang lalapit, e, susuot ko yung costume nila, ‘Pag hindi nyo gagawin ito ako’ng gagawa nito!’"

Natatawang kuwento pa ni Ricky, “Ganun yung mga joke namin, e. Nangyari sa akin iyan like a month ago, I was offered a role, TV, and then directing.

“I chose the directing kasi po-promote ko na rin, it’s The Seed of Love.

"I started directing it before the pandemic, 'tapos na-shelve, 'tapos ngayon babalik na, so, of course, I said yes.

“'Tapos tinanong ako, ‘Ano ang gusto mo, mag-actor o mag-director?’

“Sabi ko, ‘I think my heart is telling me to be the director because I started with this.’

“Pero hinayang na hinayang ako doon sa project na isa kasi ang ganda rin ng role. So iyon.

“You cannot have both worlds siguro, sana hindi pa matuloy para pagkatapos makuha ko,” at tumawa si Ricky.

“Pero sobrang blessed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman binanggit ni Ricky kung ano ang pelikulang kasabay na in-offer sa kanya kung saan artista siya at hindi direktor.

Ang The Seed Of Love ay naman ay isang drama series ng GMA-7. Sa storycon nito noong December 2019, dumalo sina Mike Tan, Glaiza de Castro, Boy2 Quizon, Tina Paner, Valerie Concepcion, at si Ricky.

Samantala, ang Gintong Parangal 2022 ay gaganapin sa August 13 sa Okada Manila Grand Ballroom,

Ang chairman nito ay si Professor Jonathan Velustria Sta. Ana, na siya ring school administrator ng St. Dominic College Of Asia, at ang jury head naman ay ang actor/director/producer na si Perry Escaño.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Davao's next goal as an artist is the Best Director trophy. He says, “Wala pa kasi akong nagiging parangal bilang direktor...As actor, iyon medyo suwerte ako dun."
PHOTO/S: @rickyad on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results