Watch Now

Glaiza de Castro, Irish husband agree not to have prenup agreement: “It’s just something na we didn’t do.”

by Bernie V. Franco
Apr 14, 2022
glaiza de castro husband
Glaiza de Castro on not having a prenup agreement with husband David Rainey: "Maybe we don’t need to do that kasi madali lang naman iyon. Whatever happens, o, di, akin na ito!"
PHOTO/S: PEP.ph / @glaizaredux on Instagram

Inamin ni Glaiza de Castro na hindi siya humingi ng prenuptial agreement mula sa Irish husband na si David Rainey bago sila ikasal.

Ang prenup agreement ay kasunduan ng mag-asawa para pangalagaan ang kani-kanilang properties at assets.

Isang advantage nito ay mapapangalagaan ang properties ng babae at lalaki kung sakaling magdesisyon silang maghiwalay.

Noon lamang Pebrero 2022 inamin ni Glaiza na ikinasal na siya sa asawang businessman sa hometown nito sa Northern Ireland noong October 2021.

Sa Pilipinas kasalukuyang namamalagi ang mag-asawa, at itinatayo nila ang isang bed-and-breakfast business sa Baler, Aurora.

Si David ay may background sa coffee business.

Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Glaiza noong April 8, 2022, inusisa namin kung nagkaroon sila ng prenup agreement ni David bago ikasal.

“No. Hindi ako nag-prenup,” nangingiting sagot ni Glaiza.

Paliwanag ng Kapuso actress, nagkasundo sila ng Irish husband na huwag sumailalim ng prenup agreement.

Naniniwala raw silang hindi nila ito kailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang isa iyon sa mga bagay na… parang kung anuman yung meron ako, what I have is yours, and then what he has is mine.

“So, parang isa iyon sa mga napag-usapan namin na maybe we don’t need to do that kasi madali lang naman iyon.

“Whatever happens, o, di, akin na ito!” sabay tawa ni Glaiza.

Pagpapatuloy niya, “Wag naman dumating sa ganoon kasi parang ayoko din na masyadong yung mga legal-legal na pag-uusap, kung sa tingin niyo naman…

"I don’t know, it’s just something na we didn’t do.”

glaiza de castro wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GLAIZA TAKES PRIDE IN HER HUSBAND

Tinanong din namin si Glaiza kung ano ang adjustments na pinagdaanan nilang mag-asawa sa panahon ng pandemic.

Sa mga research, nadiskubreng nagkaroon ng malaking impact ang pandemya sa pagsasama ng maraming magkarelasyon.

“Parang mas marami ata siyang adjustments sa akin!” natatawang sagot ni Glaiza.

Pero dahil nga raw foreigner si David, kinailangan nitong mag-adjust sa pananatili sa Pilipinas.

“Nakikita ko talaga iyon from him, coming to the Philippines without any connections.

“Totally different world, totally different culture,” ani Glaiza.

Saksi raw si Glaiza kung gaano kahaba ang pasensiya ng kanyang mister.

Kapag daw nasa lock-in taping si Glaiza, inaasikaso ni David ang ina ng aktres.

“Even yung nanay ko, di ba, naka-bonding niya. So, mas nagkaroon sila ng time together, kahit na nagla-lock-in taping ako.

“Mas na-appreciate niya si David kasi he’s very thoughtful. ‘Tapos he’s very patient, kahit na pabagu-bago yung schedule ko, alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He’s very supportive.”

Mahusay rin daw sa pakikisama si David sa mga kaibigan at kamag-anak ni Glaiza.

Lahad ng aktres, “Pag ako nasa U.K., naiintindihan ko naman ang tao dahil English naman.

“Pero siya [David] totally lost talaga kapag kunwari mini-meet ko yung friends ko or kamag-anak ko.

“Di naman puwedeng i-adjust namin yung conversation namin into English lahat, kasi di naman namin first language.”

Para raw makasabay si David, sinadya nitong aralin ang Tagalog sa tulong ni Glaiza at pamilya ng aktres.

“Naging bonding na rin sa amin nag-uusap kami ng Tagalog, Filipino talaga.”

Bago at pagkatapos nilang ikasal, nasaksihan daw ni Glaiza ang pagiging consistent sa ugali ni David.

Ang magandang ipinakita raw ni David noong magkarelasyon sila ay patuloy pa rin kahit ngayong mag-asawa na sila.

Nakauunawa na rin daw ito ng Pilipino at mas nakakapagsalita na rin ng Pilipino.

Sa kabilang banda, pagbibidahan ni Glaiza ang upcoming Kapuso limited series na False Posivite, kasama si Xian Lim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on not having a prenup agreement with husband David Rainey: "Maybe we don’t need to do that kasi madali lang naman iyon. Whatever happens, o, di, akin na ito!"
PHOTO/S: PEP.ph / @glaizaredux on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results