Watch Now

Director Roman Perez Jr.: A marked man in local film festivals?

by Jerry Olea
Aug 8, 2022
roman perez jr. cinemalaya
Director Roman Perez Jr. takes a break from doing sexy movies for Vivamax to direct his passion project, the horror-thriller Kaluskos, one of the in competition entries in the ongoing Cinemalaya Independent Film Festival.
PHOTO/S: Jerry Olea

Ratsada sa Vivamax ang malulupit na mga pelikula ni Direk Roman Perez Jr. kabilang ang Hugas, Taya, Putahe, Adan, The Housemaid, House Tour, Siklo, Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, at ang forthcoming na Sitio Diablo.

Ang Vivamax’s cult director din ang nasa likod ng seryeng Iskandalo. Executive producer ng mga palabas na ito si Boss Vic del Rosario ng Viva Films.

Hindi lang pam-Vivamax si Direk Roman, kundi pan-Cinemalaya rin.

Pasok sa Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise ang horror thriller niyang Kaluskos starring Coleen Garcia.

Read: Mga direktor ng Cinemalaya 2022 entries, tinapos ang mga pelikula sa gitna ng pandemya

Sa mediacon ng Cinemalaya noong Hulyo 6 sa Main Lobby ng Cultural Center of the Philippines (CCP), nagbiro ang chairman of Cinemalaya Selection Committee na si Direk Joey Reyes.

Sa pagpapakilala ng filmmakers na kalahok sa Cinemalaya 2022, tinawag ni Direk Joey ang direktor ng Kaluskos bilang "Roman Perez del Rosario."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

roman perez jr. joey reyes cinemalaya

Roman Perez Jr. with Joey Reyes

“Nakakahiya nga po!” bulalas ni Direk Roman noong Hulyo 15 sa Wing Zone-Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

“Kasi, ang tabil naman ng dila ni Direk Joey. Baka maniwala yung mga tao na totoo yung sinasabi niya.

“Nangyari lang naman na lagi niya akong sinasabihan ng ganun, e! Kahit sa Facebook. Kahit sa Facebook!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita niyo… may mga comments. Na sabi niya sa akin, ‘Ahh, ikaw na ang paborito,’ sabi niya, ‘ikaw na ang paborito!’

“E, meron din naman siyang project with Viva. Meron din naman talaga siyang project!

“Tapos nagtatanungan kaming dalawa minsan, kasi may series siya, e. Production ng Larga Vista, production ni Direk Joey.

“So yun, nagkukuwentuhan lang kami. Tapos lagi niyang sinasabi. Dun sa isang streaming event sa Benilde, lagi niyang sinasabi sa mga student niya.

“Ewan ko, sana compliment. Ha! Ha! Ha! Ha! Pero nakakahiya dun sa mga kasabayan ko sa Cinemalaya, baka sabihin, ‘Ay, ganun?! May ganun?!’”

KALUSKOS

Pagsisiwalat ni Direk Roman, noong 2017 pa ang project na Kaluskos — bago pa siya namayagpag sa streaming platform na Vivamax na 2020 nag-umpisa.

“Tapos, 2018 ako na-approve. Saling-pusa lang kami,” paliwanag ni Direk Roman.

“Hindi kami pumasok, e. 2018, pumasok siya. Tapos apparently, nag-pandemic, natabunan na nang natabunan.

“E, during the pandemic, ako lang ang gumagawa. So, parang dapat, nauna kong nagawa itong Kaluskos before itong mga pelikula ng Vivamax, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaso, nauna nga yung ibang mga palabas sa Vivamax.”

kaluskos poster

Maninibago ang mga tumatangkilik at sumusubaybay sa mga proyekto niyang mapusok at mapangahas. Pag sinabi kasing Roman Perez Jr. ang direktor, parang equivalent iyon sa umaatikabong hubaran at harutan.

Tapos ngayon, Roman Perez Jr., nasa Cinemalaya?! Siya ba yun?!

“Ay! Iba pala!” natatawang pagsakay ni Direk Roman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, yun din po ang mga question. Hindi lang po kayo ang nagtanong. Mga sabay-sabay, e.

“Ahh, meron ding nagsabi na, ‘O, yung Kaluskos ba, may hubaran?’ E, nandiyan si Cara Gonzales. ‘Maghuhubad ba si Cara Gonzales?’

“Sabi ko, ‘Panoorin niyo po yung Kaluskos!’ Kasi, ano, e… iba rin yung karakter nung Cara Gonzales.

“Ahhm, tina-try naming lagyan ng Roman Perez feel yung Kaluskos. Ahhm, ang problema sa Cinemalaya, kapag nagpasa ka ng script, dapat faithful ka sa script.

“Late ko na nagawa si Cara na nakuha. Pero dapat faithful ka. Kung ano ang isinulat mo, yun lang ang gagawin mo sa ano.

“Kasi, babarilin nila yung screenplay. Hindi puwedeng mag-revise. Kung ano ang sinubmit mo… kunyari naglagay ako ng hubaran, bed scene, mao-offend sila.

“‘Wala naman sa script, ah?! Bakit kayo nagganito?’”

BETWEEN VIVAMAX MOVIES

Sa dami ng Vivamax projects ni Direk Roman, isiningit niya ang Kaluskos para sa Cinemalaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napangiti si Direk Roman, “Iyan din ang banggit ni Tita June [Rufino, Vivamax production head] saka nina Boss, ‘Kulang pa ba yung mga ginagawa mo dito sa amin?’

“Sabi ko, ‘It’s just that nauna po kasi naano yun, e. Matagal ko na po siyang na-pitch.’ Opo, nag-pandemic lang.

“So, naipit siya. Naipit siya sa dalawang project, e — Sitio Diablo saka itong Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili.

“Ipit sa gitna yung Kaluskos pero naisingit naman nang maayos. Kaya very thankful naman ako sa Viva dahil, ‘O sige, mag-leave ka muna, gawin mo muna.’

“Binigyan po nila ako ng time para gawin.”

Passion project ba niya ang Kaluskos?

“Opo! Passion project talaga siya. Isinali namin siya ng iba’t ibang festival, ayaw nila!” himutok ni Direk Roman.

“Babanggitin ko na! QCinema, semis kami, hindi kami isinali. Tapos isinali namin sa ibang festival, hindi kami nakakapasok.

“Tapos itong Cinemalaya, hindi kami nakapasok talaga. Saling-pusa ako, e. Hindi naman po nila ako kilala, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalo na pagka pumapasok sa festival, kinikilatis yung direktor. Si Direk Joey lang ang nakakilala sa akin. Hindi nila ako kilala, e.

“Tapos natanggal ako. Cut short ako, e. Top 20 ang kinuha, Top 21 yata ako or 22. Noong 2018.

“Tapos, nagba-backout sila unti-unti. Wala silang pera, ganyan-ganyan. Nagbago ang istorya. Umabot ng 10.

“Nakapasok pa ako sa 10! Nausog yung sampu. Siguro po, ano… handa nang makapasok yung kuwento.”

BUMPED OFF

Bakit na-bump off sa ibang festival yung Kaluskos? Masyado ba itong madugo?

“To be honest, ano po ako, e… medyo may mark ako sa mga festivals, e,” pagtatapat ni Direk Roman.

“Sinabi nila, ‘Ahh, kasi nagmi-mainstream na 'yan. Di na natin papapasukin 'yan. AD [assistant director] 'yan ni Lamangan. AD 'yan ni ganito.’

“Hindi nila ako pinapapasok, ewan ko ba kung bakit. May ganun po, e, may mark ako.”

Walang kinalaman yung materyal?

“Wala po. Minsan yung ToFarm ko po, ang lakas nun, e, yung Pokwang,” pagbabalik-tanaw ni Direk Roman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakapasok ako sa semis. Nung nalaman nila ng panel, inekis nila ako. Lagi akong naeekis!

“Semis pa lang, nasisibak na ako pag pini-pitch ko sa harap nila. Siguro, ano po, e… ahh, nai-intimidate siguro pag pini-pitch na.

“Nao-overwhelm sila. ‘Kaya ba niyang gawin?’ ganyan. E, ngayon siguro, nagbago ang mundo. Umikot.

“Umikot ang mundo. ‘Ahh, kaya pala niyang gawin!’”

Ang gala premiere ng Kaluskos ay ngayong Agosto 8, Lunes ng 3:30 P.M., sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Roman Perez Jr. takes a break from doing sexy movies for Vivamax to direct his passion project, the horror-thriller Kaluskos, one of the in competition entries in the ongoing Cinemalaya Independent Film Festival.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results