Watch Now

Putahe director Roman Perez Jr., gustong i-remake ang Virgin People ni Celso Ad. Castillo

by Jojo Gabinete
Apr 25, 2022
roman perez jr. pays homage to celso ad. castillo
Direk Roman Perez Jr. (left) on the late Celso Ad. Castillo: "Malaking impluwensiya sa akin ang mga pelikula ni Tito Celso kaya sobrang thankful ako dahil nakatrabaho ko siya. Sana kahit papaano, meron akong napulot o nagawa na galing sa kanya. Sobrang happy na ako.”

Ang Putahe, na pinagbibidahan ng sexy star na si Ayanna Misola, ang bagong movie project ng direktor na si Roman Perez Jr.

Sa digital media conference ng Putahe na naganap ngayong Lunes ng gabi, April 25, 2022, sinabi ni Perez na "homage" niya sa pumanaw na direktor na si Celso Ad. Castillo ang pelikula ni Ayanna.

Itinuturing ni Roman na mapalad ang sarili dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makilala nang personal at makatrabaho ang self-proclaimed Messiah of Philippine Movies na namayapa noong November 26, 2012.

Lahad ng direktor, “Naka-work ko si Tito Celso bago siya namatay. Nag-assistant director ako sa kanya sa isang experimental film.

"Siya ang nag-produce, nakakuha siya ng producer, and then isinali niya ako.

"Sabi niya, ‘Halika ka, sali ka.’ Sumali naman ako kasi nagka-work kami sa TV5, sa Babaeng Hampaslupa [ February 2011]. Nag-assistant director ako sa kanya.

"So, tuwang-tuwa ako noon. Fan mode ako.

"Sobrang thankful ako dahil nakatrabaho ko si Tito Celso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangangarap si Roman na gawin ang remake ng Virgin People (1984), isa sa mga pinakakontrobersiyal na pelikula ni Celso.

“Gusto kong gawin yung Virgin People. Sa lahat, Virgin People ang gustung-gusto kong gawin.

"Kasi yung Putahe, parang may texture ng Virgin People dahil tungkol din sa isang island girl.

“Sabi nga ng musical director ko, parang pinaghalong Virgin People at Sin Island ang Putahe.

“Sabi ko, oo, kasi malaking impluwensiya sa akin ang mga pelikula ni Tito Celso kaya sobrang thankful ako dahil nakatrabaho ko siya.

“Sana kahit papaano, meron akong napulot o nagawa na galing sa kanya. Sobrang happy na ako.”

virgin people 1984

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pepsi Paloma, Myrna Castillo, and Janet Bordon in Virgin People

Kung "Messiah of Philippine Movies" ang titulong ibinigay ni Celso sa sarili noong dekada ’70, "Cult Director" naman ang bansag kay Roman dahil sa mga sexy at violent projects niya.

“Niyakap ko na lang siya, hindi ko alam kung bakit. Cult director, siyempre sa branding.

“Sabi ko, 'Cult director? Ano ba yun?'

“Sabi nila, 'May following ka,'” kuwento ni Roman tungkol sa pinagmulan ng tawag sa kanya na cult director.

“Okay, sige, niyakap ko siya nang buong-buo.

"Ang sabi kasi ng ibang film reviewers, saka film critics na nakausap ko, yung mga pelikula ko, e, nagkakaroon ng fandom.

“Meaning, yung Adan [2019], cult film siya.

"Yung mga nakapanood ng Adan, kung lalake ka, kung hindi mo ito napanood, ay hindi ka lalake. May ganoon siyang fandom… underground.

“Yung Taya [2021], meron siyang fandom. Hanggang ngayon meron siyang fandom.

"So, dun na siya na-relate, ang mga ginagawa kong pelikula, nagiging cult film, so ngayon cult director ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa niya, “Hindi ko alam, baka branding ito, pero niyakap ko na siya.

“Natutuwa rin ako dahil na-tap ko yung masa. Nayakap natin yung mga gusto ng masa.

"Baka yun ang naging key, nagkaroon ka ng fandom at naging kulto sila dahil kapag narinig nila yung Roman Perez Jr., alam na nilang may gagawin ako [na kakaiba].”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Roman Perez Jr. (left) on the late Celso Ad. Castillo: "Malaking impluwensiya sa akin ang mga pelikula ni Tito Celso kaya sobrang thankful ako dahil nakatrabaho ko siya. Sana kahit papaano, meron akong napulot o nagawa na galing sa kanya. Sobrang happy na ako.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results