Kim Chiu and Xian Lim explain why calls and texts are important to their relationship

by Rose Garcia
Sep 18, 2022
kim xian presscon
Real-life sweethearts Kim Chiu and Xian Lim reunite on the big screen via the Pinoy adaptation of the hit Korean movie Always.
PHOTO/S: @xianlimm / @chinitaprincess on Instagram

Pagkatapos ng halos walong taon na hindi nagkasama sa big screen, balik-tambalan ang real-life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim sa Pinoy adaptation ng Korean hit film na Always.

Base sa titulo ng pelikula, tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sina Kim at Xian kung ano ang "always" na nami-miss nila sa isa’t isa.

Natawang pag-amin ni Kim na may pagka-praning siya.

“Always nami-miss kapag hindi siya tatawag sa akin,” sabi ng Kapamilya actress.

“Kapag hindi siya tumatawag or nagte-text, kinakabahan na talaga ako. Kasi, always kaming nagtatawagan or nagpe-Facetime or nag-a-update kung nasaan siya.

“Kapag hindi na siya nagte-text, dun na. Kasi, wala na yung always call, e. Kapag hindi siya nagme-message, kabahan talaga ako.”

Gaya ni Kim, nami-miss daw ni Xian ang girlfriend kapag hindi niya narinig ang boses nito sa umaga.

Lahad ng Kapuso actor, “Halos the same din, pero for me, specifically kapag hindi nakapag-good morning si Kim. Very important sa akin na marinig ang boses niya pagkagising namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, I already know, alam ko na ang schedule ni Kim na meron siyang trabaho in the morning. So, right after mamulat ang mga mata ko, parang kailangan kong marinig ang good morning niya.”

Sabi pa ni Xian, “I just have to feel that ray of sunshine.”

Biro naman ni Kim na natatawa, “I just have to know na buhay pa siya!”

Dugtong pa ni Xian, “Ang sarap lang sa pakiramdam na yun ang parang pinaka-kape ko. Malakas pa sa kape.”

Nakausap ng PEP.ph at iba pang entertainment press sina Kim at Xian sa media conference ng Always na ginanap sa Le Reve Events Place, sa may Quezon City, noong September 15, 2022.

WATCHING THE ORIGINAL KOREAN VERSION

Ang Always ay base sa 2011 hit Korean film na pinagbidahan nina So Ji Sub at Han Hyo Joo.

Ayon kina Xian at Kim, napanood lang nila ang original Korean film nang ialok sa kanila ng Viva Films ang Pinoy adaptation nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong nabanggit lang po ang pelikula, saka namin ni-research,” pakli ni Xian.

“Noong pinanood ko, inisip ko, sabi ko, parang puwede. Siyempre, hindi naman automatic na ako ‘yan. Puwedeng ako ang character ng lalaki, swak na swak.

“Pero definitely, just the consideration or opportunity na naisip ni Viva at i-cast po ako and si Kim, meant a lot to me.

“And kumbaga, nakakataba naman ng puso na sa dami po ng artists, marami pong artista ngayon, kami po ang dalawang naisip nila.

"Kaya sabi ko, that’s great. Parang we can work on this material."

Katulad ni Xian, kailan lang din napanood ni Kim ang Korean version ng Always.

Kuwento ng It's Showtime co-host, “Noong in-offer ‘to, hindi ko pa siya napanood. Pinapanood lang nila Tita June Rufino sa akin yung movie kasi wala pa siya sa Netflix nung time na ‘yon.

“Actually, ini-offer ‘to after Love Thy Woman [2020] na teleserye namin. And yun nga, mahabang talakayan, umabot ng years hanggang sa nakapag-shoot nga kami this year lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinanood ko, parang naano ko… kasi hindi pa ako nakakagawa ng ganun. Sa MMK [Maalaala Mo Kaya] siguro, kaya yun, pero sandali lang. But this time, sa isang pelikula, parang kaya ko naman sigurong aralin.

“And never akong nabibigyan ng ganitong genre ng movie so far, palaging rom-com, comedy, horror. Hindi pa ako nabibigyan ng simpleng kuwento na heartfelt lang.

"So, yun, na-happy naman ako."

Ibinuko pa ni Kim na pinaghandaan na raw agad ni Xian ang karakter nito bilang isang boxer kahit hindi pa sigurado kung matutuloy ito.

Lahad ng aktres, “Noong nalaman ni Xian, the next day, nag-aano na siya… sabi ko, 'Wala pa nga tayong shooting.' Sabi ko, 'Di pa nga natin alam kung puwede na ba akong gumawa ng movie sa Viva.'

“Sabi ko, ‘Anong nangyari sa ‘yo?' So yun, ‘eto na kami… tapos na ang movie.”

Mula sa direksiyon ni Dado C. Lumibao, ipalalabas ang Always sa mga sinehan simula sa September 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Real-life sweethearts Kim Chiu and Xian Lim reunite on the big screen via the Pinoy adaptation of the hit Korean movie Always.
PHOTO/S: @xianlimm / @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results