Kilala ang aktor na Gold Aceron na hindi nangingiming gumawa ng daring scenes sa pelikula at maging sa digital series.
Sa 2019 movie na Metamorphosis ay may frontal nudity siya, at sa Scorpio Nights 3 (2022) ay gumamit siya ng prosthetic penis.
Mapangahas din ang mga eksena niya sa mga BL series na Unlocked (2021) at Love At The End of the World (2022), at sa mga pelikulang May-December-January (2022) at Selina's Gold (2022).
Read: Gold Aceron all-out in doing daring scenes
Bakit kahit tila nagsisimula pa lang ang career niya ay napapayag siya agad maging daring sa projects niya?
Paglilinaw ni Gold, “Kasi ang tagal ko ng nag-start. I was eight po nung nag-start ako sa film industry, extra pa lang po, padaan-daan, pa-guest-guest.
“Parang nung dumating yung time na ibinigay sa akin yung audition ng Metamorphosis, before nun napaisip na ako ilalaban ko na to.
"Kasi hindi naman siya kagrabe, and intersex siya. Napakalaking bagay na malaman ng mga tao, which is kahit nga po ako hindi ko po siya alam noon, sabi ko, ‘Ano po ‘tong intersex?’
"Twenty-one na ako nun. So, nung nalaman ko siya, sabi ko, ‘Ay, grabe, iba ‘to! Baka kung saan ako madala nito.’
“And salamat sa Diyos, iba nga po yung nabigay niyang tulong sa akin, sobrang thankful po ako kay God sa lahat ng blessings.
"After nung tinanggap ko yun, parang after nung next project ko, parang sinabi ilalaban ko na lahat.
"Kasi yun din naman, e, yung iba nga nagbi-billboard pa nang nakahubad, ako pa kaya?
"Tsaka lahat naman tayo nasa sarili natin kung ibibigay mo ba or ayaw mong ibigay. E, ako kasi yung tipo ng tao na ibibigay ko.”
Matapos ang ginawa niya sa Metamorphosis, hanggang saan pa ang kayang “ibigay” ni Gold sa pagiging daring?
“Depende kasi kung saan aabot yung pinakarurok ko," tugon ng 24-year-old actor.
"Feling ko, hindi natin masasabi, pero depende po siya, kung ano po yung maibigay sa akin at the time na yun kung ano man yun.
“Nandoon siya, e, nandoon yung desisyon ko kung o-oo ako o hindi. Ang hirap lang pong banggitin ngayon kung ano yung desisyon ko, kasi mahirap na, baka hindi ko mapanindigan.”
Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Gold sa mediacon ng stage play na Dick Talk sa The Nautilus Whiskey Bar sa Quezon City, noong November 30, 2022.
OLDER THAN HE LOOKS
Kung titingnan si Gold ay mukhang teenager pa lamang siya physically. Advantage ba iyon sa kanya as an actor, na he looks very young for his age?
Saad niya, “Nung una… nung hindi pa ako talaga nabibigyan ng kahit papaanong mga raket, mga projects, para sa akin nada-down ako dun na, ‘Bakit ang liit-liit ko?’
"Siyempre feeling ko nabibigay sa aking role puro young, puro bata ako, puro bully-hin.
"And iyon, nakita ko yung pagbabago nung… sa katawan pala mababago mo siya, sa pag-arte mo mababago mo pala siya.
"Kahit maliit ka pero kinarir mo yung character, minahal mo siya, maipapakita mo sa monitor or sa screen yung character na hindi ka na bata, na kaya mo pala to, parang ganun.”
DICK TALK
Isa si Gold sa mga bida sa upcoming erotic stage play na Dick Talk.
Gaganap siya rito bilang si Gaylord Salvador Jr. o Junjun.
Si Jake Cuenca naman ang gaganap bilang si Peter North Tevez, si Nil Nodalo bilang si Dayanara Mae Robles o Rob, at si Mikoy Morales bilang si Maria Cecilio de Jesus o Cecille.

(From left) Nil Nodalo, Gold Aceron, Mikoy Morales, Jake Cuenca, director Phil Noble, and producer Eboy Vinarao
Paano siya nalapitan na kunin for the project?
Lahad ni Gold, “Actually, binoses po siya sa akin ng manager ko, si Kean Cipriano.
"Then, binoses po nila sa akin to, sinabi po, binigay po nila sa akin yung details na ito po, teatro. And sabi ko bago na naman po sa akin kasi…”
Hindi pa ba nakapag-teatro si Gold?
"Nag-teatro po? Nag-teatro po ako dati, Basilio at Crispin, ako po si Basilio dun.
“Then, ayun, tinanggap ko siya [Dick Talk] kasi gusto ko nga din pong mag-represent ng mga nag-e-explore ng libog. Kasi napagdaanan ko din dati, so alam mo yung curiosity namin about sa mga titi.
“So, nag-go talaga ako sa kanya kasi iba rin yung teatro, e, parang mahahasa pa lalo yung acting skills mo,” pahayag niya.
Ang Dick Talk ay mula sa direksiyon ni Phil Noble. Produced ito ni Eboy Vinarao ng V-Roll Media Ventures in cooperation with Trifecta Brand Lab headed by Tristan Cheng.
Mapapanood ang Dick Talk sa April 14 (critics/preview night), April 15, April 16, April 18, April 19, April 20, April 21, at April 23 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.
