Gold Aceron diretsong sinagot ang tanong na “gay o straight?”

by Jojo Gabinete
Oct 3, 2022
gold aceron
Actor Gold Aceron on portraying characters: “Hindi ako namimili ng karakter o kapareha. Trabaho kasi ito, trabaho ko siya."
PHOTO/S: @golddaceron on Instagram

Kung tumanggi si Kych Minemoto na sagutin ang prangkang tanong kung gay o straight siya, “Straight!” naman ang walang pag-aalinlangang sagot ni Gold Aceron.

Si Gold ang co-star ni Kych sa pelikulang May-December-January, na magbubukas sa mga sinehan sa October 12, 2022.

Tiyak na mapapaluha ang mga manonood dahil sa mahusay na direksyon ni McArthur Alejandre.

Ang kuwento ng pelikula ay isinulat ni Ricky Lee, ang National Artist for Film and Broadcast Arts.

Pamilyar sa marami si Gold dahil nag-umpisa ang acting career nito noong anim na taon pa lamang siya.

At ngayong 24 years old na siya, saka pa lamang niya nararanasan na magbida sa Scorpio Nights 3 at May-December-January.

Maraming ginampanang roles si Gold bilang young version ng mga main roles na ginampanan ng mga kilalang aktor.

Ani Gold, “Young Kean Cipriano po ako sa Dolce Amore, naging young Rocco Nacino, young Aljur Abrenica, young Dennis Trillo

“Kung sinu-sinong young…” kuwento ni Gold.

Isa itong fun fact, dahil si Kean na ang namamahala ngayon sa showbiz career niya.

Ipinaalaala rin ni Gold na ang karakter niya sa Dolce Amore ang nagbigay ng palayaw na “Ten-Ten” sa role ni Enrique Gil.

Dahil maagang nasabak sa pag-arte, hindi nakapagtatakang mahusay sa pag-arte si Gold, na kanyang muling pinatunayan sa mga eksena niya sa May-December-January.

Si Gold ang gumaganap na kaklase at matalik na kaibigan ng karakter ni Kych sa pelikula.

Nagkaroon siya ng lihim na pagmamahal kay Kych, na may relasyon sa kanyang ina, na ginampanan ni Andrea del Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtapat ni Gold na naging epektibo ang kanyang pagganap dahil sa panggagaya niya sa kilos at pananalita ng isang kaibigan.

“Kinopya ko ang galaw niya, yung acting niya.

“Hindi ako namimili ng karakter o kapareha. Trabaho kasi ito, trabaho ko siya.

“Kailangan kong gawin. Kailangang ibigay nang buo dahil hindi ito basta-basta laro,” ani Gold.

gold's thoughts on love

Nangangarap siya na makagawa ng romantic movie dahil isang malaking hamon ito para sa kanya.

“Gusto ko na gumawa ng rom-com movie. Feeling ko dun ako mahihirapan kasi hindi ko pa nararanasan na iwan ng tao na minahal ko.

“Never pa ako nasaktan dahil iniwan ako.

“Hindi sa nagmamayabang pero mabait kasi ako. Feeling ko kaya hindi ako iniiwan dahil mabait ako.

“Marunong akong sumabay sa gusto nila, intindihin sila.

“Hindi ako basta binibitawan. Ang mga binibitawan lang, yung mga tagilid, di ba?"

Siya raw ang tipo ng maunawaing karelasyon.

“Ang mga relasyon kaya hindi nagtatagal dahil sa isang mag-partner, merong isang mabigat na hindi matangay ng isa.

“Ako kasi, sobrang adjustable na tao.

"Kaya kitang intindihin kahit hindi mo ipaintindi.

“Kapag hindi maintindihan, iintindihin ko. Kapag hindi ko pa rin maintindihan, pipilitin ko na intindihin.”

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Gold Aceron on portraying characters: “Hindi ako namimili ng karakter o kapareha. Trabaho kasi ito, trabaho ko siya."
PHOTO/S: @golddaceron on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results