PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon takes back what he said about daring roles

"Sino ba naman ako para, di ba, kung hindi ko gagawin yung pelikula..."
by Rommel Gonzales
Published Dec 17, 2022
Allen Dizon tackles another daring role in the Vivamax movie An Affair to Forget, where he does love scenes with co-stars Sunshine Cruz and newbie actress Angelica Cervantes.
PHOTO/S: Glenn Regondola

Mukhang nagbago ang isip ni Allen Dizon tungkol sa pagpapaseksi.

Sa isang panayam kamakailan ay sinabi ng aktor na ayaw na niyang magpaseksi dahil malalaki na ang kanyang mga anak. Hayaan na raw sa mas nakababatang mga artista ang paghuhubad.

Kaya naman nakagugulat malaman na may pelikula si Allen para sa Vivamax, kung saan halos puro sexy at daring ang mga ipinapalabas.

Kasama ni Allen sa An Affair to Forget sina Sunshine Cruz at Angelica Cervantes. Ang director ng pelikula ay si Louie Ignacio, at produced ito ng 3:16 Media Network ni Len Carrillo para sa Vivamax.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom noong December 11, 2022, nilinaw ni Allen ang kanyang mga naunang binitawang salita.

Aniya, “Actually, hindi naman siya ganun ka-daring, yung ginawa namin ni Sunshine tsaka ni Angelica.

"Although nasabi ko nga before na hindi muna ako gagawa ng mga sexy films, pero biglang dumating yung offer dito kay Ma’am Len and nalaman ko nga na Vivamax."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-aralan naman daw muna ni Allen ang offer.

“Siyempre tinanong ko muna kung ano yung role, ano yung script, so kailangan ko munang basahin yung script. And tinanong ko kung sinong direktor, so Direk Louie Ignacio naman ang direktor."

Nag-decide sila ng kanyang manager na si Dennis Evangelista na tanggapin ang role dahil sa tiwala nila sa direktor ng pelikula.

Patungkol ni Allen sa kanyang manager, "Sabi niya ok naman yung role and siguradong aalagaan naman ni Direk Louie yung mga sexy scenes namin, so nagtiwala ako kay Direk."

Itinuturing naman ni Allen na isang "blessing" ang pelikula.

"Sino ba naman ako para, di ba, kung hindi ko gagawin yung pelikula, dahil kahit papaano trabaho naman iyan, it’s a blessing."

working with sunshine cruz, Angelica Cervantes

Isa rin sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Allen ang project ay makakasama niya rito si Sunshine Cruz.

Allen Dizon and Sunshine Cruz in An Affair To Forget

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okay naman yung role namin ni Sunshine, okay naman yung mga scenes namin and maganda naman yung role ko.

"Kaya pinag-usapan nga namin ni Dennis na gawin na namin ito, tutal okay naman yung role and with Sunshine and Direk Louie, so ayun, natapos namin nang maayos.”

May love scene sina Allen at Sunshine sa pelikula. Nag-usap ba ang dalawa bago nila ginawa ang kanilang intimate scene?

Pagtitiyak ni Allen, “Oo naman, and si Direk Louie, kaming tatlo nag-usap kami kung paano yung execution, paano namin ginawa yung mga love scenes namin.

"And alam naman ni Direk Louie kung ano yung mga limitations naming dalawa. Ako may limitations, si Sunshine meron din."

Nagkaroon din ng love scene si Allen kasama ang newcomer na si Angelica Cervantes.

Sabi ni Allen tungkol sa kanyang newbie co-star, "Of course si Angelica, newcomer si Angelica, yung role niya mas… kumbaga mas willing siyang magpakita ng mga ano niya… kumbaga mas sexy compared kay Sunshine.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit na baguhan si Angelica ay hindi naman daw nagulat si Allen na mapangahas ang mga eksena ng newcomer sa pelikula.

Paliwanag ni Allen, “Ako… hindi naman, hindi naman masyadong nagulat, kasi alam naman natin na pag ganyan, siyempre daring naman talaga na gawin yung mga pelikulang ganito.

"And alam naman nila na ang manager nila ay Vivamax, kumbaga nakundisyon na yung mind nila na yung role nila na may mga kailangang makita sa kanila.”

most daring role

Inamin ni Allen na noong una, hindi niya alam na para sa Vivamax ang pelikulang An Affair to Forget.

“Hindi ko nga alam na Vivamax ito, e, kumbaga sinabi lang ni Dennis na pang Vivamax ito nung nag-start na kami.

"Pero okay naman, wala namang problema sa akin, kumbaga lahat naman gumagawa ng pelikula and blessing pa din na may trabaho, di ba?”

Unang pelikula niya ito para sa Vivamax. Masasabi ba ni Allen na ito ang pinaka-daring na role sa kanyang buong career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa ngayon… sa mga pelikula ngayon, siyempre ito na yung pinaka-daring. Kasi matagal na akong hindi gumagawa ng mga pelikulang may love scene, so ngayon lang ulit, after siguro mga ilang years, mga fifteen years ago, ganun.

“So at least, di ba, at my age, I’m forty five, may mga ganitong offer pa din sa akin. And hindi naman siya ganun ka-bold, hindi siya ganun ka-sexy, although alam naman natin na Vivamax iyan, siyempre ang ine-expect ng mga tao mas ano yung expectations nila.

"Pero iba naman yung ginawa namin sa pelikula, parang okay naman yung ginawa namin sa pelikula.”

Malaking bagay din na si Direk Louie ang director ng pelikula, at tinuturing ito ni Allen na isang matinong director.

“Iyon yung number one, at least maganda yung role, maganda yung story, and hindi lang basta naghuhubad, at least ito may story talaga.”

Kasalukuyang humahakot ng awards ang isa pang pelikula ni Direk Louie na Broken Blooms. Umaasa ba si Allen na sa bagong pelikula ni Direk Louie ay madagdagan ang 48 acting awards niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumawa muna si Allen bago sumagot.

“Kumbaga iba, magkaiba dun sa mga ginawa ko before.

“E, alam naman natin na hindi ako nag-e-expect sa mga award-award na iyan. Kumbaga kahit papaano naman… siyempre kung ano yung gusto ng mga critics, kung ano gusto ng mga tao, so sila pa din ang magde-decide.

“Ako naman ginagawa ko yung best ko every film na ginagampanan ko, pinag-aaralan kong mabuti, pinaghahandaan ko kung ano man yung ibibigay sa akin.”

Walang entry sa Metro Manila Film Festival si Allen, pero may pelikula siya sa December 23. Biro namin sa kanya ay inunahan pa niya ang filmfest sa December 25.

Muling tumawa si Allen bago sumagot.

“Oo, mas nauna pa itong pelikula namin ni Sunshine at Direk Louie.

“Actually, tapos na yung pelikula, tapos na, streaming na namin sa December 23."

Masusundan ba ang paggawa niya ng pelikula para sa Vivamax?

“Hindi ko alam, e, siguro depende na lang sa offer, sa role, sa direktor, sinong kasama sa cast.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon tackles another daring role in the Vivamax movie An Affair to Forget, where he does love scenes with co-stars Sunshine Cruz and newbie actress Angelica Cervantes.
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results