PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Broken Blooms vs Avatar: The Way of Water at the box office

Suportahan kaya ng mga Pinoy ang Broken Blooms?
by PEP Troika
Published Dec 5, 2022
broken blooms
Director Louie Ignacio (center) with Broken Blooms stars Therese Malvar and Jeric Gonzales.

JERRY OLEA

Makikipagsalpukan ang pelikulang Broken Blooms ni Direk Louie Ignacio sa Avatar: The Way of Water umpisa Disyembre 14, 2022, Miyerkules, sa local cinemas.

“Ang magagawa ko lang na panawagan ay tangkilikin ang sariling atin,” sambit ni Direk Louie matapos ang Philippine premiere ng Broken Blooms noong Disyembre 3, Sabado ng gabi, sa SM North EDSA, Quezon City.

“At tulungan natin ang industriya na makabangon. Huwag po nating pabayaan kasi marami ang umaasa na mga manggagawang taga-industriya, na makabangon muli ang ating industriya.”

Read: Broken Blooms all set for local screening after harvest of global awards

Ipalalabas ang Broken Blooms bago ang 48th Metro Manila Film Festival (Disyembre 25-Enero 7), habang naghahanda na ang mga tao sa Pasko.

Malungkot ang istorya ng Broken Blooms. Swak ba ang playdate nito sa holiday season? Malaking challenge para hikayatin ang Pinoy moviegoers na tangkilikin ito.

“Ahhm, bago mag-Pasko, itong pelikula kasing ito, ano, e… ahhm, hindi siya namimili ng season kung kailan ipapalabas,” tugon ni Direk Louie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ito, ipapalabas namin ito dahil gusto naming magkaroon ng awareness at makatulong kami sa mga taong maraming tanong sa buhay.

“Maraming makaka-relate sa pelikula. At higit sa lahat, gusto naming tumulong sa pelikulang Pilipino na maibalik muli ang pelikula. Yun ang purpose namin.

“Hindi yung ang Avatar ay andito pero wala tayong pelikulang Pilipino. Gusto namin, pag merong foreign film, meron ding Pinoy. Pantay lang, kaya sana suportahan tayo ng mga Pilipino.”

Ang Broken Blooms ang unang pelikula na bida ang Kapuso hunk actor na si Jeric Gonzales, na ipinasilip ang makinis niyang puwet sa pelikula.

Nasa cast din sina Jaclyn Jose, Therese Malvar, Royce Cabrera, Boobay, Lou Veloso, Mimi Juareza, Ivan Austria, at Rico Barrera.

GORGY RULA

Kuwento ng kahirapan ang Broken Blooms kaya bentang-benta ito sa ilang international film festivals dahil gusto nilang panoorin ang kahirapan ng ating bansa.

May ilang bansang naka-relate dahil parang katulad din daw ng nangyayari sa kanila. Kagaya ng bansang Brazil kung saan isinali ang pelikulang ito sa Brasilia International Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawaran ng Special Jury award ang naturang pelikula na personal na tinanggap ni Direk Louie Ignacio. Hinanap nga raw roon si Jeric dahil nagagalingan daw sila sa Kapuso actor.

Sabi ni Direk Louie, “Malakas yung naiwang performance ni Jeric sa pelikula doon sa Brazil.

“Saka malapit kasi sa kanila. Parang magkapareho yung kultura at kulay ng Brazil at ng Philippines.

“So, malapit sa puso nila. Kaya ayun, pinanalo nila tayo ng Jury prize sa festival sa Brazil.”

Kasali rin ang Broken Blooms sa Saskatchewan International Film Festival sa Canada.

Siyanga pala, nanguna pa rin sa takilya ng North America ang Black Panther: Wakanda Forever nitong Disyembre 2-4. Four consecutive weekends na itong number 1 sa box office ng US at Canada. Lumampas na sa $700M ang worldwide gross nito.

Noong Sabado na nag-premiere ang Broken Blooms sa Cinema 2 ng The Block, ang Black Panther: Wakanda Forever ay showing sa IMAX at dalawang Director’s Club ng SM North EDSA. Iyong ibang movies ay sliding na.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Disyembre 7 ay showing na sa local cinemas ang Plan 75, Call Me Papi, Puss in Boots: The Last Wish, at ang 2019 TV movie na A Mermaid for Christmas.

NOEL FERRER

Kapapanood ko lang ng Triangle of Sadness nitong weekend at napakagandang pelikula na nanalo ng Palme d’Or (ang highest award) sa prestihiyosong Cannes Film Festival — at lalabindalawa lang kami sa sinehan. Nakakalungkot.

Sana, mahigitan pa ito ng Broken Blooms, at patunayang may panghatak sa takilya sina Jeric Gonzales at Teri Malvar kahit papaano.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Louie Ignacio (center) with Broken Blooms stars Therese Malvar and Jeric Gonzales.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results