PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla wants to ban movie Plane in PH

"Hindi po ito dapat ipinapalabas sa Pilipinas."
by Jojo Gabinete
Published Feb 16, 2023
robin padilla gerard butler plane
Senator Robinhood Padilla (left) on Hollywood film Plane starring Gerard Butler: “Dito sa pelikula, sinasabi na ang atin pong awtoridad ay naduwag na sa mga rebelde. Hindi na po sila umaaksyon... Hindi po ito dapat ipinapalabas sa Pilipinas. Dito po dapat sa ating bansa, ipinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito.”
PHOTO/S: Robinhood Padilla Facebook / Lionsgate

Ang ihinto ang pagpapalabas ng Hollywood movie na Plane sa mga sinehan sa Pilipinas ang resolusyong isinusulong ni Senator Robinhood Padilla.

Ayon kay Padilla, nakasisira umano sa imahe ng Pilipinas ang mga eksena at kuwento ng intense action movie ni Gerard Butler (300) na naipalabas na sa ating bansa noong January 2023, ilang araw matapos ang 48th Metro Manila Film Festival.

plane poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, February 15, nagsalita si Padilla sa Senado at hiniling niya kay Senate President Juan Miguel Zubiri, pati ang tulong ng Movie and Review Classification Board (MTRCB), na i-ban ang Plane sa Pilipinas.

Pahayag ng actor-politician, “Kapag tayo, kapag pinag-uusapan natin ang bayan natin at yung mga diperensiya, okay lang yan kasi trabaho po natin yon.

"Pero kapag ibang bansa na po ang bumabanat sa atin, hindi po tayo dapat pumapayag.

"Katulad po ng may ganap na isang pelikula ang ipinalabas, isang pelikula po na ang title ay Plane.

“Ang bida po rito ay si Gerard Butler. Ang istorya po rito, sila po ay nag-crash sa Sulu, sa Jolo."

Hindi raw matanggap ng senador na ipinakita sa mga eksena ng Plane na walang kakayahan ang Philippine military na sugpuin ang mga gawaing masasama ng mga rebelde.

"Alam niyo po napakasakit," sabi ni Padilla.

“Dito sa pelikula, sinasabi na ang atin pong awtoridad ay naduwag na sa mga rebelde. Hindi na po sila umaaksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At sinabi pa dito, ‘They went down somewhere down in the Jolo cluster. It’s run by separatists and militias. The Filipino armies weren’t there anymore.’"

Apela pa ni Padilla kay Zubiri, “Ginoong Pangulo, hindi po ito dapat natin tanggapin.

"Sana po, nakikiusap ho tayo sa ating MTRCB na sana po sa mga ganitong ganap, kumakatok po tayo sa opisina nila. Hindi po ito dapat ipinapalabas sa Pilipinas.

“Dito po dapat sa ating bansa, ipinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito.”

Nakiayon kay Padilla ang kapwa nito senador na si Ronald "Bato" dela Rosa, na hindi rin umano natuwa nang panoorin niya ang Plane.

Saad ni Dela Rosa, “Last night, I really watched the movie Plane and I was very much disgusted because according to Gerard Butler, they crash landed somewhere in Davao, in southern Philippines. Before they were able to determine their exact location that was Jolo.

“It really painted a bad image sa ating bansa dahil nga [sa] Davao, wala kang makita na ganoong klaseng lugar na may mga rebelde na ganoon katindi na namumugot ng ulo without apparent reason. Pinupugutan ng ulo yung mga foreigner.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Parang through that movie, tinatakot ng filmmakers na yon yung ating mga dayuhan na turista na pumunta dito sa Pilipinas, particularly sa Davao at Jolo islands.

“Medyo masaya lang ako konti sa palabas na yon dahil ipinakita nila na yung mga ELCAC roads na ginawa dun sa Mindanao, e, puwede pala mala-landingan ng commercial plane at puwede pang mag-take off doon. Kaya yun lang ang positive point ko na nakita.”

Kung babalikan ng senador ang kasaysayan at mga tunay na pangyayari noong May 2001, maaalaala niya ang pag-kidnap ng mga rebeldeng Pinoy sa mga turistang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan.

Kabilang sa mga hostage victim ang Puerto Rican-American tourist na si Guillermo Sobero mula sa California na pinugutan ng ulo, at ang missionary couple na sina Gracia at Martin Burnham.

Hindi lamang si Sobero ang biktima ng pamumugot dahil may mga Filipino hostage ding pinugutan ng ulo ng mga terorista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nailigtas si Gracia ng mga militar mula sa kamay ng mga terorista noong August 2002. Pero sa kasamaang-palad, nabaril at binawian ng buhay si Martin at ang Filipino nurse na si Ediborah Yap.

Mapapanood sa isang eksena ng Plane ang panayam kay Gracia sa telebisyon kaya mahihinuha ng manonood na nangyari noong early 2000 ang kuwento ng pelikula ni Butler, na gumanap na pilot in command ng commercial plane na nag-crash landing sa Mindanao.

Para rin sa kaalaman ni Dela Rosa, bagamat Pilipinas ang setting ng pelikulang Plane, kinunan ang mga eksenang nag-crash ang eroplano na pinipiloto ni Butler sa bansang Puerto Rico. Kinunan ang pelikula simula noong August 2022.

Inilahad ni Zubiri na hindi nito napanood ang Plane pero nakita niya ang trailer ng pelikula ni Butler na kanyang ipinapanood kay President Ferdinand Marcos Jr. "In shock" umano ang Pangulo sa nasaksihan.

“We should send our regrets dahil as a nation, we should send our regrets na this is not the real situation on the ground,” reaksiyon ni Zubiri sa mga pahayag ni Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I deeply sympathize with you and I agree with you. As a matter of fact, meron pong bagong pelikula na ilalabas and this movie is about Hesus Kristo, ang ating mahal na Hesus Kristo who is also a prophet in the Quran of our Muslim brothers.

“I saw the message on the Facebook page of Senator Bato dela Rosa. Let’s make it a point na i-ban natin yan dito kasi it paints our Father Jesus Christ in a bad light in that movie.”

Nangako si Zubiri na pangungunahan niya ang pagpapahinto sa pelikula na kanyang tinutukoy.

“If there’s a movie that puts Allah in a bad light, siguro nagkarebolusyon sa ating mga kapatid na Muslim.

“We should also stand united when it comes to our faith,” sabi ni Zubiri.

Plano ng Senate President na hilingin sa MTRCB na i-ban ang pelikula tungkol kay Hesus Kristo na hindi niya matandaan ang pamagat. May mga hinalang maaaring ang Jesus Revolution, na ipalalabas sa mga sinehan sa February 24, ang kanyang tinutukoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jesus revolution poster

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Robinhood Padilla (left) on Hollywood film Plane starring Gerard Butler: “Dito sa pelikula, sinasabi na ang atin pong awtoridad ay naduwag na sa mga rebelde. Hindi na po sila umaaksyon... Hindi po ito dapat ipinapalabas sa Pilipinas. Dito po dapat sa ating bansa, ipinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito.”
PHOTO/S: Robinhood Padilla Facebook / Lionsgate
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results