PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla, gagamitin ang tunay niyang pangalan sa Senado

Meet Senator Robinhood Padilla...
by PEP Troika
Published Jul 12, 2022
robin padilla
Inanunsiyo ng opisina ni Robin Padilla ang kagustuhan nitong i-address siya bilang Robinhood C. Padilla sa lahat ng transaksiyong may kinalaman sa kanyang pagiging senador.
PHOTO/S: YouTube

GORGY RULA

Nakakuha ng kopya ang PEP Troika ng sulat mula sa tanggapan ng actor-politician na si Senator Robin Padilla para sa tanggapan ni Senate Secretary Atty. Myra Marie D. Villarica.

Ang nakasaad sa naturang liham: “This is to respectfully inform your good office of this Representation’s preference to be addressed as ROBINHOOD C. PADILLA for all Senate communications and correspondences.”

Ito naman ang tunay na pangalan ni Senator Robinhood Padilla dahil screen name niya ang Robin Padilla, kahit ito ang pangalang nagpanalo sa kanya sa nakaraang eleksyon.

Sa ngayon ay naka-focus muna ang senador sa kanyang bagong responsibilidad sa Senado. Mukhang wala pa siyang balak na bumalik sa pag-aartista.

Pero ang tanong ng karamihang taga-movie industry, ano kaya ang maisasabatas niyang makakatulong sa entertainment industry?

Sabi nga ni Direk Joel Lamangan, hindi na industriya ngayon ang movie industry dahil hindi na ito kumikita sa ngayon.

Inaasahang may magagawa ngayon ang mga mambabatas nating taga-entertainment industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Robin Padilla, nagpaliwanag kung bakit di kasama si BBM sa mga "alas" na nagpanalo sa kanya

JERRY OLEA

Robinhood Padilla ang actor-politician sa Instagram, pero sa Facebook ay Robin Padilla pa rin.

Sa official records ng Senado, siyempre ay Robinhood siya dahil iyon ang tunay niyang pangalan — bagamat may Muslim name siyang Abdul Aziz.

Ang gusto pa rin naman niyang itawag sa kanya ng mga tao at kaibigan ay Robin, o kaya ay palayaw na Binoe.

Naalala ko tuloy ang dialogue ni Juliet kay Romeo sa Act II Scene II ng dulang Romeo and Juliet ni William Shakespeare (1564-1616), “What's in a name? That which we call a rose by any other name would smell as sweet…”

NOEL FERRER

What’s in a name nga naman talaga?

Sana nga, may ibang dating at pagpapahalaga at respetong hatid ang pangalang Robinhood para kay Robin.

Habang pinaiiksi ang pangalan ng iba — from Ferdinand Marcos Jr. to Bongbong to BBM iba si Robin, papahabain ito talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasi, kahit ang Francis ay naging Kiko. Ang Franklin ay naging Frank, ang Miguel ay naging Migz, at kung anu-ano pa, ang mananatili sa mga tao ay kung paano sila pinagsilbihan nang maayos ng kanilang inihalal noong eleksyon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ng opisina ni Robin Padilla ang kagustuhan nitong i-address siya bilang Robinhood C. Padilla sa lahat ng transaksiyong may kinalaman sa kanyang pagiging senador.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results