Richard Gomez touches sensitive part of Dawn Zulueta and asks her, "Alam ba ito ng asawa mo?"

Richard Gomez happily reports that he and Dawn Zulueta will work on a teleserye after shooting the movie The Love Affair. “Next week, magsisimula na kaming mag-tape ulit,” he says.



Nag-enjoy si Richard Gomez na katrabaho ang dalawang leading ladies niyang sina Dawn Zulueta at Bea Alonzo sa pinagbibidahan nilang pelikula sa ilalim ng Star Cinema at sa direksyon ni Nuel Naval, ang The Love Affair, na ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula August 12.

Pagmamalaki pa ni Richard, hindi lang magaganda, kundi parehong magagaling na mga artista sila Dawn at Bea.

“Well, kaya lagi akong masaya pag dumarating ako sa set, kasi pag wala yung magandang Dawn Zulueta, nandoon yung magandang Bea Alonzo. Ang sarap kaya nung makatrabaho ng hindi lang maganda, magaling pang artista, di ba?” sabi ni Richard.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Richard sa presscon ng The Love Affair kagabi, July 27, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN Compound.


HAPPY WORKING WTH DAWN. Natutuwa si Richard na makatrabaho ulit sa isang pelikula si Dawn. Huli silang nagsama sa She’s Dating The Gangster na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pero guest roles lang ang mga batikang artist roon.

Ibinalita pa ni Richard ang susunod na proyekto nila ni Dawn.

“Masaya naman kami ni Dawn na magtrabaho. In fact, while doing this movie, mayroon na kaming sinisimulang teleserye. Tinapos lang namin itong movie na ito. Next week, magsisimula na kaming mag-tape ulit.”

Kumportable na sa isa’t isa sina Richard at Dawn kaya hindi na sila nailang sa eksena sa movie kung saan hinawakan ni Richard ang dibdib ni Dawn.

Pero biro ni Richard, “Na-excite nga ako! But honestly, pinag-usapan talaga namin ni Direk kung paano yung gagawin kay Dawn, and then tinanong ko si Dawn, because of course, very sensitive yung part of body ni Dawn [na yon].

Sabi ko, ‘Alam ba ito ng asawa mo?’ Siyempre it’s up to her to explain to her husband. Kami naman we’re just actors doing the scene together, so I guess napag-usapan nila yun.”


(Read: Five Things to Love About CharDawn: Richard Gomez-Dawn Zulueta loveteam)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRAISES FOR BEA. Puring-puri rin ni Richard si Bea sa unang pagsasama nila sa isang pelikula.

“Honestly, nag-enjoy ako working with Bea. She’s a very fine actress and ang ganda ng maturity niya. Ang sarap niyang katrabaho sa mga eksena na ginagawa namin.

“Hindi nakaka-conscious katrabaho si Bea, and at the same time siguro bilang isang artista hindi mo dapat isipin na, ‘A, naging best actor na ako dati.’ Dapat every time you come to the set, iniiwan mo lahat sa bahay yung mga trophy mo, yung mga pinanalo mo.

“You always come parang fresh start palagi yung isang project, yung isang pelikula.”

Ano ang naging reaksyon ni Richard sa love scene nila ni Bea sa The Love Affair?

“Nahiya ako, isinara ko yung mata ko,” biro niya.

“It was a very gentle scene. Siyempre this is a family drama movie, medyo may maturity din, so may mga eksena na talagang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN