Nadine Lustre on working with real-life boyfriend James Reid for a movie: "Of course, mas masaya."



Abala na ang real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang bagong proyekto matapos ang On The Wings of Love (OTWOL).

Sa toll gate ng TPLEX dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press noong March 15 ang shooting ng Jadine para sa summer movie ng Viva Films titled This Time.

Pang-limang pelikula na nina James at Nadine na pinagtatambalan ang This Time na posibleng maipalabas by April 20 sa mga sinehan.

Kahit na romcom, love story ang bago nilang pelikula, para kay James, ibang-iba pa rin daw ang bago nilang pelikula sa mga nagawa na nila.

“Ito po kasi, medyo mahaba rin po ang itatakbo ng story. Mga bata pa kami, 11 ako, 12 siya. Tapos, ito po yung pinaka-light. At saka yung story niya—ang hirap i-explain,” natawang sabi ni Nadine.

Unang pelikula nila ang This Time na officially, sila na.  Sa huling apat na pelikulang nagawa nila, “reel loveteam” pa lang talaga sila. Ngayon, reel- and real-life loveteam na ang Jadine.

Ano ang naging kaibahan para sa kanila?

“Wala, same lang,” nakangiting sabi ni Nadine pero pahabol niya, “Well, of course, mas masaya.

“Saka yun nga, since light yung movie, no pressure at all.  It’s a summer movie po kasi.  Ang hirap kasi, baka masabi ko po yung story.”

Dalawang taon pa lang ang nakalilipas  nang gawin nila ang Diary ng Panget na naging isang malaking surprise hit sa lahat.

Pero sa loob ng dalawang taong yun, heto sila ngayon, sunod-sunod ang endorsements, sold-out concert, naging top-rater at pinag-usapan ng husto ang una nilang primetime series, ang On The Wings of Love, at sa kasalukuyan ay nasa unang bahagi na sila ng kanilang World Tour.

Ano nga ba ang pakiramdam na sila ngayon ang maituturing na hottest loveteam sa bansa?

“We’re just really enjoying lang po kasi gusto po namin ang ginagawa namin. There’s always pressure po naman kasi we want to do good. Pero mas more on nag-eenjoy kami.”

Nakakaramdam pa ba si Nadine na parang hindi makapaniwala na ganito na nga sila ka-big stars ngayon?

“Well, kasama na rin po yun siyempre, pero parang yun nga po, we’re doing this for everyone, for our supporters, for Jadines, for me po, mas nae-enjoy ko siya rather than iniisip ko yun.”

Is she living her dreams now?

“Yes,” ang mabilis at nakangiting sagot ni Nadine.

Kasalukuyang nasa Doha, Qatar sina James at Nadine. Kinabukasan ng shooting nila ay lumipad na sila para sa pagsisimula ng kanilang world tour sa Middle East at U.K.

“I think, after our world tour, we’ll be back on March 30-31 and then, we’re leaving again for somewhere else naman po for the movie.”

Ayaw pang i-reveal nina James at Nadine kung saan ang magiging out-of-the-country shoot ng This Time, pero hindi raw ito sa Paris na tulad ng nababalita.

Ayon kay Nadine, “That would be our vacation lang po. After our Dubai po, we’re going to Paris. Then London, Milan. Then, balik po kami. By May po, world tour po again.”

Ang Paris ay side trip na lang nina James at Nadine at ayon kay James, may surpresa siya para sa girlfriend dito.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN