Ronnie Liang ties with John Lloyd Cruz for Best Actor award at 18th Gawad Pasado

Ronnie Liang shares acting honor with one of the best actors in the country, toppling established actors in the 18th Gawad Pasado Awards. "First time ko 'tapos indie, malaking bagay para sa akin yun. Siyempre ang pressure din bilang isang singer 'tapos aarte ka na."



Nagwagi ang male balladeer na si Ronnie Liang bilang Pinakapasadong Aktor sa 18th Gawad Pasado Awards na ginanap noong Sabado ng gabi, April 16.

Magka-tie na nanalong Best Actor si Ronnie para sa indie film na Esoterika: Maynila at si John Lloyd Cruz para naman sa Honor Thy Father.

Hindi nakadalo si John Lloyd sa gabi ng parangal.

Ano ang reaksyon ni Ronnie sa sinasabi ng iba na ka-level na niya si John Lloyd?

“Wala pa ring tatalo sa isang John Lloyd Cruz!

“Siyempre John Lloyd Cruz pa rin yan, marami talagang napatunayan.

“And gusto ko siyang batiin din, congratulations, John Lloyd, for winning the Best Actor [award].

“Isa siya sa parang nagbibigay-inspirasyon din sa akin sa pag-arte, hinahangaan ko siya sa kanyang pag-arte.

“Isang malaking karangalan na makasama o makabahagi sa kanyang award na Best Actor.

“Na maging tie kami sa Best Actor award.”

Nakapanayam namin si Ronnie pagkatapos niyang tanggapin ang kanyang trophy ng gabing iyon sa University of the East-Manila sa Claro M. Recto St. sa Maynila.

BEGINNER’S LUCK? Pawang mga batikang aktor ang tinalo ni Ronnie sa nasabing parangal na iginawad ng academe-based award-giving body.

Sina Jericho Rosales (#Walang Forever), John Arcilla (Heneral Luna) at Richard Gomez (The Love Affair).

Nakangiting pahayag niya, “Para sa akin, karangalan na mapabilang na isa sa mga nominado na kasama yung mga batikang aktor na yun.

“Lahat naman magagaling talaga and isang malaking karangalan na nakasama ako sa kanila.

“Kaya po ako po’y lubusang nagpapasalamat sa ibinigay sa aking karangalan.”

Pinakaunang pelikula ni Ronnie ang Esoterika: Maynila at Best Actor siya agad.

“Iyon, overwhelmed and super-laking pasasalamat talaga sa award na ito.

“Unang-una kay God, then sa Gawad Pasado, sa aking direktor, sa aking producersa mga pagkakataon na ibinigay sa akin.

“Mas lalo ko pang gagalingan and iyon nga, ‘Boss Vic [del Rosario], ayan, Best Actor po tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Boss, sana Viva Films naman, and salamat po sa support ninyo sa akin lagi.’”

CHALLENGE. Talent Ng Viva Entertainment si Ronnie sa pamumuno ni Vic del Rosario. Ang Esoterika: Maynila ay produced ng isang independent film outfit, ang T.rex Production ni Rex Tiri at sa direksyon ni Elwood Perez.

Ikinagulat nga raw ni Ronnie ang pagkapanalo niya sa Gawad Pasado Awards.

“Nung nabalitaan kong isa ako sa mga nominado talagang, nagulat talaga ako.

“At tuwang-tuwa ako dahil napansin nga yung talent ko dun, sa pag-arte.

“First time ko ’tapos indie, malaking bagay para sa akin yun.

“Siyempre ang pressure din bilang isang singer ’tapos aarte ka na.

“So ito yung isa sa mga challenge na hinarap ko, and nagpapasalamat ako na I was able to overcome it.

“By God’s grace, and sa tulong din ng mga sumusuporta at nagmamahal sa akin.”

GIRLFRIEND. Sa acceptance speech ni Ronnie, pinasalamatan rin at inalayan niya ng kanyang trophy ang kanyang non-showbiz girlfriend na naka-base sa New York sa Amerika.

Sinabihan pa ito ni Ronnie ng ‘I love you, babe!’

Kapag may pagkakataon ay lumilipad sa Piipinas ang girlfriend niya para magkasama sila. Pero bakit wala ito sa sa Gawad Pasado Awards night?

Paliwanag ni Ronnie, “Nasa duty siya, kasi may work siya dun.

“We really tried na ma-fix yung sked niya pero hindi siya pinayagan sa work niya.”

Tinawagan naman raw siya ng girlfriend niya noong araw na iyon mismo para i-congratulate.

“Sabi ko sa kanya, I was so nervous to receive the award and nagpapasalamat ako sa support niya sa akin.

“Laging nandiyan siya, sa pagbibigay niya lagi ng advice sa akin at sa kanyang love and sacrifices.”

May plano na ba silang magpakasal?

“Hahantong tayo diyan,” ang nakangiting sagot ni Ronnie, “Hindi pa siguro ngayon.”

CAREER CHOICE. Dahil may acting award na siya, mas magko-concentrate ba siya sa pag-arte kaysa pagkanta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabay siya, pagsasabayin ko. If God’s will, more films.

“Pero gumagawa rin kami ng bagong album and ire-release din namin siya sa Malaysia, Indonesia and Singapore.”

Wala pa raw titulo ang bagong album ni Ronnie at nagsisimula pa lamang siyang mag-record ng mga kanta para sa album.

Mga Bahasa songs ang laman ng bagong album niya.

“One English lang and one Filipino, tapos the rest Bahasa na.”

Ang Bahasa ay language o salita sa ilang Asian countries tulad ng Malaysia at Indonesia.

May acting award na siya, tataas na rin ba ang talent fee niya sa mga susunod niyang pelikula?

“Sa akin kung ano yung mapagdedesisyunan ng manager ko, nila Boss Vic, sa akin okay lang.

“Pero ang sa akin yung maipamalas o maibahagi ko ang aking talento sa pag-arte, sa pagkanta. Para sa akin iyon ang mas importante.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN