Kathryn Bernardo and Daniel Padilla recall first shooting day for upcoming Olivia Lamasan movie



Huling napanood sa teleseryeng Pangako Sa 'Yo ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ngayon ay isang pelikula ang pagtatambalan muli ng dalawa sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan.

Sa interview ng PEP.ph at Cinema News sa Kathniel sa Star Magic Sports Fest na ginanap noong Linggo, kinuwento ng dalawa na nag-first shooting na ang kanilang pelikula.

Kinunan nila ang ilang eksena bago sila lumipad papuntang Spain kunsaan malaking percent ng pelikula ay isu-shoot sa nasabing bansa.

Ani Daniel, “Yeah, nag-first shooting day na kami. Masaya, ang saya dahil siyempre Olivia Lamasan.

“Kahit matagal, okay lang dahil alam mo na binabatayan ang acting mo.”
 
Kuwento naman ni Kathryn, “Mas puro siya yun, e, ako isang shot lang pero masaya ako kasi naka one down na ako. Kinakabahan ako nung first day. For sure marami pang mangyayari sa mga susunod. Especially next month, everyday na kami. Tomorrow may look test na so gumagalaw na tayo.”
 
Ayon pa sa dalawa ay masarap katrabaho si Direk Olivia Lamasan at malaking karangalan para sa kanila na i-direk ng batikang direktor.
 
Daniel: “Masaya katrabaho si Direk Olive at kailangan talagang nakikinig ka sa kaniya. Masarap dahil very professional si Direk Olive so sobrang honored kami na nakatrabaho namin siya. Marami kang matutunan sa direktor na kagaya niya kaya very thnaful and very blessed kami.”   
 
Kathryn:    “Korek, nakakatuwa kasi nga tinanggap niya ang project na ito. Isang karangalan para sa amin na ma-handle niya itong movie na ito so excited kami.”

(To view photos from their story con, click: Will Kathryn and Daniel shoot kissing scene for movie set in Barcelona?)
 
Isa sa inaabangan every year sa Star Magic Sports Fest ay sina Kathryn at Daniel. Kung dati ay walang sinasalihang games si Kath, ngayon ay sumali na ito sa badminton kung saan kakampi naman niya si Janella Salvador. Balita din ni Kathryn baka next year ay mag-partner na sila ni Daniel sa badminton.

“Actually ngayon lang ako may sinalihan,” pag-amin ni Kathryn. “Dati taga-cheer lang ako, support-support tapos ngayon sinali nila ako. Sabi ko, 'okay pala, bakit ngayon lang ako sumali.' Badminton? Yung Ate ko kasi tinuruan ako so meyo lumaki ako na nakita siyang naglalaro.”

“Baka kami na ang partner next year. Ngayon ko lang siya nakitang mag-badminton. Parati niyang sinasabi na marunong siya pero di naman siya sumasamang maglaro. Sabi ko dapat next year, mag-partner na kami.”
 
DJ: Lagi tayong excited dito kasi siyempre nandiyan ang basketball. Heto nga baka next year mag-badminton na kami ni Kathryn.”



 

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN