Kim Molina re-enacts real heartbreak for her role in Camp Sawi

IMAGE Noel Orsal

Kim Molina recalls her failed nine-year relationship to project real heartbreak in her first movie, Camp Sawi.



Nabigyan ng pagkakataon ang talented theater actress na si Kim Molina na pasukin ang showbiz sa pamamagitan ng pelikulang Camp Sawi ng Viva Films.

Naging daan ang PETA musical na Rak of Aegis upang nakapasok siya sa mainstream.

Ayon kay Kim, “Sa Rak of Aegis po, sa first mainstream film ko na nag-cameo at sa Love Affair at Walang Forever.

“Dahil nanood po si Direk Dan Villegas ng Rak.”

Si Kim din ang isa sa nakalaban ni Maine Mendoza sa nakaraang Metro Manila Film Festival para sa Best Supporting Actress na napanalunan ni Maine.

Ang lumalabas na ex-boyfriend niya sa Camp Sawi ay si Alex Medina.

Kung si Bela Padilla ay personal choice si Dennis Trillo, personal din ba niyang pinili si Alex?

“Hindi siya personal choice, pero okay lang, kaibigan ko naman po kasi si Alex.

“At saka, hindi naman po ako binigyan ng choice.”

Kung nagkaroon siya ng pagkakataon na mamili, sino sana ang pipiliin niya?

“Okay na naman po ako kay Alex,” mabilis niyang sagot.

“At saka, okay naman po kasi kami ni Alex kaya mabilis naming nagawa.”


REAL HEARTBREAK. Sa limang babae sa Camp Sawi na sina Yassi Pressman, Arci Munoz, Andi Eigenmann at Bela, si Kim raw ang may pinakamabigat na pinagdaanan sa pagka-sawi sa pag-ibig.

Kuwento niya, “Ako po si Joan, sa limang girls, siya ang pinaka-baliw, literal.

“Lahat naman po ng girls, mabigat ang pinagdaanan nila, yung heartbreak nila.

“Pero yung kay Joan kasi, basta sobrang mabigat po yung kanya.”

May paghugugutan naman daw siya sa totoong buhay.

Minsan pa lang naman daw siyang nasawi sa pag-ibig sa totoong buhay.

Kuwento niya, “Siguro hanggang ganun lang din, high school.

“High school to college, so medyo nagtagal din kami ‘tapos naghiwalay na lang din kami.”

Siyam na taon din daw ang itinagal ng relasyon nila at inamin ni Kim na siya ang nakipaghiwalay.

Nilinaw niyang walang kinalaman ang “newfound career” niya sa paghihiwalay nila.

“Hindi naman po dahil sa career, bata pa rin po kasi.”

Nakakahinayang din ang siyam na taon.

“Nanghinayang din po, pero iba na po ang tinatakbo ng sa kanya, iba na rin po ang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero okay naman po kami,” saad niya, “Masaya naman po siya.

“Hindi rin naman po niya inexpect, although pangarap naman ng lahat, pero hindi po niya inexpect.

“Singing po talaga ang past ko before, hindi din inakala na mapupunta sa pag-arte.”

Nakatulong din naman daw sa sa pag-move-on niya na nagra-Rak of Aegis na siya at hindi rin sila magkasama talaga dahil out-of-town ito.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN